Tuesday, November 4, 2014

I am Alive

Kamusta kayo?

Ako sakto lang mataba parin tsaka cute. I have not been able to write or bloghop for the longest period of time. Hind na ko masyadong updated sa kung ano-anong bago sa inyo? pero updated naman ang instagram ko search for incrediblejepoy kung wala kang magawa bukod sa ngatngatin yang nails mo sa talampakan. Bwahihihi

So what had happened after my Qatar Assignment?

Actually, wala naman masyado, bukod sa nag-gain ako ng timbang dahil sa kakalaps ng mga baka, sibuyas, buhangin at Kamelyo sa Qatar eh, ganun parin naman si Jepoy, more timid and shy parin mey.

Medyo active ako sa mga Outreach activities. Pwede na ko bigyan ng Mr Friendship Intergalactic Universe Sash. Pero alam nyo sa totoo lungz, na enjoy ko rin naman sya, I  really feel the fulfillment. Tsaka masaya din makasama 'yung mga group of friends na kaparehas mo ng passion and goal in life. Pero minsan na lulungkot parin ako dahil may kulang parin sakin. 'Yung goal ko last year na hirap na hirap kong makamtan.

Abs. Charot lang. 

Gusto ko talagang mag lose ng weight not for aesthetic purpose but for health reasons. That has been my ultimate goal for like 3 years already. Syempre tumatanda na. Ang presyon tumataas parati at kinakailangan ng uminom ng Maintenance. Yuck tanda na! Lakas maka lolo ng pag inom ng Maintenance.  Pero, kelangan talaga, ayoko naman na maka kurot lang ako ng krispi pata mangingisay na'ko kagad sa kalsada. Heart attack kagad ganyan.

Sabi nga nila, kelangan daw may goal ka sa buhay para alam mo kung saan ka mag sisimula. At sabi rin ng mga chismosang talakitok, it's okay to start over again. No harm in trying.

Dahil dyan.

Nag sign-up ako ng gym membership. Nag signup ako sa Fitness First. Pikit mata kong kinaskas ang aking Patinum American Express card. Charought! Nag sign up ako kahit alam kong masakit sa bulsa ang monthly. 

Pero bago ako nag sign-up, umattend muna ako ng Class.

To tell you honestly, hindi pa ako nag sign up for Gymembership. Cheetos membership, oo pero Gym not in my lifetime. Feeling ko kasi dati kaartehan lang sya. So I just concentrated on other stuffs like running, badminton, swimming over the years. Pero, ngayon na meron akong medical condition, I think this is really needed.

So I started to cut my food intake and check out the free trial.

My friend who happened to work there, signed me up to the this Body Pump class. I don't have any clue kung ano ginagawa dito. She said, okay daw ako dun since sporty naman daw ako. So I said, why not. I'll try.

So I went to the Gym and lined up for the class. Nahiya ako kasi ako lang mataba. Lahat sila puro fit. Gusto ko na sanang umuwi, I feel so hiya, like super. Pero, sayang naman kung mag iinarte pa ako at umuwi eh, nandun na nga 'ko.

So I went and follow them to this dance looking studio. People started to get their gears and put it on their position.

Ako naka nganga hindi ko alam kung anong dadamputin kong gadget. Hindi ko alam kung gaano ka bigat ba dapat buhatin ko. No Clue. It was so frustrating and super nakaka dyahe ng 150%. Alam mo yung feeling lost ka. Ganun.

But I told myself, "What the hell! Nandito na'ko at hindi ko naman sila kilala so I don't give a damn"
Lumapit ako sa trainer at sabi ko first timer ako.

Sabi naman ni Ate go light and follow her lang daw. Like yeah, right!!

Naawa yata 'yung katabi kong Ate sakin or na cute-tan lang sya sakin kasi she helped me set up everything for me. Juk! Muka kasi akong lost at kaawa-awa.

The instructor started to play the music and started to speak loudly with so much energy. Si Ate kumota sa pag inom ng Cobra at Red Bull.

Morefollow naman me on the rythm and posture and all that crazy shit. This was by the way 1 hour straight endurance exercise. And it is my first time!

In the last part of the class, yung may push-ups tapos biglang magbubuhat ka ulet. Sumuka ka mey sa floor. Spell awkward!


And yeah I signed up.

suka pa more para sa abs..


             This is me and my friend Mayong after couple of days dieting and first 3 classes attended


And this was me, exactly one year ago with the same shirt...


And this was me on my first Christmas in Singapore 2011, different shirt though...




That was my Slow metamorphosis...

Maybe next time soon a better before and after pix after couple more months of exerting extra efforts of living a healthier life...

Finish...

Friday, May 2, 2014

Daily boring Routine

Ang work assignment ko dito sa Qatar has totally changed how I viewed life compared to couple of weeks back. Hindi ako nag iinarte or emo shit kyeme. Totoong nabago lang ang pananaw ko. I miss writing (Ito arti na) na-miss kong mag update at magbasa sa blogosperyo. Baket bigla ko na miss? May nag comment kasi from one of my post last year, then I back read my own stupid none sense blog. Nag emo mey ng 90%

Crap!

I miss blogging!

Anyway that's not my point of kwento now. Let me bring you to my life here in Ras Laffan Industrial Area of Kingdom of Keeeeteeeer (Qatar)

First, 6 days ang pasok ko dito. Which is totally nakaka-iritate ng makinis kong skin. Because buong career life ko 2 days ang off ko. Bukod dyan, ang gising ko everyday is 5:00 AM, that means dapat tulog na ko by around 9:00 PM para mag rejuvinate ang skin mey. Charaught!

Natutulog ako ng 9PM para hindi bangag mode sa gitna ng disyerto. So pag-gising ko ng 5AM. Mag mamakaawa muna akong mag snooze ng phone at matutulog ng 10 minutes bago maligo at pag nag alarm ihahagis ko ang phone ko sa basurahan. Jowk! Syempre gigising na mey sabay sabing, "Good Morning beautiful world" tapos diretso na sa Toilet, mag kuskus ng talampakan, betlog, kiliki, toothbrush, tumae at lahat na.

Nagagawa ko yan in 30 minutes. I know right?! I'm so fast like flash! Kelangan ko kasing humabol sa breakfast. Masarap naman ang breakfast sa campo, may cereal, Milk,  Toast bread, Scarmbled egg, Yogurt at kung ano-ano pa. Kaya na-papadami ang kain me. Which I heychet. Kasi diet nga dapat ako? kaso slightly fail.

So by 6AM sharp aalis na ang service namin. Kaya kahit may tinga pa ko. Tatakbo me kahit naka steeltoe shoes pa ko. Keblats na sa Jar kahit mabigat. Sasakay ng bus in time.

Sa bus. dalawa lang kameng Pinoy. Puro Anaps na lahat. Soooo Yesss mabaho ang bus. Amoy Trash Can na may taeng basa. Every morning may dala akong plastic bag at duon ako sumusuka ng Yogurt, Scrambled egg at Toast Bread and Milk. 'Yung isusuka ko yun na ang lunch ko. Dugyot!

Diretso kame sa Port Office. Pag dating doon. Lalanghap muna mey ng fresh air na may konting alikabok. At mag go-good morning sa mocking birds and flowers and trees. Jowk! Syempers, Check-check ng email at diretso na sa Planta. Take note, ang Qatar Gas ay hindi maliit na planta. Malaki sya, Ang mga control room nila kelangan mong byahe-hin ng mga 10 to 15 minutes para maka punta ka dun. Part ng work ko ang pag lipat-lipat ng control room because I'm so brainy like that. Joke! Lumilipat ako ng control room para mag connect ng software namin, basta ganun.

Bago ako makalipat kelangan kong tawagan yung mga anaps naming driver at makipag pinoy henyo muna ng mga 15 minutes para makapag communicate ako na kelangan ko silang pumunta ng site at sunduin ako at ihatid sa kabilang site. Na iimagine nyo ba?! Minsan muntik na kong makipag away kasi nag sign laguage si kuya. Ano ko mute?! Gusto ko syang pakainin ng burak. Pero dahil mabait me. I just rolled my eyes while walking away flawlessly.

Mainit dito, like super ineeeet. Lahat ng mga sakit sa balat ko noon, nag lalabasan. Welcome balakubak tsaka skin rashes. 'Yung flakes ng ulo ko nakaka-diri. Parang pinipig sa laki nag tatalsikan. Ang itim-itim ko narin kakulay ko na ang isang full blooded ita.

Mga around 11:00 Susunduin na kame para sa lunch. Welcome to anaps bus again. Spell baho. May dala akong plastic ulet. This time hindi na 'ko nasusuka. Kasi naka-hiram na ko ng Vicks sa isang pinoy na kasama ko.

Maraming pangyayari sa site na ikaka-tumbling nyo sabay split Tulad ng mga vendors na demanding kung maka-utos parang wala ng bukas. Gusto buksan kagad ang mga valves eh may nag leak-test pa nga. Eh kung biglang bumulwak ng kumukulong gasolina ung pipe eh, 'di ako pa may kasalanan?! Isang example lang yan. Napaka-dami pa. Aliping sanguiguilid ang peg ko dito.

Around 4 PM susunduin na kame pa balik ng Office namin, tapos uuwi na sa Camp Site ng mga around 5:30 PM. Tapos dinner na tapos balik sa kwarto para mag facebook ng konti tapos tulog na. Yes, ganyan sya kaboring! Slap mey!!!

Paulit-ulit na ganyan ang cycle. Pero, what made my stay here a lil bit interesting ay ang mga Pinoy na mga naka-trabaho ko. Mababait sila at satisfied sa kung anong meron sila. Hindi sila katulad kong reklamador. Alam nyo ba na May taga-timpla nga pala ako ng kape dito? Yes, Sosyal lakas maka Don Facundo.

Anyways, 'yung mga katrabaho ko hindi sila ma-reklamo at taimtim nilang ginagawa ang trabaho nila.  Samantalang ako lagi nalang ako naka busangot sa inet. At laging asar sa mga bwiset na permit na nag papa-tagal ng trabaho ko dito. 'Yung drama ko parang I-hate-my-life-here-see-how-it-sucks-bigtime pero ang mga kasama ko saktong masaya na sila pag uwian na at sa minsanang off.

Made me reflect. Walang halong charot. Tumatanda na yata talaga ako kasi ang bilis kong matanggap ang lahat ng mga bagay na hindi masyadong favorable sakin na dati over-my-hot-drop-dead-gorgeous-body mag-kikikisay man sila hindi nila ko ma please sa mga bulok na process nila.

Syempre mas gusto ko parin sa SG pero dito sa Qatar it's not really that bad. Mas gusto ko lang sa SG kasi mas kaya kong ma control ang diet doon. lolz

Kinakatakutan dito ang MERS, kaya pag lagi akong naka kulogbong ng good morning towel pag papasok na ko. lakas maka construction worker OOTD.

'Yun lang. KthanksBye!


Monday, April 21, 2014

Update

Oo, hindi kayo na mamalikmata totoong update ito.

Balak ko na sana isara ang blogsite ko kaso inisip ko, ano nanamang kaartehan ang gagawin ko tapos mag susulat din naman ako after sometime, kaya I decided to keep it, no pressure mag update. Hayaan nalang langawin na parang iput ng kalabaw sa gitna ng pilapil.

Anyhow carabao, Medyo bored  ako kasi zero social life ako ngayon kaya siguro bigla ko nalang na isipang mag sulat ulet.

Nasa Middle, East nga pala ako sa mga oras na ito. Nasa gitna ako ng disyerto. Hindi ako maka labas dahil it's so ineet like that. As in pwede ka mag laga ng ng itlog sa anit mo.

Pero, no joke ah,  ang iniet pala talaga dito, lumulutong ang balat ko pag nag lalakad ako sa katanghaliaang tapat. Lakas maka lechong Cebu. It's super duper inet like that.

Nandito ako sa Qatar ngayon may project kasi kame sa Qatar Gas kaya nandito ang buong Automation Team para mag Automate ng isang part ng Planta nila. Sounds complicated? It is! Nose bleed ng bongga jabonga. Nahihirapan na 'kong mag panggap na brainy. Minsan nga naitatanong ko sa sarili  ko ano bang ginagawa ng isang ex-call cenneer agent sa ganitong trabaho? Kaya ko ba talaga?! Pero dahil ginusto kong mag practice ng tinapos ko sa Kolehiyo, edi Pushhhhh! Shut up and drive sabi nga ng kanta (makunek lang)

Napakadami palang Pinoy dito, nagulat mey. Lahat ng sulok may mga Pinoy. Pati yung cab driver nag ta-tagalog sakay  na daw ako mura lang. Kaso natakot ako kasi baka ma rape mey. Bagong ahit kasi ako. May nabasa kasi ako na nang ra-rape daw sila ng mestiso. Maputi??!! lol

Bali nakatira ako sa accomodation namin sa loob ng Site. Isa syang camp site. Alam nyo yung mga trailer truck na may kwarto? Something like that ang mga rooms namin. Ayos naman ang accomodation pati ang food libre, buffet sya, kaya goodluck sa diet. Libre din ang laundry. Kaso nga lang natatakot ako baka ihalo sa mga workers na anaps yung mga damit at brip ko, don't get me wrong mas pawis lang kasi sila kesa sakin kaya ayoko sana mahalo. ahahha Nag explain?! Medyo hindi ko sya kayang sikmurain kasi. Kaya I decided na hindi nalang ako nmg lalaba ng brip. Side A at Side B nalang tutal 1 month lang naman ako dito. Ahahha

Dalawang lahi lang halos ang mga nag tra-trabaho dito, Anaps tsaka Pinoy lang. Pero sa'min majority parin ang mga anaps. Six days ang pasok dito. Minsan wala kameng off. Lahat ng pinetiks ko sa Singapore binawi dito sa Qatar.

Maaga kameng nagigising 5AM dapat gising na kasi aalis na ang bus ng 6AM. Super aga nun para sa akin. Ang dami kong na realize dito. Dapat talaga maging thankful ta'yo kung anong meron ta'yo. At hindi pala biro ang maging OFW dito sa Qatar. May mga drivers dito na kinukuha ang passports nila pag join nila ng company parang maids. Pag aalis ka kukunin mo pa sa employer mo. Ganun ata kalakaran, not sure though. Pero ako hindi ako kumpurtable na iba ang humahawak ng passport ko. Dahil anymoment pag na bwiset mey, fly na sa lupang hinirang ang gagawin mey. Tsaka wala masyadong magagawa dito feeling ko mamatay ako sa homesick pag nag tagal pa ko dito. 'Di ko keriboom.

Kaya sobrang hands off sa mga OFW dito. Saludo ang Pluma ni Jepoy Senyo! Yun lang. Try ko mag kwento ng mga experiences ko dito pag hindi na ko tinatamad.

Salamats sa pagbabasa na miss ko kayo. Mhuachups!



Monday, February 10, 2014

Story of an Endomorph Me

I have to admit, I gained weight last December, at hindi ko na naprioritize ang pag lose ng weight simply because napakasarap kumain. Lalong-lalo na pag nasa bakasyon ka. Para sa isang katulad kong mataba na fucked-up ang metabolism napakihirap talagang mag papayat. Madami-dami na akong attempt but this thing that I'm gonna share right at this moment, you'll gonna shit stones. LOLz

Few years back, I pushed my self to exercise. I ran constantly and control my food intake a little bit. But I didn't track my weight. Reason being is that, ayokong ma frustrate na hindi ako nag lose ng weight or walang nangyayari. Then I lost my job. Got a new one. And totally forgot that I should concentrate on losing weight, not until matapos ang bakasyon ko sa Pinas last year. I almost went back to my original weight prior flying to Sg to work.

My goal is for health reasons and I wanted to eliminate my belly-obese-fat. Ang hirap mag tucked-in. My get-up is still my college days porma, polo shirt tucked-in at naka jeans and some rubber shoes and nothing more. At dahil nga jubis I am having hard time to feel good. And so I decided to act on it and monitor my weight on a weekly basis.

I don't have problems on my exercise so my guess is, the issue here is my food intake. Masyadong ako mala T-REX kumain. Also, kelangan mag bago ang metabolism ko.

Marami akong friends na nag sasabing I  should try daw this amazing diet program, ang General Motors diet. And so I tried it. For details just click here para hindi na ko mag explain what it is and how it works.

I'm not comfortable sharing my weight yet, kasi mataas pa at nakakahiya, pang Elapante parin, but anyways, this was how GM worked for me. I tried it couple of weeks ago. Here's the before and after result. Right side was after my weight gain last holiday season. Left side is the current one.


It was not that significant I know, but it is a start. I lost 4.4 Kgs on my first week. Last week was my second week of diet, I didn't do GM na kasi baka hindi ko na kayanin, at mag init ang ulo ko. Baka sampalin ko lahat ng makita ko sa MRT.  I just maintained my regular exercise which is badminton and running/walking and no carbs and meat diet, well, may konting meat pag nalilingat but believe me I tried 100% to eliminate meat to my diet. Rice is totally out of the game na. ahahha.

Last week I lost another 1 Kgs. Not that much compared nung nag GM ako but it was still a weight loss. So not bad for me.


I planning to do GM next week. This week is no carbs, fruits and vegies lang as much as possible. Hindi naman sya super black and white but so far naka kurot ako ng longganisa hahahaha. GM diet killed my appetite and cravings. So hindi na masyadong mahirap yung mga sumunod ng linggo.

This is what I realized. It's not too late to start. If you fail. Start again. If you fail. Start again. Don't give up. I know malayo pa ko sa goal ko but hopefully I will get there. My faithgoal is to fit into medium size shirt before the end of the year. Isang malaking goodluck! LOLz

Besides masarap ang gulay at prutas. Kahit na kakauta na. It's all in the mind. ahaha No kidding, masasanay din kayo. Believe me! You will feel, lighter than the other week, if you choose this path.

So to my fellow over weight online friends who can relate to me. It's not too late to start. Move your butt up and start moving. No shortcuts. Diet and Exercise is the key. We'll get there soon. We can do it!


Monday, January 20, 2014

Life of a Planta Boi

Mag iisang taon na rin pala ang lumipas mula nung nagkaroon ng matinding dagok sa buhay ko, noong nawalan ako ng kabuhayan showcase sa foreign land ng Singapore, kung saan ako namumuhay ng taimtim at banayad.  Hindi ko na pala namamalayan ang pag lipas ng panahon.

Actually, nagbasa-basa ako ng mga blogs na madalas kong basahin noon and  I just realized para palang na disconnect ako ng slightly bonnga. Nakaka miss nga rin pala talaga ang makipag kulitan sa internet kasama narin syempers ang pag susulat at pag babasa sa blogs. 

But I just don't have the time now. Arti?! Syempre meron pero tinatamad lang. Kaya medyo nakapag concentrate ako sa social life. Bilang timi at tahimik at mayumi sa tunay na buhay kelangan ko rin ng social life para matuto akong maki salamuha sa tao, hindi 'yung panay internet ang pinag gagagawa mey.

Nakalipat na pala ako ng bahay. Hindi narin pala ako naka Solo room ngayon, medyo nag adjust pero mas okay na 'to, para mura-mura tsaka, may nakakausap din sa tuwing na home sek mey. Pag mag isa kasi sa kwarto ang dami pwede mangyari. Scary! Wag madumi ang isip, pwede kang mamatay sa bangungut ganyan.

Isa na pala akong Planta Boi ngayon. Nag lilinis ako ng mga Makinarya sa Factory ng Langis at Gasolinahan. Lagi akong naka "Cover all", ito yung parang pan-janitor na required na damit pag papasok ng Planta. Naka Helmet at earplugs, gwantes, safety shoes at safety googles din parati. 'Nung una feel na feel ko, di naman kasi ako nag susuut ng ganoon 'nung nasa Call Cenner pa 'ko. Malay ko ba?! Pag tumatagal pala eh hindi na sya nakakatuwa, napakainit. Pinapawisaan ako hanggang sa kasuluksulakan ng betlogs ko. Sticky ganyan.

Day to day task ko ang icheck ang functionalities ng mga Process Instruments. Dapat lahat nasa working conditions. Lahat dapat ng mga Instruments na ito at naka automate pag meron nawala sa loop ng process bubuhasan ako ng kumukulong langis.

Marami akong katrabahong Bangladeshi. Sila ang mga ka bonding ko. Mga technicians. Sila 'yung gumagawa ng mga hard labors tulad ng pag akyat sa Oil Rig at mag tiktik ng kalawang ng makina. 

Aaminin ko hindi ko sila gusto dati pero pag naririnig ko ang mga istorya ng buhay nila. Nag dudugo ang puso mey. Nakakaawa sila, sa sobrang awa 'ko binibigay ko na pati pantaxi ko tsaka sandwhich ko. Minsan nag hahati sila sa isang Chicken Rice. Tapos pag umiinom ako ng Coke pwede daw bang maki sipsip. Syempre, pag naki sipsip sila ayoko na. LOL Madalas, lagi sila sa lower class jobs, yung mga dirty works pero na appreciate 'ko talaga sila wag lang sila kumain ng Curry ng nakakamay sa harap ko dahil na susuka talaga ako. Minsan sabay-sabay kame nag lunch pag kita ko nag kamay sila at salo-salo sila nasuka ako, lumabas 'yung tinik ng bangus at tatlong butil ng kanin sa ilong mey.

Pag umuulan nahihinto ang trabaho sa site. Delikado kasi. Meron din alarm sa Gas leakage, H2 gas. 'Yung gas na 'to odorless at color less sya kaya pag na singhot mo bigla ka nalang mangingisay at ma dedeadlaks pag kagising mo makikita mo na si San Pedro tinitignan kung nandun ka sa check-list.

Meron kameng suot na detector pag gumagawa kame sa site. One time, nag alaram yung sakin. Kumaripas ako ng takbo. Naiwan yung isang piraso ng safety shoes ko sa daan. Only to find out, hindi ko pala na set yung alarm. Nahiya me ng 83%.

Medyo nahirapan ako noong una kasi, mas sanay akong imanage ang irate customers sa phone kasi mag kutkut ng wires sa control room. Nawawala rin ang Call Cennner accent ko. Hindi rin ako maka suot ng long sleeves at slacks hindi me maka porma ng wagas. Pero mag ka gayun pa man, mas gusto ko ang trabaho ko ngayon.

Mas masaya ang buhay planta! Messy pero I liked it. Merong adrenaline rush pag naririnig mong nag tutunugan yung mga malalaking motor.

O sya, hanggang dito nalang muna ang update. Inaantok na mey. Salamat sa walang sawang nagbabasa ng blog na 'to. Sana makapag update ako often.

Ingats!