Wednesday, August 28, 2013

It's been a while...

Wala na kong ginawa kundi mag badminton. Kahit natutulog napapanaginipan kong tumitira ako ng shuttle. Ang buhay ko sa Singapore ay isang malaking badminton. Sometimes, I find it kinda boring. Very time consuming kasi mag laro, minimum 3 hrs kame kung mag laro. I was exposed to different pinoy badminton groups here in Singapore. Every time na may tournament parati akong sumasali. Adik lang ang peg. Ang bilis naman kasi talaga makapag burn, good cardio workout kasi sya kaya mas kinarir ko sya over running. Kasi alanganamang tumakbo ako 3hrs. Hindi ko naman yata kaya 'yun.

Pero, kasabay ng pag aadik ko sa Badminton ganun din ang pag aadik kong kumain ng bongga jabongga pag tapos mag laro. And I hated it. Arti lungs. Syempers, nagpapa-payat ako pero hindi naman pumapayat ng bonggels kasi ang takaw mey. I'm so sick and tired of waiting. Charot.

Minsan naiisipan ko na talagang mag pa lypo para mas mapabilis ang pag kakaron ko ng flat stomach. Para naman pag beach season na hindi ako lagi naka rush guard. Kaso takot me sa injection. Tsaka baka kulang ang lalagyan ng Belo group pag nag sunction na sila ng taba mey.

Nahihirapan akong mag diet. Hindi ko mapanindigan ang fruits at vegies. Nag sasabaw ang laway ko sa tuwing napapadaan ako ng McDonald's. Nag susumigaw ang BigMac sa utak mey. I'm so weak kaya sinasamahan ko sya ng Large fries and coke. Haist!

This is the fatboi me recently. Making Selfie in the toilet. Not the selfie bastos that you think but the Selfie definition ayon sa Oxford dictionary. LOLz



Fine. I'm just a poor fat lonely boi na walang nag aaruga. Hahaha Baboy lang ang peg kelangan arugain?!

It has been 4 months since I started my new job. And I thanked the Lord for blessing me another opportunity to work here. My new job is okay pero ngayon nag sisimula na syang maging complicated. Haist. But who am I to complain?

Couple of weeks ago nag attend ako ng Onshore Safety Course. Alam nyo 'yung mga platform ng Oil Refinery sa gitna ng dagat? Onshore tawag dun. So may malanding safety training pa pala bago ako maka tapak sa Onshore assignment ko. Pero bago ang lahat may medical test.

Gawd, ayaw na ko tantanan ng mga walang hiyang medical test na yan. I passed the test pero naman nalamutak ang buong pagkatao ko sa medical exam. I feel dirty. Ang dumi-dumi mey.

Sabi kasi ni Doc pag pasok ko sa clinic pag tapos mag tanong ng medical history ko. Take off your shirt and pants. Kasama talaga shirt???! Hindi ko kinaya gusto ko sya sampalin ng figurine nyang skeleton.

Pero kelangan eh, so nag hubad me. Iniwan ko lang ang aking colorful undies. ahahha

Sabi nya. Take off your shorts. Sabi ko that's not a shorts. It's a brief. Ahahahah Sabi nya take it off. Edi inalis mey. Tapos piniga-piga nya ang aking betlogs. Ganun ba talaga para malaman kung may luslus?!

After all that stuff. Pasado mey! Yey!

Kaya natuloy na ko sa Safety course class. Sa Safety course kala ko mga arte-arte lang na wag gawin 'to ganyan at mag suot ng presonal protective gadget and all that shit. Pero hindi pala ganun. Meron sya helicopter crash survival training. At merong fire escape training. At Sea Survival bullshit kyeme. Gusto ko na sana mag walk out. Hindi ko kaya ang mga ganun! Ang kaya ko lang gawin eh, paunahan umubos ng burger. Chars!

First part ang Helicopter Crash escape. Bali merong replica ng helicopter tapos nakasakay ang apat na tao tapos i susubmerge sya sa tubig tapos babaliktad ang helicopter sa ilalim ng tubig. So ang goal is mag unbuckle ng seat belt at basagin ang bintana at mag escape at lumangoy sa pampang.

Guess what?! Ang dami kong nainom na tubig at muntik na me mamatay. Hatechitt!!!

Hilong-hilo me sa ilalim ng tubig at nauubusan na ko ng Oxygen. Hindi ko pa na uunbuckle ang aking seatbelt. Nightmare! Pero paso mey matapos ang ilang beses na pag submurge. Yey!

Sa fire escape naman. Merong room na super madilim at super mausok at super mainit tapos kakapain mo lang ang mga wall hanggang maka escape ka sa kabilang pinto.

Guess what?!

Naka limang ulet ako bago ako maka escape. Kinabisado ko lang ang floor plan kaya ako naka escape. Ang sakit sa likod at ang hirap mangapa sa darkness. I swear, hindi ko na sya uulitin ulet. Nakaka haggards!

Sa sea survival naman mag tutulungan kayo na makapag survive. Hindi naman hirap tumulong sa mga ka team na makapag survive kung sana  hindi amoy tae at kilikili ang kasama mo. Haggard. Nasa tubig na nga ganun parin amoy.

After 3 days. Napasa ko ang training. At ayaw ko na sya ulet ulitin. forever and ever.

This is the only pix I recovered.

Another Selfie  ahahahha




So my life is as boring as what I have written lately. Kaya minsan ang hirap mag blog.

I'm thinking of transferring church that I can be used more. I'd love to sing and I miss worship leading maybe small churches na kulang ng workers I can transfer. I'm still praying about it and asking God's confirmation about it. So far it's hard and I'm struggling in sa ministry. Hard to explain. Just my blah blah's I guess.

So far my life is pretty decent here. Looking forward for more adventures on where God will lead me. I want a revamp. I want to be excited and optimistic about everything. Optimistic in living a healthy life.

Papunta na tayo sa last quarter of the year. Sana naman this time swertihin na sa pagibig. Juk!

As usual my apology for wasting your time. Specially if you get to finish reading this entry up to this point.

'Till the next post faithful readers. Mhua!



15 comments:

  1. Hoy Jepoy! Matagal na kitang gustong tanungin tungkol diyan sa pinaplano mo haha hindi kasi kita nakikita kapag Linggo ganyan ba???

    ReplyDelete
    Replies
    1. Lol masyado na kasi ako nasasaktan hindi naman dapat but im hurting. Chaars!!!!!

      Delete
  2. infairview naman sa selfies, yung sa face mo, mukang nag trim down na so baka effective ang activities mo na badmintons.

    at parang buwisbuhay ang training mow.... grabehan naman yung mga task.... kabog ang pang big brother house. hahaha

    ReplyDelete
  3. hehe.. ang kulit ng post na ito.. at grabe ang mga trainings na yun ah buwis buhay? at nagagawa mo pa talagang makapag-selfie sa mga ganung sitwasyon ah.. haha.. at natawa talaga ako dun sa badminton tapos lafang after.. aba papayat ka nga nyan...

    nweiz.. enjoy your life at ingat parati dyan sa singapore.. isplok mo naman skin kung merong oppurtunity pa dyan for me :)

    ReplyDelete
  4. Hindi ka naman ganun kabonggang mataba.. sobrang laki pa ng pag-asa para magpapayat!! Hahhaha.. pero relate much.. ang hirap magbawas..

    ReplyDelete
  5. we miss seeing you sing too! :D
    40 mins lang ng run (at the right pace) 300+ calories na agad tanggal Jepoy. Haluan mo ng weights. =)

    ReplyDelete
  6. hello jepoy!
    nice to know that you're doing good. Thank God! :)

    Invite kita sa church namin.
    tell me if you want.

    ReplyDelete
  7. continue to pray about going to another church... for me, it's not a valid reason... you are a worshiper kahit saan ka pa ilagay ni Lord.. check other factors.. ikaw ba ang go-to-guy ng group kapag may mga gathering? Napagtatanungan ka ba about music paminsan minsan? hndi lang "church" setting ang batayan dapat.. and maybe, just maybe, God wants you to undergo the season that you are having right now in terms of your ministry.. he wants you to do a heart-check all the time.. i'm sure when the right time comes, He will be the one who will move you to greater heights.. kasi if you're heart is not right and you move to another church, chances are, you'll just go through cycles..

    it is better to be on the flattest plateau with Him, then to be on the highest mountain alone..

    keeping you in prayers..
    (you're long lost brother in Christ na hindi mo na pinapansin...)

    ReplyDelete
  8. Naloka ako ng husto sa buwis buhay training. Dyusko!! Katakot!! Anyway..ang laki na ng ipinayat mo kuya. As in!! Effective ang 3hours napagbabadminton. Congrats!!

    ReplyDelete
  9. Mukhang pumayat ka sa pictures mo :D

    ReplyDelete
  10. Grabeng training yan, nakakagutom.hahahahaha
    Sa tingin ko kuya jepoy mas payat ka ngayon sa picture mo kesa last year? or last last year?

    ReplyDelete
  11. tangina u wala ka pa din update. so tagal na akong pabalik balik to check on your update. nada pa din... hay puta u...

    ReplyDelete
  12. Hi Jeff! First time ko magcocoment ha. Still alive? Blog blog din pag may time ha.

    ReplyDelete
  13. Hahahahaha. Nakakatawa post nito in a good way. Hahahahahaha Ang kulit lang. :D

    ReplyDelete