Friday, March 22, 2013

Forlorn

Buhay pa me!

Dinadamdam ko lang ang pagiging hampaslupa ko ng dalawang bwan. Dalawang buwan na pala akong jobless! And Worst nasa ibang bansa akong Jobless! Wala akong working visa!

Hindi parin tumatalab ang lahat ng pambobola ko sa 10 pages resume ko. Kakaunti ang mga tumatawag para i-invite akong mag show. Mag show ng confidence sa ineeerview. Kelangan ko na yatang idagdag sa CV ko ang pagkain ko ng Apoy on stick at buhay na manok na may palikpik para mabigyan ako ng Joboffer. Gassss-abelgas! I'm so dead.

Nag request ako ng extension ng visa para madagdagan ako ng another month, feeling ko makakakuha ako ng maayos na offer. Pero rejected ang aking request. Kelangan ko pa sigurong lumuha sa harap ng ICA para mabigyan ako ng extension.  So ang ginawa ko nag exit ako sa KL, Malaysia truly asia pacific. Sinamahan ako ng aking mga kaibigan.


So mga ilang araw din ako dun nag emo. Well, hindi naman masyadong imo because I'm with a group of friends, so steady lang ang paglamon at pag ikot-ikot sa Petronas at kung saan-saan pang shit. After 3 days balik na ng Singapore. Kulang nalang maihi ako sa Nerbyos sa immigration ng Singapore.  Nabigyan ako ng another 30 days. So hanap parin ng hanap ng trabaho. Kulang nalang tawagan ko isa-isa lahat ng nasa Jobstreet at ibenta ang puri me. Pero malupit ang tadhana ate Charo. Naubos ang 30 days ng wala paring Job offer. I have an option to go back to Pinas and plant kamote or to do another exit.

Bilang malandi, naisipan kong mag exit ulet ng isa pa. Last na 'to.

Couple of weeks ago nag punta naman ako ng Phuket, Thailand. Dun ako nag exit para kunyari turista ang peg, sinamahan ako ng kaibigan ko.


Syempre Hindi lang puro emo ang pinag gagawa me. Kelangan mag beach din. Excuse the doublechin.


After four days bumalik kame ng Singapore lah. Kulang nalang ma-tae ako sa nerbyos 'nung nakapila na kame sa immigration. Hindi ko alam kung iihi ba ko o tatae. 'Yung mga nauna samin na chekwa  galing China meron na patawag sa holding room at hindi naka pasok ng SG.  I was like, "I'm dead pig!!!" Nag elevate ng 100% ang nerbyos me. 'Yung betlog ko umatras papuntang lungs. Nung turn ko na sa immigration officer butil-butil na pawis hanggang singit ang lumabas.

IO: Are you working here?
Jepoy: Not anymore...
IO: You went KL went back SG and then Went Phuket and go back SG again??!! *insert sarcasm*
Jepoy: Yes
IO: Do you have return ticket back to Pilipin?
Jepoy: Yes I do, *Sabay abot ng Ticket na may panginginig ng kamay*
IO:  *Cheking ticket. Checking Passport. Check each pages of PassPort*
Jepoy: *Nga-nga. Pray. Praying harder*
IO: *Stamp ng passport. Sulat sa Embarkation card. Abot ng Passport*
Jepoy: Thanks! Good nyt.

I have freakin' 30 days again.

'Di ko alam kung matutuwa ako o hindi. Numb na pakiramdam ko. I was asking myself baket ko ba pinag pipilitan sarili ko sa bansang ayaw naman ako?! Arti lang.

Seriously, nakakapagod na. I'm giving my self last 30 days. Pag wala parin, uuwi akong Pilipinas ng Walang pera at walang trabaho at walang lovelife. Kelangan my lovelife na kasali?!

Ang dami kong natutunan sa naranasan ko. Number one marunong na 'kong mag tipid. Hindi na ko nag ta-taxi parati. Kaya ko nang hatiin ang Chicken rice sa dalawang meal. Gumagamit na 'ko ng EZ link ngayun. Hindi na ko nag shopping. Nakikitira nalang me ng bahay. Pinapakain. Wala nang yaya na nag lalaba ng damit mey.

My Mudrax called me up, sabi nya pumunta daw sila ng Church ni Pudrax para ipag pray na mag kawork na 'ko. Tapos nagpipigil sya ng iyak. Sabi nya pag nahihirapan na 'ko, uwi na daw ako. Makakahanap naman daw ako ng trabaho sa Pilipinas at mag kakasama naman daw kame. Hindi naman daw nila kelangan ng dollars. Hayaan na daw na maremata ang kalabaw at sakahan sa Probinsya. Sama-sama nalang daw kami sa Putikan. Hindi ko na 'yun nakayanan Ate Charo.

Naluha me sa left eye ng isang timba at kalahating tabo.

I was just working fine, performing my job well and next thing I know wala na kong work at nag kukumahog na akong mag exit?! Lahat yata ng kamalasan nasalo ko nung nag paulan ang universe ng curse.

I never questioned God. He still indeed faithful. Marami parin blessings na dapat ipag pasalamat. So now, still trying to apply and wait at the same time, enjoy the possibility na last month ko na 'to sa Singapore. Nakita ko sa ganitong delubyo kung sino ang tunay na maasahan. 'Yung tutulungan ka hanggang ma angat sa lusak. Bukas luluhod ang mga tala. Juk!

I'm sure kung uuwi ako ng 'Pinas magiging makulay parin ang buhay. Sabi nga ng kanta.

"There's no place like home"... Besides, unlimited San Mig sa Pinas sa murang halaga.

Maybe I'm destined to go elsewhere? I dunno, but for the meantime. Apply muna ng apply baka makatisod ulet ng employer.

This has been a very painful and exciting journey.  Maka English lang.

Salamat sa tatlong nag babasa ng blog na 'to.

*Smack*