Ang work assignment ko dito sa Qatar has totally changed how I viewed life compared to couple of weeks back. Hindi ako nag iinarte or emo shit kyeme. Totoong nabago lang ang pananaw ko. I miss writing (Ito arti na) na-miss kong mag update at magbasa sa blogosperyo. Baket bigla ko na miss? May nag comment kasi from one of my post last year, then I back read my own stupid none sense blog. Nag emo mey ng 90%
Crap!
I miss blogging!
Anyway that's not my point of kwento now. Let me bring you to my life here in Ras Laffan Industrial Area of Kingdom of Keeeeteeeer (Qatar)
First, 6 days ang pasok ko dito. Which is totally nakaka-iritate ng makinis kong skin. Because buong career life ko 2 days ang off ko. Bukod dyan, ang gising ko everyday is 5:00 AM, that means dapat tulog na ko by around 9:00 PM para mag rejuvinate ang skin mey. Charaught!
Natutulog ako ng 9PM para hindi bangag mode sa gitna ng disyerto. So pag-gising ko ng 5AM. Mag mamakaawa muna akong mag snooze ng phone at matutulog ng 10 minutes bago maligo at pag nag alarm ihahagis ko ang phone ko sa basurahan. Jowk! Syempre gigising na mey sabay sabing, "Good Morning beautiful world" tapos diretso na sa Toilet, mag kuskus ng talampakan, betlog, kiliki, toothbrush, tumae at lahat na.
Nagagawa ko yan in 30 minutes. I know right?! I'm so fast like flash! Kelangan ko kasing humabol sa breakfast. Masarap naman ang breakfast sa campo, may cereal, Milk, Toast bread, Scarmbled egg, Yogurt at kung ano-ano pa. Kaya na-papadami ang kain me. Which I heychet. Kasi diet nga dapat ako? kaso slightly fail.
So by 6AM sharp aalis na ang service namin. Kaya kahit may tinga pa ko. Tatakbo me kahit naka steeltoe shoes pa ko. Keblats na sa Jar kahit mabigat. Sasakay ng bus in time.
Sa bus. dalawa lang kameng Pinoy. Puro Anaps na lahat. Soooo Yesss mabaho ang bus. Amoy Trash Can na may taeng basa. Every morning may dala akong plastic bag at duon ako sumusuka ng Yogurt, Scrambled egg at Toast Bread and Milk. 'Yung isusuka ko yun na ang lunch ko. Dugyot!
Diretso kame sa Port Office. Pag dating doon. Lalanghap muna mey ng fresh air na may konting alikabok. At mag go-good morning sa mocking birds and flowers and trees. Jowk! Syempers, Check-check ng email at diretso na sa Planta. Take note, ang Qatar Gas ay hindi maliit na planta. Malaki sya, Ang mga control room nila kelangan mong byahe-hin ng mga 10 to 15 minutes para maka punta ka dun. Part ng work ko ang pag lipat-lipat ng control room because I'm so brainy like that. Joke! Lumilipat ako ng control room para mag connect ng software namin, basta ganun.
Bago ako makalipat kelangan kong tawagan yung mga anaps naming driver at makipag pinoy henyo muna ng mga 15 minutes para makapag communicate ako na kelangan ko silang pumunta ng site at sunduin ako at ihatid sa kabilang site. Na iimagine nyo ba?! Minsan muntik na kong makipag away kasi nag sign laguage si kuya. Ano ko mute?! Gusto ko syang pakainin ng burak. Pero dahil mabait me. I just rolled my eyes while walking away flawlessly.
Mainit dito, like super ineeeet. Lahat ng mga sakit sa balat ko noon, nag lalabasan. Welcome balakubak tsaka skin rashes. 'Yung flakes ng ulo ko nakaka-diri. Parang pinipig sa laki nag tatalsikan. Ang itim-itim ko narin kakulay ko na ang isang full blooded ita.
Mga around 11:00 Susunduin na kame para sa lunch. Welcome to anaps bus again. Spell baho. May dala akong plastic ulet. This time hindi na 'ko nasusuka. Kasi naka-hiram na ko ng Vicks sa isang pinoy na kasama ko.
Maraming pangyayari sa site na ikaka-tumbling nyo sabay split Tulad ng mga vendors na demanding kung maka-utos parang wala ng bukas. Gusto buksan kagad ang mga valves eh may nag leak-test pa nga. Eh kung biglang bumulwak ng kumukulong gasolina ung pipe eh, 'di ako pa may kasalanan?! Isang example lang yan. Napaka-dami pa. Aliping sanguiguilid ang peg ko dito.
Around 4 PM susunduin na kame pa balik ng Office namin, tapos uuwi na sa Camp Site ng mga around 5:30 PM. Tapos dinner na tapos balik sa kwarto para mag facebook ng konti tapos tulog na. Yes, ganyan sya kaboring! Slap mey!!!
Paulit-ulit na ganyan ang cycle. Pero, what made my stay here a lil bit interesting ay ang mga Pinoy na mga naka-trabaho ko. Mababait sila at satisfied sa kung anong meron sila. Hindi sila katulad kong reklamador. Alam nyo ba na May taga-timpla nga pala ako ng kape dito? Yes, Sosyal lakas maka Don Facundo.
Anyways, 'yung mga katrabaho ko hindi sila ma-reklamo at taimtim nilang ginagawa ang trabaho nila. Samantalang ako lagi nalang ako naka busangot sa inet. At laging asar sa mga bwiset na permit na nag papa-tagal ng trabaho ko dito. 'Yung drama ko parang I-hate-my-life-here-see-how-it-sucks-bigtime pero ang mga kasama ko saktong masaya na sila pag uwian na at sa minsanang off.
Made me reflect. Walang halong charot. Tumatanda na yata talaga ako kasi ang bilis kong matanggap ang lahat ng mga bagay na hindi masyadong favorable sakin na dati over-my-hot-drop-dead-gorgeous-body mag-kikikisay man sila hindi nila ko ma please sa mga bulok na process nila.
Syempre mas gusto ko parin sa SG pero dito sa Qatar it's not really that bad. Mas gusto ko lang sa SG kasi mas kaya kong ma control ang diet doon. lolz
Kinakatakutan dito ang MERS, kaya pag lagi akong naka kulogbong ng good morning towel pag papasok na ko. lakas maka construction worker OOTD.
'Yun lang. KthanksBye!