Thursday, September 20, 2012

Randoms

4:23 PM

-Nag iisip na mag post ng Phuket, Trip experience pero hindi maka pag upload ng pictures. Nga-nga

4:24 PM

-Currently bored. Kamot betlogs. Nag hahanap ng murang Plane ticket sa pasko. Nagiisip kung ma-re-renew ba ang employment pass ko next year dahil mahigpit ang gobyerno ng Singapore sa pinahigpit na bagong rules para ma control ang foreign workers.

4:26 PM

-Uminom ng Isotonic Water. Nagtatae parin. Kumukulo parin ang tyan kasi na food poison sa Phuket dahil sa katakawan. Saka na kwento tungkol dito. Na miss-ang Pilipinas. Ayaw mag October. Ayaw tumanda. Nalulungkot. Hindi kasi Pinapansin ng kras nya. Charot lang. Nalulungkot kasi nauubos na ang kaban ng cash.

4:29 PM

-Hindi na pag cardio ng ilang araw. Pinipilit gawing life style ang pag exercise. Mahirap pero 'yun ang tamang gawin eh. Pagod na pagod ng maging majubis. Gusto naman magka-abs. Charot lang ulet. Nag iisip ng gagawin pag tapos mag blog. Katagal kasi mag 5:30. May mabaho na dumaan sa tabi ko. Hindi ako masanay-sanay sa kilikili bomba ng katabi ko.

4:31 PM

-Nakikinig ng kanta ni Juris emo song. Napapa luha sa kaliwang mata habang naka-nganga. Mamya papalitan ko playlist ng Eheads 'yung kapanahunan ko. Tapos kakanta me ng malakas.

4:32 PM

-Lahat ng bagay may katapusan kahit friendship. Lalo na pag wala kang nahihita kundi puro judgement. Better yet, walk away and find others that you will be able to be comfortable with. Kaya nga nakikipag tropa para maging kumpurtable eh. what's the point kung hindi ka na comfortable?! Plastican to the highest Orocanish level.

4:35 PM

- Gusto ko ng bagong sapatos 'yung mura lang, hindi lalampas ng 100 dollars

4:36 PM

- Malapit na birthday ko. Ayokong tumanda! Ayokong magka wrinkles! Ayokong Makalbo! Ayoko pang mag birthday!!!

4:38 PM

- Gusto ko pumunta ng Disneyland sa Florida *wishful thinking* Gusto ko rin mag punta ng Maldives

4:39 PM

-Nag hahanap sa internet ng magandang libro na bilhin. Tapos ko na ung mga books ko, pwera lang sa Game of Thrones. Tinamad me Tapusin

4:40 PM

-Excited na ko umuwi ng Pinas sa October. Totoo kayang may susundo sakin sa Airport na magpapalukso ng puso me? Lande?!

4:44 PM

-Gusto ko mag isip ng business pero wala akong maisip wala kasi akong perang pambisnez.

4:46 PM

- May bisita ako sa saturday, san ko kaya sya iikot para ma enjoy naman nya ang kanyang detour sa Singapore. Scrap Universal Studios dahil mahal. Nag kukuriput me ng tunay at wagas dahil pinag iipunan ko ang home coming tour ko sa Pilipinas sa October.

4:48 PM

-Hindi parin ako pumapayat! So sad. Pero ayos lang. I'm sexy and I know it.

4:49 PM

-Ang hirap pala mag sulat ng may time stamp. Para akong gumagawa ng minutes of the meeting sa Chruch Council meeting.

4:51 PM

-Nag iisip ako kung hihingi ako ng picture greeting for birthday this year or hihingi nalang ako ng picture greeting sa totoong mga taong nakakasama ko dito sa SG ng picture greeting. Para maiba lang ang pakulo ko sa birthday ko. LOL

4:52 PM

-Ayoko pa talagang tumanda! Pag nakikita ko yung pictures ko nung college tsaka ngayun nakikita ko ang difference ng itsura ko. Mas glowing ang skin me now. Juk! Nakikita na ang ibidinsya ng pag tanda. Sana nag mamature din ako. Lalo na sa pag hawak ng salapi. Change topic!

4:53 PM

-Minsan hindi ko na alam kung ano ba talagang goal ko sa buhay. Kaya naisip kong ienjoy nalang ang kada minutong ginugugol ko sa mga taong nakakasalamuha ko. Ipaparamdam kong loves na loves ko sila kahit di nila ko loves. Mag travel ako hanggang maubos ang pera ko. Kakainin ko lahat ng masarap na pag kain. Mag beach ako. Mag bunjee jumb. Kakain ng bubuli. Tatawa ng madaming madami. Magiging positive sa lahat ng bagay.

Life is too short. Eat. Pray. Love.Laugh.Travel.Share.Smile.Hug.MakeFriends.

Ganyan...

7 comments:

  1. Happy birthday sir jepoy! Pogi daw talaga mga pinanganak ng October eh. kaya wagi tayo. hehe

    ReplyDelete
  2. detalyado per minute, haha

    :))

    ReplyDelete
  3. gawin lifestyle ang exercise!! hahaha!

    ReplyDelete
  4. age is just a number. siguro feel young inside tas magrereflect na yan sa outside appearance.

    Naku, pumayat ka na kaya, based sa observation sa mga pics na napapaskil at natatag ka sa facebook. Who knows, mas makabawas pa yung pagkakasakit mo. Pero hopefully matapos na yang pagtatae. anhirap kasi yung lagi kang tatakbo sa cr.

    ReplyDelete
  5. Walang sex make friends lang? Ikaw pa!

    ReplyDelete
  6. Advance happy bearday ser jepoy!! ^____^

    ayush yung mga huling lines...kanta ka uli ng like a G6! wehehehe

    ReplyDelete
  7. Advance happy birthday Jepoy!

    ReplyDelete