Maraming salamat pala sa mga idol kong MgaEpal.com sa pag feature nila sa blog ko pati narin sa hindot na blog ng Wickedmouth for all season. Inunahan nya ko mag announce kaya binura ko ‘yung draft ko. Letch!
Ayweis hi-way, Para sainyo MgaEpal mabuhay kayo, at dahil sa dag-dag hits sa blog ko dahil sa inyo isa lang ang mabibigay ko... Dalawa pala... ‘Yung una, ang puri kong 'sing linis ng fountain of youth tsaka malupet na kiss. ***SMACK!*** Ahaha Juk lang! Maraming salamat mga idol ko. It’s a privileged. Arte lang. Mag pakita kayo sakin lalasingin ko kayo...Lasingin ko kayo ng friendship. Kampay!
--------------------------------------------------------------------------
Budgeting…Isa sa pinaka kinaiinisan kong gawing maayos sa buhay ko. Lalo pa’t OFW na mey as of the moment, expectation ang pag budget ng kaban ng cash ng maayos.
Una sa lahat, mahirap mag budget pag sobrang liit ng kinikita. ‘Pag malaki naman ang kinikita sobrang hirap din, like in my case hirap na hirap mey. JOOWK!
Noong nasa Pilipinas ako. Bulagsak ako sa pera, to think na medyo okay-okay naman ang kinikita ko. Wala akong personal Insurance. Wala akong sapat na Savings para mag simula ng maliit na Pamilya at Maliit na Negosyong pisbolan. Wala akong Savings na nakalaan pag nagkasakit ako or magulang ko. I heychet! Mamamatay kameng dilat ang mata na hindi nakakaranas ng maayos na hospitalization. Kung sakaling mangisay ako sa Quiapo tapos may nakakita sakin para dalhin ako sa Ospital, mas mamamatay ako sa kakaisip sa Gastos kesa maisip ang Survival.
Ang may Sala ng lahat ay ang aking life Style. Kung ano-anong ka-bulshitan ang pinag kakagastusan ko. Like napadaan lang ako ng bookstore may nakita akong book, bibilhin ko kagad. Kung series ito bibilhin ko lahat. Pag napadaan naman sa Talyer tapos may nakitang accessories sa Bebe ko. Bibilhin kagad. Nauso lowered. Naka lowered din bebe ko. Nauso Angel Eyes na head light naka ganun din sya. Ubos Sweldo. Pag nagutom ayaw kumain sa food court (Maarte much?!) gusto doon sa may nag se-serve at kumukuha ng order.
Isang maykasalanan din ay ang Putanginang Credit Card. Pero anong gagawin ko?! Tao lang ako.. May needs, Like, Needs mag-book ng flight at hotel para pumunta ng beach pag summer. Needs kumain sa labas, Needs mag motmot. JOOWK! Point is, doon nauubos sweldo at bonuses ko. Hello! Malapit na ko mag trenta wala parin akong maiooffer sa magiging pamilya ko. Mag didildil kame ng Salt in the future... This is not happening!!!!
Kaya ‘nung nag decide akong lumipad dito sa Singapore. Kakapurit lang ang dala kong pera, pinangutang pa ko ni Mudrax with matching iyak. Nahabag ang puso kong may fats. Na realize ko hindi na dapat yun mangyari.
Teka baket ganito ba ang point ng kwento ko ngayon?
Ganto kasi yan. halaki ka nga dito pasapok lang one time. Ching! May nakausap akong Insurance Agent kahapon na nag Financial Planning. Kasi gusto ko na talagang mag bago ng life style dito sa Singapore, kahit dinudugo ang ilong ko tenga at nipples sa pag intindi sa Singlish nang Agent. Go parin ako sa pag take notes. Parang review lang sa board exams. Pati graph pinaretho analysis ko na at nag six sigma narin ng result.
Dahil nga gusto ko na mag bago, na isip kong mag simula sa pag kuha ng Insurance dito sa Singapore. So nag simula ako sa pag kuha ng Investment Insurance na naka Combo ang Protection at Savings Insurance. Naliwanagan me kay koya (Ayokong isipin na magaling sya mag Sales talk). Sana lang Noon ko pa to ginawa. Kesa sa Potang kaskas ng Kaskas ng Credit card eh kung nag Insurance ako dati edi sana May savings kahit papaano? Nakakatakot lang kasi sa Pinas kumuha ng Insurance ang daming manloloko. Tanga-tangahan pa naman me sa mga ganyan. Yan yung Justifications ko. Pag cash kasi sinasave ko na gagastos mey kagad. Ako na ang weak kayo na ang strong. It's you oreydi!
So I’m on my second month here sa Singapore. Dito maraming Pinoy na bigtime pero bigtime din gumastos. Ayokong maging katulad nila. This time gusto ko sana may patutunguhan ang pag hihirap ko. Kaya hindi ako gagastos ng wala sa Plano MASYADO. May emphasis sa Masyado kasi ang life style change ay hindi nangyayari Overnight. (Hindi ako nag Jujustify POTA ka!)
Kaya for the meantime ito ang mga gusto kong gawin sa buhay ko, short term goal 'ika-nga:
1. Gusto kong mag enroll ng Piano Lesson sa Yamaha Next month
2. Gusto kong bumili ng IPAD2
3. Gusto kong bumili ng limited edition ng G-SHOCK watch
4. Gusto kong Mamasyal sa Australia this Year at Canada Next year
5. Gusto kong mag tuloy-tuloy ang pag bigay ng Tithes (10%) kay Papa Jesus
6. Gusto kong bumili ng running gears sa Addidas yung Sando na Green Tsaka yug Masikip na parang leggings pag tumatakbo (hindi ko alam tawag)
7. Pag payat na ko bibili akong madaming damit! Pag hindi ako pumayat buset lang! Pero pag hindi ako pumayat shoes nalang ahahhaa
8. Gusto ko rin pala bumili ng Gitara naiwan ko kasi Gitara ko sa Pinas.
Ikaw sa Tingin mo kakayanin ko ba ang life style Change na pinaplano ko? Wag kang manghusga! May savings ako! Hmp! Sya nga pala may paparating akong Credit Card galing sa DBS dito sa Singapore… Nag pipigil akong mag kaskas ng flight bookings. I heycheeeeeeeeeeeet!!!!!
GOD HELPPPPPPPPP MEYYYYY!!!!!
dejavu? parang nabasa ko na to. lol.
ReplyDeleteDahil di hamak na mas malaki ang suweldo mo sa 'kin, baka maunahan mo pa akong bumili ng iPad2. Hmpf.
ReplyDeletehmmm..repost???hahahaha
ReplyDeleteLagyan ng malaking check ang bawat matutupad/mabibili sa listahan mong nahiya pa sa nuebe at sampu..LOL
pagkatapos ng mahabang post about savings and financial planning....
ReplyDeletebumawi naman sa short term goals.
ANG YAMAN YAMAN MO!
Sa laki ng sahod mo kahit ilang buwan lang may ipon ka na kaagad.Ang problema kung papaano ito palalaguin.yong fishball try mo diyan sa Singapore.
ReplyDeleteNagawa mo pang mag-litanya tungkol sa budgeting, akala ko naman may makukuha akong golden moral dito.. Meron nga, actually, gusto ko ring magliwaliw kahit isang lifetime lang sa Australia. LOL. Pwede mo ba ako isama, Jepoy, kahit isabit mo lang ako sa bagahe mo parang keychain lang??? Rich na you. Its yu olreydi. LOLOLOLOL. :D:D:D:D:D
ReplyDeleteAng arte arte ng structure ang sakit sa bangs. Alam naman naming lahat na magastos ka para kang buddha na hugot lang nang hugot ng salapi sa kaban... At least nakakaisip ka na ng mga ganyang bagay hindi yung puro Twilight books and vampire vampire na kabullshitan ang pinagkakagastusan mo!!!
ReplyDeletehahahaha...isa akong malaking joke when it comes to budgetting....
ReplyDeletelastweek nag open ako ng new account...
wala pang isang buwan wala nang laman!potah...nagpakapagod lang sa pag apply...ahahaha
Ano yung tithes? Pero dahil parang makakalipad ka sa Australia o Canada o ano bang bansa yun.. huwaw..ibig sabihin hang dami mo money! Sorry naman at hirap na hirap ka.. pero nice dahil simula na insurance mo, di ko rin maintindihan kung anong meron sa insurance eh..
ReplyDeletewag magpigil magshopping, dapat laging bulagsak! Dapat laging rich! Para san pa at nagtrabaho tayo! Kelangan ang buhay laging for the rich and famous! Just like you! =)
ReplyDeleteuna ang haba nito...pero sobrang naaliwliw ako samga nopagsasabi mo... ok lang siguro mapagastos at least walang regrets.. yung tipong di mu nipagsisihan na bumili ka ng ganito at ganyan..ok lang yan! hehe. kunsintidora lang! kesa naman overload nga ang savings mo nangayayat ka naman at full gear ang pagkahaggard kakatrabaho di kana nagenjoy :)
ReplyDeleteayos kuya haha XD
ReplyDeletegl sayo! :D
Sa school na lang namin ikaw mag-enroll for piano or guitar lessons! Cheaper than Yamaha ; ) Look up Cristofori Music. I'll be assigned to Bukit Panjang branch.
ReplyDeletePareng jepoy.. eto nagpapa epal muli ako... muli akong nabuhay at muling maghahasik ng lagim..
ReplyDeleteNag level up ka na rin pala.. pero... mataba ka pa rin.. wag kang magkakakain ng kaning lamig, nakakataba yan.. he he he
huwaw. ang dame mo poh gusto bilen :)sana may nabile na poh kayo.
ReplyDeletedream ko din ang ipad2, astig lang kasi. okay lang gumastos paminsan minsan, para maramdaman mo naman na worth it ang lahat ng paghihirap mo jan. ingat sa singapore!=)
ReplyDeleteisa lang naintindihan ko..yung plane ticket!!! uwi na..miss ka na namin ni Glentot! ahahahaha
ReplyDeletesabay na kay Gasul...suprays me! hehehehe
Don't deprive yourself at the end of the day you'll feel you've satisfied your happiness :)
ReplyDeleteI've locked my CC in the fridge already... So now look who's getting deprived? CC or Me?
Nak ng teteng...Ipagdarasal nalang kita.hahahahaha!!!Wag na magplano.itodo na...gugunaw na din naman na mundo.pessimistic ampota. Learn to prioritize...yon lang.God bless.:)
ReplyDeleteabaaa think long-term si jepz! tama yan! ;)
ReplyDeletengapala nakakaasar ka. d ako makacomment sa latest post mo hahaha sasabihin ko pa naman na pansin ko nga laging napapa-no.2 ka sa mga posts mo haha! and un nga, KUMANTA KA NGA FOR ME PLS? :P
isama mo na rin ung sa piano lessons mo a ;D
and good luck sa pagpapapayat mo... i see improvements naman na... bonggang-bonggang shopping galore na naman toh!