kung kelan pupugas-pugas ang mata ko, saka naman hindi nangingiming tumipa ang daliri kong sabik sumulat ng bagong entry sa kutang ito. Ayokong pigilan 'yung pwersang nagtutulak para sumulat ako kaya eto na.
Mag tatatlong bwan na pala ako dito sa Singapore. Mabilis ang oras dito. Sinasabi kong na-ho-home sick ako dati pero sa katotohan hindi naman masyado. Sabihin na nating na e-enjoy ko pa 'yung pamamalagi ko rito. Minsan pag nag iisa nakaka lungkot pero steady lang naman at nakakayanan.
Siguro isang factor din na sumusweldo na kasi ako ng dolyar, kung walang control sa sarili mabibili ko ng isang iglap ang mga bagay na gusto kong bilhin. Kamakailan din eh, nag apply ako ng credit card sa DBS. Balak ko kasing gamitin ito para sa flight bookings ko pauwi ng Lupang Hinirang period para wala na akong international rate shits. Mabilis naman na apprubahan ang request kong mag ka credit card dito.
Subalit...
'Nung dumating na ang credit card laking gulat ko dahil pinadalhan ako nang tumataginting na tatlong Credit Cards.
Isang Visa Platinum, Master Card Platinum at Live Fresh Platinum na pwedeng gamitin as EZ link card. Biglang pumintig ang puso ko ng mabilis. Mabilis na mabilis parang space ship. Ang daming pictures ang biglaang nag flash sa utak ko. Macbookpro,DSLR Camera,Australia trip,Canada Trip, Pinas trip at kung ano-anong pang shits na pag kakagastusan na mapapasakamay ko sa pamamagitan ng isang mahinahong pag kaskas ng credit card.
Binatukan ko ang sarili ko para magising ako sa katotohan.
Muli kong inisip ang totoong dahilan baket ako nag OFW, para makapag save for the future and for rainy days. At maipatayo ng Munting mansion si Mudrakels.
After 3 days...
Nag padala ulit ang DBS ng Cashline ATM Card, at PIN Code at Chequeue under my name!
Kinabahan ulit me. Tumawag ako sa bangko upang hingin ang paliwanag baket ako meron nun. Bigla kong naalala tinawagan nga pala ako ng DBS last week at dahil hindi ko maintindihan ang buset na Chekwang agent nag uuminglish hindi ko naman ma gets ang sinasabi, Oo nalang ako ng Oo sa lahat ng upsell nya. Ito na pala yun. Combo credit cards at Cash Loans na pwedeng widrawhin anytime anywhere any moment of my life.
Yung cashline sabi nung Agent pwede ko na daw withdrawhin amounting to my credit limit. Boom! May bumbilya na umiilaw na nag appear sa taas ng ulo ko. Gusto kong mahimatay! Pag nag winidraw ko lahat ng pera sa cash line may instant house and lot na si Mudrax sa Probinsya namin! Gawwwwwdddddddddd!!!!
Binalot ko ang ATM, PIN number, Checqueue at yung ibang credit card sa plastic na itim dahil maitim ang balak nya sa buhay ko. Nilagyan ko ng masking tape. Nilagyan ko ng JEPOY DO NOT EVER TOUCH ET! nag hukay ako sa labas at ibinaon ko ito doon. Juk! Fine, nilagay ko sa kailaliman ng aparador ko.. Sinabi ko sa sarili ko na hindi ko sya gagalawin kahit na anong mangyari! Ayoko kong mabaon sa Utang! Ayokong mag ka Utang ulet. Naranasan ko na ito sa Pilipinas halos isanla ko na ang aking brip and hot body para lang mabayaran ang utang ko sa card! This time, it's gonna be a new Jepoy.
Malapit na akong ma-confirm or maregular sa trabaho ko at bilang surpresa sa sarili ko, iniisip kong regaluhan ang sarili ko ng bigtime gift dahil naging masipag naman ako sa trabaho, nakakapagod kayang mag tweet mag hapon. Juk! Gusto ko ng MacbookPro or DSLR kamera pero ayokong galawin ang ipon ko. LOL isa lang naman hindi dalawa. Pwede naman 'yun diba??!!
Binuksan ko ang aparador ko at tinitigan ang itim na plastik na may masking tape. Nag susumamong buksan ko upang makamtam ang regalo...
I hate DBS!
isa alng ang masasabi ko kuya..dont touch it!paghihirap ang naging bunga ng mga cards na ganyan sa amin ng pamilya ko. tsk
ReplyDeletemy gas, 3 credit cards mo sir. nakakatempt bumili ng kung anong mga bagay. :p
ReplyDeleteipon-ipon sir, para malibre mo kami pagbalik mo. joke lang. :D
papa jepoy... ito lang sasabihin ko.. go..go..go.. isa lang naman para naman malasap mo ang pinaghihirapan mo...mas enjoy kapag meron ganun..:))
ReplyDeleteoh tukso layuan mo sya...
ReplyDeletemahirap na..
saka mo n lng sya galawin :)
morning..nakikomento here :)
it's nice to know na may self- control ka!(sana haha). Oh Im starting to believe that money is root of all evil ;D
ReplyDeleteand by the way nice blog
Ganyan na ganyan ang ginagawa sa isang ofw sa abroad ng mga banko ang ibigay syo ang lahat ng pagkakataon na umutang ng umutang para lahat ng sasahorin mo deretso sa kanilang banko at pagkakitaan ka along the way.Ang gagaling nila mag maghikayat at ikaw naman kung ano-anong ilaw ang lalabas sa ulo mo.
ReplyDeleteTapos ang masasayang araw mo pag pinagbigyan mo sila kaya kong ako sayo isang card lang for buying tickets is more than enough.
pero the mere posession of it pa lang may charges na diba? ouch! GAS na yan! LOL
ReplyDeleteMasakit nga yan kaya tigilan mo muna. Haha. Ako may sermon agad wala pa man din credit card. Wag daw ako kukuha nun sabi ng annay ko at salot daw yun. Pero sila ng tatay ko meron. Haha.
ReplyDeletetoink.. pero gusto ko malaman paano mo talaga binatukan sarili mo.
ReplyDeletejust make it a habit to save 10% of your monthly income and if you have a bank account sa pinas save it there.as much as possible avoid or don't use those credit, mas malala pa yan sa mga droga pag na adik ka.
ReplyDeleteNaku, kung ako iyan, itatapon ko kaagad sa pusod ng dagat iyang mga iyan,, wala pa naman akong control sa sarili. Pag gusto, gusto, dapat makuha ... Ang katawang-lupa, Jepoy, dapat controlin ... :D:D:D:D:D:D
ReplyDeleteOK YANG MAY SELF CONTROL KA ;)
ReplyDeleteBET NO BLOGGER WOULD TELL YOU TO GIVE IN TO THE TEMPTATION OF HAVING MANY CRED CARDS ;) CUTE POST.
opps.. think twice! ok nman ireward ang sarili hinay hinay lang hehe.
ReplyDeleteMr. Jepoy,
ReplyDeleteDon't forget to check the Annual fees, even if you don;t use the cards, you might still have to pay the annual fees.......
Ingat lang po.....
ang itim na plastic bag may puppy eyes..hehe
ReplyDeletewag nalang magpadala sa tukso, mahirap na.. weeee!!! :)
Hindi mo kialangan ng mdaming pera sa bangko. kapag namatay ka, hindi mo na magagasta ang pera mo. ang kasiyahan ng MacBOOK at DSLR ay walang kapantay! LOL
ReplyDeletemaraming salamat sa faithful readers...I heart you! Cheers!
ReplyDeletemakasalanan ang mga card na yan. dumating din ako sa point na binibenta ko na ang maalindog kong katawan. kaso credit card din ang binabayad sa kin. kala siguro pwedeng i-swipe sa pwet ko! haha.
ReplyDeletego for it! kaskasan na!
ReplyDeletekaskas lang ng kaskas.
mag-eend of the world na rin lang naman di ba? Alangan namang hanggang langit, iyon eh kung sa langit ka mapupunta hakhak joke, eh sisingilin ka pa nila...