Tuesday, January 29, 2013

Jobless

I'm officially a certified Bum these days. Yes, Bum meaning Jobless, walang work, purita mirasol, dukha, hampaslupa, indiyo, aliping patadyong, hampaslupa. And I have 30 days in Singapore to either look for a job or pack all my mess and go back to my beloved Lupang Hinirang.

Going back to Pinas is totally okay, but if I have a chance sana, I'd rather choose to stay here still simply because I have already made a life on my own habitat here. Friends, church, sports buddies. Fine! mas malaki ang sweldo ko dito kesa sa Lupang Hinirang. Pero minsan Love is just ain't enough. Sabe?!

Anyway, ito ang nangyari baket ako nawalan ng trabaho. This happened last friday. Papaikliin ko nalang ang kwento dahil sakit na sakit ang puso mey. Ang hirap balikan ng mga masasakit at mahahapding alalang iyon Ate Charo.

Ganto yan, noong 1885... Juk!

Last Time na kwento ko nag pa Medical ako for my work visa renewal, right? Tapos 'yung Doctor ng Clinic na 'yun natrace nya na I have Hypertension daw, which is yes, a fact and I didn't deny it naman. So, sabi nya kelangan bumababa ang blood pressure ko sa normal hanggang friday para bigyan nila ako ng medical clearance. I told the Doctor hindi pwede sa friday because mag e-expire na ang work pass visa ko 'nun. I need the clearance ASAP ganyan ang ultimatum na binigay mey. Sabi ng Doctor he won't give me the medical clearance hanggat hindi nag 130/80 ang blood pressure. Sabi ko ano gagawin ko?! Utusan ko blood pressure ko na bumababa kagad?! Eh, mataas nga eh! 

So after ilang days with the blood pressure medication na binigay nya eh, salamat naman sa bangga dahil hindi iyon nag work! Gawgaw yata laman ng capsule. Pag balik ko sa clinic, sky rocket high parin ang blood pressure ko mga 190/ 100.  High blood parin mey LOL  So I asked him kung ano pwede ko gawin para makuha ko Medical clearance dahil pag walang clearance walang renewal ng pass na magaganap at alam nating lahat na pag walang work pass visa wala ring pangkabuhayan show case ang isang OFW.

Kaya nag pa second opinion ako sa Raffles Hospital on my own pocket. Since, my history kame ng hypertension I went to the health check division first, para ulitin ang MOM required medical checkup clearance.

Tapos I consulted a Heart Specialist para sabihin ang lahat ng heart aches me. Charaughtz! I went to see a cardiologist para sigurado na, para malaman ko na kung mamatay na mey. So I went through cardiogram 2decho, blood chemistry, stress test and all the tests to find out why I have hypertension.

So to make the long story short. I was cleared by the Cardiologist and the hospital. I got my Medical fit to work clearance kahit hindi pa normal blood pressure ko. Mattas pa ng konti. Sabi ni Manong Cardiologist it will lower down eventually dahil meron na akong maintenance.

So I went to our company clinic and showed my hospital findings and lab tests and reports. The stupid clinic didn't accept it and I was informed to just talk to my HR and see what would be the next step. So come friday. Walang kaabog-abog I was invited by the Regional HR director and my HR Manager kala ko bibigay na ang issuance ng Work Pass ko eh, iba ang nalaman ko. My company is letting me go.


Gusto ko sana isulat buong details but I just can't.  Anyweis, I got a lot from my company and I just wish them success in their future endeavor. Parang miss universe answer lang??!! Fine! I hate them to the smallest cell I have in me. Initial reaction was gusto kong ibato ang mesa sa pagmumuka nila not only because I'm losing my job but they are making me stupid.

Thank God I have Jesus in my heart. And His Grace is sufficient.

So yeah, I'm spending most of my time searching for job and during idle time I read or I blog. I'm on day 2 of Job hunting. This'll be an exciting journey for me.

Umpisa na ang pag hanap ng patis at asin upang ibahog sa kanin para makatipid... Bawal mag emo saka na ko mag emo pag uuwi na me ng Pinas ng sagad to the finger tips ang caban ng cash!

I'm so dead...




Thursday, January 10, 2013

Medical Checkup

Isa sa mga requirements ng pagkuha ng work visa dito sa Singapore ay ang medical checkup. Hindi naman sya masyadong mabusising medical checkup gaya ng tuwad-ubo-kalabitlbetlog-squeezeTite kind of thing na naranasan ko sa Pinas 'nung fresh at bubot pa ako, I think na iblog ko ang experience ko na'yun noon. Simple lang ang checkup na naranasan ko kahapon. Kelangan ko lang mag palabas ng spermatozoa sa loob ng two minutes sa harap ni Doctora.  Dugyot lang!

Syempre joke 'yun!

HIV test at Chest X-Ray lang naman ang hinihingi ng Ministry of Manpower ng Singapore bago nila i-release 'yung IC namin (Identification Card). Hasle nga lang kasi, first time ko itong mararanasan dito. Dati kasi 'yung Employement Pass ko hindi required and medical checkup, meron lang declaration na pipirmahan tapos pasok na sa banga, pede na mag start mag work. Pero this time dahil downgraded ang aking work visa bilang taga kaliskis ng Isda sa Palengke eh, kinakailangan kong dumaan sa ganitong process para makakuha ng work pass.

So no big deal, sigurado naman akong wala akong HIV at maayos naman ang aking paghinga at hindi naman ako nagkaroon ng respiratory complications sa loob ng dalawang taong pamamalagi ko dito sa Sg. Mataba lang ako pero healthy naman at cute. Kelangan may cute talaga?!

Pag gising ko ng maaga mga 10 AM eh diretso na sa banyo. Nag shave. Nag gupit ng balahibo ng ilong. Nag body scrub. Nag shampoo. Nag conditioner. Nag bubble bath. After 30 minutes. Ready na mey.

Hindi ako pumasok ng Opis. Mula Sengkang pumunta ako ng Jurong Point Mall para tapusin na ang kalokohang ito. Parang ang layo ng byahe ko, kung ikukumpara sa Pinas eh, parang Bulacan to Manila ganyan.

Maaga akong dumating sa Clinic 12PM lunch time. Swerte nga lang kasi wala silang lunch break. So Kuha na ng number para masimulan na at mabilis matapos ang lahat ng kalokohang ito.

Nag flash ang number counter 325 Room # 2. Kinabahan me. Feeling ko naman ooperahan ako. Takot kasi ako sa Hospital. Maka-amoy palang ako ng gamot mahihimatay na 'ko. True story.

Pag pasok ko sa room...

Doc: Hi You can take your seat first
Me: Thank You
Doc: Okay I'll get a blood sample first for the HIV test. This won't hurt much. Close your eyes. *Sabay tusok*
Me: ARAAAAAAY KASAKIT!!!! (sabi ko sa isip ko)
Doc: Sorry I can't see your veins
Me: Eh baket mo tinusok??!! tanga??!! (Sabi ko sa isip ko ulet)
Doc: I'll do it again, close your eyes *Sabay tusok ulet*
Me:  ANAK BAKA ANG SAKEEET!!! (Sa isip ko lang ulet)
Doc: Here we go...
Me: I thought it's just for HIV test? Why are u getting too much, I am not donating my blood?
Doc: *She smiled at me, infair ang puti ng ngipin kamuka ni Mikee Cojuaco si Ate*
Me: *I smile back* Go get what you needed I'm yours

Malandi?!

Kinuha ni Doc ang pang kuha ng Blood Pressure at Ibinalot ang kamay ko at binomba ng wagas hanggang mag sikip ang aparato sa bisig kong nag susumiksik sa maskelz

Doc: You have high blood pressure
Me: It runs on blood. Must be the genes. Or must be all the junk I eat from the recent holidays or pro'lly because I slept 3:AM today.
Doc: You need to lose weight (ang mean ni Doc) Come back next week lah I'll check again
Me: No leh just give me med, then fit me to work. I need to get work pass, mine expiring soon mah, I'm over staying alien oreydi lah.
Doc: Better diet for a week lah or else get clearance from cardiologist meh.
Me: Don't want to come back lah. Have to work. Have to make money, leave finish olreydi lah.
Doc: Must go back lah! If not you'll not going to have work pass and will need to go back Pilipin mah.
Me: fine!!!!

Babalik nanaman ako sa napakalayong Clinic nila! At kelangan ko pang mag diet ng malupet para mag ka clearance lang sa Medical na ito. I hate my life!!! Slap me na ng tabo, five times.

Pero buti na nga lang walang stool sample requirement. Nasusuka talaga ako sa pag kuha ng stool. Kahit sarili ko pang tae ito manggagaling. Lagi akong hirap na hirap kung paano kumuha ng stool. Dati nilagay ko sa stick tapos nahulog sa sahig, diring diri  kong dinampot at tinapon sa inodor ulet. Nariyang sinungkit ko galing sa pwet ko tapos tumalsik sa pisngi ng pwet ko ung stool. Nakakasuka. Nariyang tumae ako sa papel tapos kumuha ng stool. Dugyot talaga. Buti nalang walang stool sample. Last time nakihingi nalang ako ng stool kay Lovette, 'yung ka-opismate ko. Hindi ko alam paano ko sya napapayag mag transfer ng stool nya sa stool bottle ko. At ayokong maimagine pa'no nya yun ginawa.

So Yes, I'd rather diet for a week. Eat fruits and Oatmeal  just to lower down my blood pressure than to get tae and put it in a small size bottle. So dugyot.



Friday, January 4, 2013

2012 Year-End Review

2012 has been an awesome year to me. Arti? Marami akong dapat ipag pasalamat kay Papa Jesus sa lahat ng mga blessings at pagsubok na napag daanan me, nariyan ang mga bagyo, lindol at kalamidad na nag daan para hamunin ang katatagan ng aking pananampalataya pero ang kawayan ay kawayan (Kunek?!) nakatayo paring matatag at sabay na sumasayaw sa saliw ng lahat ng hagupit ng pagsubok ng buhay. Marami akong natutunan Ate Charo.  Mga isang kilo at kalahating guhit.

Ayos na ba introduction? Very touching na ba? Anyway high way, I think you deserve to know this news about the work visa renewal problem that I've mentioned sa last post ko (Parang public property lang kung maka FYI?! LOL Artista ganyan) Malugod kong ibinabalita na hindi pa nga pala ako uuwi ng Pinas for good dahil na approve ang aking Work Visa. Yay! Ibig sabihin legal pa akong mag trabaho dito sa Sg bilang taga kalis-kis ng isda sa Palengke. Kinabahan ako ng mga 90% kasi 'kala ko uuwi na ako ng Pinas ng luhaan at duguan ang puso. Juk!

So, eto na nga pala ang aking year end review inspired by Salbe's Year End review. Inggitero lang baket? kanya-kanyang gimik naman yan sa blog bwahihihihi

January, bloggers SG biglaang videoke session. Bihirang-bihira kame magsamasama dahil sa mga kanya-kanyang buhay at busy schedules narin. This one was very memorable kasi lahat kame nag titipid kasi kakatapos lang ng holidays tapos ang ending ang contributions namin 40 something SGD. Durog LOL.

                                           
                                             Here's a shot of a signature "kampay shot"

February, I am driven to lose weight kaya I decided to add additional cardio work out to my failing road to hotness/lose weight program. I started Playing badminton this month.


                                   Nag sisintas ng sapatos, mag stretching na para feeling varsity

March, for some reason ang bagal ng pag bawas ng timbang ko kahit nag da-diet na ko at nag e-exercise. So I decided to make my running pretty regular stuff para wala ng masabi ang mga taba at malusaw na ng bongga jabongga. Minimum of 3 runs a week, 7KM each session


 I documented every lose weight step I did kaya meron akong gantong shot, but I just kept it all at hindi na binlog pa. Nahiya mey!

April, I am really, really decided and so much driven to lose my excess weight to look good and feel good wala ng plastikan ahahha. So I decided to increase my exercise. I added an interval of swimming and I Tennis on weekend.

 Swimming mandatory shot

Tennis shot before the game

May, I joined my very first badminton Tournament. I'm beginning to like this sports


Actual shot while on the tournament. I got bronze medal here. Not bad naman for beginner lolz

June, I watched Wicked. First time ko manood ng musical show sa theater. I watched it twice.

At Marina Bay Sands Mall. Trying to find my way to the theater. Nakuha pang mag pa picture.

July, Nag punta ng Hanoi, Vietnam. First out of town trip for year 2012. It was relaxing, just what we needed.


And a memorable send off party to one of my Life Group member na ikakasal. Meet my Life Group.


August, First time kong pumarty sa Yatch Club. Feeling ko ang yaman-yaman ko kahit hindi naman mukang mayaman, muka lang busog.


September, me and my friends went to Phuket, Thailand. A late summer get away na muntik pang hindi matuloy. Dito ako nag suka ng wagas sa speed boat. Kulang nalang isuka ko intestines ko habang na nonood ang lahat ng mga tourist sa speed boat. Tunay na kahihiyan


My favorite shot inside our hotel

                                        
                                                                     Ghetto shot

October, My birthday Month very memorable. I celebrated my birthday in SG and Pinas. Nakita ko mga pinas blogger friends on my birthday celeb dinner sa Pinas.

Picture taken during Bloggers EB


Picture taken at my Birthday Bash dinner in SG

November, my friends from my last employer in Pinas came to visit Sg. I was their tour guide for a day


my friends Steve and Chloe at Sentosa

December, I got to celebrate Christmas Party with lots of friends. From bloggers to Chuch friends. Ang saya!
Church Friends

SG Blogger Friends

Naiwan ako ng Eroplano dahil nagkamali ako ng tingin ng time of departure. That mistake caused me alot, wala sya sa budget. Gusto kong hampasin ng maleta lahat ng tao sa Counter ng PAL pero ako ang may kasalanan kaya taimtim at pikit mata akong nag book ng flight ulet, yes I booked again on a critcal expensive days like now. LOL But all are worth it because I get to spend time with my family and my buchichay.



Yan lang muna update. Happy New Year! Thank you for reading my entries all these years. Arti?! Sana lahat tayo maging maganda ang 2013. Good Vibes!!!!

Yun lang *Smack*