Wednesday, March 30, 2011

25 Random Things about Jepoy

Dahil na uuso ito ulet nag kalat sa twitter tsaka sa blogs tapos saktong pinanganak pa akong ingitterong cute eh gaya narin me. Since tatlo lang naman nagbabasa ng blog ko pwede na mag sulat ng Random things about me. May misulat lang ba…

Okay Simulan na...

1. Pinilit kong maging Salutatorian noong High School, mataas kasi ang pangarap ko tsaka gusto kong mag speech sa graduating class. Hindi ko na pinangarap ang maging Valedictorian kasi masyado nang suntok sa buwan ‘yun, hindi ko kayang talunin ang humanoid na classmate ko na ang kinakain ay Math Books. Ang Ending 4th place lang me sa graduating class at hindi ako nag speech. Nag Pledge of Loyalty lang me. I heyret!

2. Ikamamatay ko ang pag dikit ng Palakang Bullfrog sa balat ko or kahit ilapit mo lang sya sakin. Medyo mahina ang katawang lupa ko sa cold blooded animals. Pero Ultimate yung Palaka. Dati may nag joke time sa akin na board mate ko hinagis sakin yung palaka… Nag ka pasa sya sa Panga. Alam na!

3. Tamad akong mag SMS. Generally tamad talaga ako. Ayokong mag hugas ng pinggan, baso, tasa at kahit na ano pang kubyertos.Ayoko ko rin mamlancha, ayokong mag walis. Weird lang pero ayoko ng maduming bahay at cr. Binabayaran ko ang ibang tao para mag linis. Pero ngayon dito sa Singapore ginagawa kong lahat yan :-(

4. I don’t wanna sound Churchy on this bullet but I wanna tell you that I am a Born again Christian hindi lang masyadong halata (Pasensya na Papa Jesus), but I enjoy sharing may faith sa mga Close friends ko. Hindi naman pilitan, 'yung tipong i-share lang, kung ayaw kebs kung gusto good. So pag hindi ako nag Share or hindi pa kita ininvite into one of our small group or worship service hindi pa tayo close kaya wag kang FC hindi ka pa pasok sa banga. Juk!

5. I am an Engineer by Profession but a Singer by heart. CHOS! Pero seyoso isa akong frustrated singer.

6. I believe I am a good person, I thanked you!

7. Marami akong beses inabutan na natatae na ko ng bongga sa kalsada, sasakyan,sinihehan, restawrant ,hi-way, dagat, pool name it! E-wan ko ba?! ‘yung tyan ko hindi na kikisama parati. Kaya pag kasama nyo ko tapos bigla akong hindi nag salita. Malamang na tatae ako 'nun.

8. Hindi ako kumakain ng Laksa at kung ano pang may Curry na pagkain. Prata lang kinakain ko sa Indian food. Feeling ko mag aamoy kilikili ako pag kinain ko food nila at hindi ko talaga sya kainin. Sorry!

9. Mahilig ako sa Music. Kaya kong mag kulong ng bahay ng isang araw nang nakikinig lang ng music or kahit FM radio lang. Madalas mga Christian Music pinapakinggan ko. Ako na malinis!

10. Gusto ko kasama crowd na masasaya pero ayoko ng bastos. Naniniwala ako na hindi kelangan maging bastos para maging Masaya ang kwentuhan.

11. . I run/jog/walk 4 times a week. Eat two times a day. But, I don’t watch what I eat. Well, I kinda trying to watch what I eat na ng konti, recently. Yes, I’m trying to loose weight. Good luck with that!

12. Kahit laki ako sa hirap, sensitive ang skin ko. Ewan ko ba! Buti nalang hindi ako tigyawatin kadire
kasi kung nag kataon, mataba na nga tigyawatin pa. Yuck!

13. Five na beses akong nag snooze ng alarm clock bago ako bumangon kaya parati akong late. Lagi kung hinahabol 'yung bus. Parang tanga lang!

14. Sinigang ang fave food ko kaya lahat ng gustong mag pa impress sakin, ipag luto nyo ko nang sinigang habang nag lapdance suot ang kinky sexy outfit. Charot!

15. Namimili ako ng taong sinasamahan. Sorry na! When I see sablay or offensive yung character nila sa ibang tao. I don’t want anything to do with them but I don’t bad mouth them. Not my practice. Iwas nalang kagad.

16. Ayoko kasama ang “slow pumick-up” feeling ko na hahawa ako. Masarap kasama mga intelehente, feeling ko intelehente rin me. May exception pala dito: Kung Kamuka mo si Maria Ozawa pasok na sa banga kahit bobo pa you, samahan kita mag hapon kahit bukang bibig mo eh Mara-Clara mag hapon. Juk!

17. Noong bata ako iniyakan ko yung movie cartoons na "The land before time". Feeling ko nakakaintindi na ko ng English noon pero seryoso iniyakan ko talaga ‘yun hindi ko nga nakain yung chumpurado ko nun eh. Naawa ako kay Little foot.. Haist!

18. Takot ako sa Ospital. Papasok palang ako ng Ospital or Naamoy ko palang yung Ospital parang mag kakasakit na ko. Hindi pa ko na a-admit sa hospital sa buong existence ko sa motha earth.

19. Noong first time ko na nood ng porn nung Ie-eject ko na sa VHS player yung bala ayaw na mag eject. Nung tinanong ako ng tatay ko kung sino nag sasaksak ng bala sa VHS na bold sabi ko ‘yung katulong nag saksak.

20. Nung college sa sobrang gutum ko nag nakaw ako ng foot long tsaka coke sa canteen sa baba ng boarding house namin. Hindi ako nag bayad.

21. Favorite kong mag pa kamot ng likod, nakakatulog ako kagad.

22. First time kong bumili ng Oakley Shades nasagasaan ng Tricycle nadurog. Hanggang ngayon hindi pa ko nag kakaroon ulit. Sana may mag bigay *puppy eye*

23. Ako na ang pinaka Tsope na nilalang sa Mundo. Maybe because I don’t look good. And I don’t have anything to be proud off sa mga chikabebe na high end (parang gadget lang high end). Yung tipong pwede kang ipag malaki sa lahat ng Tao. Spell Pessimistic!

24. Ipaglalaban ko ng basagan ng bungo ang aking Pamilya at Kaibigan kung sinuman ang nangapi and I don’t ask anything in return (Ako na bayani!)

25. Mahilig akong manlibre nang pag kain kung may extra cash ako. Pero, nararamdaman ko kung strong bones ka na or hindi. It's a gift...

Ang hirap gumawa pala neto! Ayoko na ng 50 effort!

Monday, March 28, 2011

Pi Birthday Gasul

Nag Birthday ang Isang kaibigan dito sa Singapore na itago nalang natin sa pangalang Gasdude.

The party was a small gathering with some of Gasdude’s close friends to celebrate his 30th Birthday. Late akong dumating, kasi galing din ako sa isa pang Party. Ako na Party Animal!!

Pinupuntahan ko kasi talaga ang mga Birthday invitation sa akin dito sa Singapore hanggat kaya ng katawang lupa kong bumyahe to the ends of the earth, Go! Kaya pag ako nag invite tapos hindi ka nakapunta erase ka na sa circle of friends ko. Juk! Mapag tanim lang ng puot?!


So dinner birthday Celebration sa Pool Side ang effect ng Birthday Party. Pinoy food ang handa. Syempre naman hindi ko papalampasin ‘yun, dahil ginto ang masarap na Pinoy food dito sa Singapore. Alam mo ‘yung karinderya na Jolijeep sa Makati na inaartehan mong ayaw mong kainan noong nag tra-trabaho ka pa sa Makati? Dito sa Singapore makikipag balyahan ka ng lunch time makakain lang ng Jolijeep level. Hindi exag yun!


Very United Colors of Beneton ang Party nitong si Gasul. Sya na ang maraming foreigners and local na friends. Napasabak tuloy kame ng Englishan. Dugo ng ilong much ang naganap. At ang Sososyal ng kaibigan nya hindi me nabibilang. Asa akong burak langit sila. Arte lang.

Nag facilitate ako ng maliit na game para mas maging maingay ang Party. Hindi ko na-realize na English nga pala dapat ang medium of instruction ko sa pag explain ng mechanics ng laro kasi hindi kame pinoy lahat. Dinugo ang ilong ko ng buo-buo sa kaka explain ng mechanics. LOL


Nung napagod/bored na ko lumipat ako ng ibang mesa para makipag kwentuhan ang sumundot ng Menudo on the side hhihihi. Habang kumukuha me ng food sakto may Local na bisita si Gasul hindi nanaman maampat ang Englishan parang wala ng bukas. Gusto ko na ngang isuka yung menudo at umuwi nalang. Ching!

Maya-maya may isang dumating, mukang egoy! Hello, hindi talaga ako nag palubig sa pag E-english.

These are Pinoy food blah blah blah…

Maya-maya nung lilipat na kame ng lugar biglang nag tagalong. Anak baka! Pilipino pala sya. FTW!

Pero ang pinaka matinding litanyang narining ko nung gabing party ni Gasul.

“Oh what’s this food. It’s Yummy”

“Oh that’s Putowww with cheese on top that’s THE DEFAULT FILIPINO DESSERT”

Default talaga????!!! Parang Screen Saver lang ng PC default?! Ahahaha JoJo Lakwatsero it’s you already! It’s you! LOL

Share ko senyo paano kame mag kulitin here’s a small clip for Gasul. Happy Birthday Bro! May the Lord Bless you more and more each year! (video will expire in 3 minutes)


Thursday, March 24, 2011

Jepoy's view on Budgetting (Financial Planning)

Maraming salamat pala sa mga idol kong MgaEpal.com sa pag feature nila sa blog ko pati narin sa hindot na blog ng Wickedmouth for all season. Inunahan nya ko mag announce kaya binura ko ‘yung draft ko. Letch!

Ayweis hi-way, Para sainyo MgaEpal mabuhay kayo, at dahil sa dag-dag hits sa blog ko dahil sa inyo isa lang ang mabibigay ko... Dalawa pala... ‘Yung una, ang puri kong 'sing linis ng fountain of youth tsaka malupet na kiss. ***SMACK!*** Ahaha Juk lang! Maraming salamat mga idol ko. It’s a privileged. Arte lang. Mag pakita kayo sakin lalasingin ko kayo...Lasingin ko kayo ng friendship. Kampay!

--------------------------------------------------------------------------

Budgeting…Isa sa pinaka kinaiinisan kong gawing maayos sa buhay ko. Lalo pa’t OFW na mey as of the moment, expectation ang pag budget ng kaban ng cash ng maayos.

Una sa lahat, mahirap mag budget pag sobrang liit ng kinikita. ‘Pag malaki naman ang kinikita sobrang hirap din, like in my case hirap na hirap mey. JOOWK!

Noong nasa Pilipinas ako. Bulagsak ako sa pera, to think na medyo okay-okay naman ang kinikita ko. Wala akong personal Insurance. Wala akong sapat na Savings para mag simula ng maliit na Pamilya at Maliit na Negosyong pisbolan. Wala akong Savings na nakalaan pag nagkasakit ako or magulang ko. I heychet! Mamamatay kameng dilat ang mata na hindi nakakaranas ng maayos na hospitalization. Kung sakaling mangisay ako sa Quiapo tapos may nakakita sakin para dalhin ako sa Ospital, mas mamamatay ako sa kakaisip sa Gastos kesa maisip ang Survival.

Ang may Sala ng lahat ay ang aking life Style. Kung ano-anong ka-bulshitan ang pinag kakagastusan ko. Like napadaan lang ako ng bookstore may nakita akong book, bibilhin ko kagad. Kung series ito bibilhin ko lahat. Pag napadaan naman sa Talyer tapos may nakitang accessories sa Bebe ko. Bibilhin kagad. Nauso lowered. Naka lowered din bebe ko. Nauso Angel Eyes na head light naka ganun din sya. Ubos Sweldo. Pag nagutom ayaw kumain sa food court (Maarte much?!) gusto doon sa may nag se-serve at kumukuha ng order.

Isang maykasalanan din ay ang Putanginang Credit Card. Pero anong gagawin ko?! Tao lang ako.. May needs, Like, Needs mag-book ng flight at hotel para pumunta ng beach pag summer. Needs kumain sa labas, Needs mag motmot. JOOWK! Point is, doon nauubos sweldo at bonuses ko. Hello! Malapit na ko mag trenta wala parin akong maiooffer sa magiging pamilya ko. Mag didildil kame ng Salt in the future... This is not happening!!!!


Kaya ‘nung nag decide akong lumipad dito sa Singapore. Kakapurit lang ang dala kong pera, pinangutang pa ko ni Mudrax with matching iyak. Nahabag ang puso kong may fats. Na realize ko hindi na dapat yun mangyari.

Teka baket ganito ba ang point ng kwento ko ngayon?

Ganto kasi yan. halaki ka nga dito pasapok lang one time. Ching! May nakausap akong Insurance Agent kahapon na nag Financial Planning. Kasi gusto ko na talagang mag bago ng life style dito sa Singapore, kahit dinudugo ang ilong ko tenga at nipples sa pag intindi sa Singlish nang Agent. Go parin ako sa pag take notes. Parang review lang sa board exams. Pati graph pinaretho analysis ko na at nag six sigma narin ng result.

Dahil nga gusto ko na mag bago, na isip kong mag simula sa pag kuha ng Insurance dito sa Singapore. So nag simula ako sa pag kuha ng Investment Insurance na naka Combo ang Protection at Savings Insurance. Naliwanagan me kay koya (Ayokong isipin na magaling sya mag Sales talk). Sana lang Noon ko pa to ginawa. Kesa sa Potang kaskas ng Kaskas ng Credit card eh kung nag Insurance ako dati edi sana May savings kahit papaano? Nakakatakot lang kasi sa Pinas kumuha ng Insurance ang daming manloloko. Tanga-tangahan pa naman me sa mga ganyan. Yan yung Justifications ko. Pag cash kasi sinasave ko na gagastos mey kagad. Ako na ang weak kayo na ang strong. It's you oreydi!

So I’m on my second month here sa Singapore. Dito maraming Pinoy na bigtime pero bigtime din gumastos. Ayokong maging katulad nila. This time gusto ko sana may patutunguhan ang pag hihirap ko. Kaya hindi ako gagastos ng wala sa Plano MASYADO. May emphasis sa Masyado kasi ang life style change ay hindi nangyayari Overnight. (Hindi ako nag Jujustify POTA ka!)

Kaya for the meantime ito ang mga gusto kong gawin sa buhay ko, short term goal 'ika-nga:


1. Gusto kong mag enroll ng Piano Lesson sa Yamaha Next month
2. Gusto kong bumili ng IPAD2
3. Gusto kong bumili ng limited edition ng G-SHOCK watch
4. Gusto kong Mamasyal sa Australia this Year at Canada Next year
5. Gusto kong mag tuloy-tuloy ang pag bigay ng Tithes (10%) kay Papa Jesus
6. Gusto kong bumili ng running gears sa Addidas yung Sando na Green Tsaka yug Masikip na parang leggings pag tumatakbo (hindi ko alam tawag)
7. Pag payat na ko bibili akong madaming damit! Pag hindi ako pumayat buset lang! Pero pag hindi ako pumayat shoes nalang ahahhaa
8. Gusto ko rin pala bumili ng Gitara naiwan ko kasi Gitara ko sa Pinas.

Ikaw sa Tingin mo kakayanin ko ba ang life style Change na pinaplano ko? Wag kang manghusga! May savings ako! Hmp! Sya nga pala may paparating akong Credit Card galing sa DBS dito sa Singapore… Nag pipigil akong mag kaskas ng flight bookings. I heycheeeeeeeeeeeet!!!!!


GOD HELPPPPPPPPP MEYYYYY!!!!!

Saturday, March 19, 2011

Patalastas...

On the 20th of March...

I am gonna be so fucking honored. Kinilig ako mula bunbunan hanggang betlogs. yung mga bulbul ko nag kalasan dahil sa tuwa.

Sneak Peak...



Learn more of this soon...


Thank you so much mga idol for the avatar. I am not worthy. Arte lang. Salamat sa mga nagbabasa at nag co-comment parang adami eh no?! Tsaka sa mga nag follow na bago, I thanked you *SMACK* Maraming salamat.

Feeling ko tuloy sikat na ko, yung kasing sikat ni Glentot. Pero, sa katotohanan tayo-tay0 lang naman dito mga pards. Bawal dito mga bad vibes you know who you are. Tsupi!

I'll post another entry about this patalastas after March 20...Woot!

Happy Weekend. God Bless You People!


Thursday, March 10, 2011

Jogging

Hindi ko naman pinag kakaila sa buong mundo na mataba me, dahil kitang-kita naman ang ibidins. Fine! kayo na may abs. Kayo na hot! Kayo na perfect!!! In English It's you Oredi! It's you.

Kaya nga isa sa mga goals ko sa pag move ko dito sa Singapore bukod sa yumaman eh ang mag ka-abs. Juk! Gusto ko lang pumayat ng konti. Ayoko naman maging patpatin dahil mag mumuka akong poste ng meralco.

Sa totoo lang pag nakakakita ako ng weighing scale nanginginig ang buong katawan ko. Gusto kong mahimatay. Arte lang. Natatakot me baka masira yung scale! awww!

Kaya naman sinimulan ko na nga mag jogging everyday! You heard it right. EVERYDAY! 'Nung first day ko pagkagising ko ng umaga parang gusto kong gumapang sa sobrang sakit ng binti ko at talampakan. Sa sobrang sakit gusto kong kumain ng letcheflan tsaka lechong kawali ng lunch time. Pero hindi ako nag palupig sa kahinaan ng katawang lupa ko sa kadahilanang gusto kong bumaba ang timbang ko nag jogging parin me. okay more on walking. LOL

Todo get up me, para naman hindi ako mukang basahan. Shirt, Check. Jogging pants, Check. Knee pads, Check, Sun Block, Check, Risk band, Check. Sun Glasses, Check , ipod, check (Ang dami?!) Feeling ko lang mag ma-marathon ako. Parang tanga lang.

10 minutes palang akong tumatakbo ayoko na. Hinihingal na me. Nyeta! Sayang Getup! Dumaan ako ng 7/11 para bumili ng gatorade. Talagang bumili kagad ako ng gatorade feeling ko sampung oras na ko tumatakbo. Bibili pa nga sana ako ng kitkat para ganahan tumakbo kaso naisip ko bukas nalang. I heyrrrret!

Pag labas ko ng seven eleven tumakbo na ko ng bongga. Pinilit ko ang sarili ko. Dapat driven. Dapat mag kasya sakin ang Medium size na longsleeves kaya tumakbo me ng tumakbo. Hanggang sa Hingalin me. Pawis na Pawis na me. At bumilis ang tibok ng puso ko. Natakot me! Ayoko pa mamatay.Kaya bumili muna me ng ice cream at nag rest.

After ilang minutes nag jog ulet ako. Habang tumatakbo feeling ko pumapayat na ko. Ang bilis?! kaya nga feeling eh. Pota!

Nakailang block narin ang naiikot ko. Ang sarap sa pakiramdam. Sana maging life style na ito. Good Luck sakin! Sana after a year pwede na kong mag lagay ng before and after picture ko sa blog. Ahahaha

kung sa puntong ito eh umabot ka nag pagbabasa malamang close na tayo kasi na tsaga mong basahin. Sana sipagin akong mag kwento sa weekend ang dami kong gusto ikwento. hihihi.

Salamat sa pagbabasa *SMACK*

Thursday, March 3, 2011

Maikling Update

Alam kong may mga bagay na hindi na dapat kinukwento pa sa blog. Pero, kelangan ko talagang ilabas ang kwento na ito para narin sa tatlong faithful readers and commenters ng Pluma ni Jepoy namely...Charot!

Hindi na first time nangyari sa akin ito. Nangyari na rin ito sakin sa bus dati at na iblog ko narin dati. Pero this time dito sa Singapore nangyari sa akin.

Galing ako sa Dinner kasama ang dalawang kaibigan ko. Si Rob isang brit at si Jackie isang pinay. Nag dinner kame sa Doby Ghaut, lugar na malapit na sa mga tinitirahan namin. Pag tapos kumain bigla akong nakaramdam ng hindi maganda.

Oo ate Charo na tatae me.

Nagyaya na 'kong umuwi kahit maaga pa dahil na-ninindig na ang bawat hibla ng buhok sa katawan ko pati bulbul ko tumitirik na. dahil taeng-tae na me. Kadire!

Papasok kame ng MRT nag loko pa yung top-up ko nak ng tokwa na tatae na nga di pa makapasok sa top-up. Tanga-tanga kasi ng hapon sa harap ko nag register na nga yung card nya hindi pa tumawid e naitop up ko narin kaya yung card ko. Edi hindi kame makapasok dalawa. Dinamay pa ko sa ka stupiduhan ni Koya. Nyetakels!

So matapos ang mahabang diskusyunan nakapasok narin ako ng MRT. Sabi ko kay Rob at Jackie

"Dude, Immana poop on my boxers. Can't hold this shit any longer" (Oo nag eenglish ako pag na pre-preyzher me)

"Are you sure? You wanna do that shit there on toilet on the other side?!"

Pero nag matigas ako feeling ko kaya pa. So sabi ko ba-byahe na me tutal ilang stations lang naman bahay ko na. Nauna na si Rob kasi iba yung way nya. Si Jackie yung kasama ko sa MRT. Pag pasok namin nanlamig ang paligid ko at nag dilim ang paningin ko. Lumabas ang tae sa pwet ko ng konti. Buti nalang hindi basa thank God! Kung hindi nag lawa ang basang tae sa MRT.

"Jackie kelangan nating bumaba sa next station. Kung hindi mag kakalat ako ng di kanais-nais na amoy dito. Wala akong pambabayad ng multa."

Sinamahan ako ni Jackie kasi kabisado nya kung saan ang toilet sa next station. Pinahawak ko muna yung laptop ko at tumakbo na me sa Toilet. Pag upo ko parang wala ng bukas ang tae me. Nilabas ko na ata pati liver ko at lungs. Ang dami. Kadire much! Pag tapos kung tumae pinindut ko ang dispenser ng tissue.

Walang lumabas. Walang ng Tissue.

Finish!