Oo, hindi kayo na mamalikmata totoong update ito.
Balak ko na sana isara ang blogsite ko kaso inisip ko, ano nanamang kaartehan ang gagawin ko tapos mag susulat din naman ako after sometime, kaya I decided to keep it, no pressure mag update. Hayaan nalang langawin na parang iput ng kalabaw sa gitna ng pilapil.
Anyhow carabao, Medyo bored ako kasi zero social life ako ngayon kaya siguro bigla ko nalang na isipang mag sulat ulet.
Nasa Middle, East nga pala ako sa mga oras na ito. Nasa gitna ako ng disyerto. Hindi ako maka labas dahil it's so ineet like that. As in pwede ka mag laga ng ng itlog sa anit mo.
Pero, no joke ah, ang iniet pala talaga dito, lumulutong ang balat ko pag nag lalakad ako sa katanghaliaang tapat. Lakas maka lechong Cebu. It's super duper inet like that.
Nandito ako sa Qatar ngayon may project kasi kame sa Qatar Gas kaya nandito ang buong Automation Team para mag Automate ng isang part ng Planta nila. Sounds complicated? It is! Nose bleed ng bongga jabonga. Nahihirapan na 'kong mag panggap na brainy. Minsan nga naitatanong ko sa sarili ko ano bang ginagawa ng isang ex-call cenneer agent sa ganitong trabaho? Kaya ko ba talaga?! Pero dahil ginusto kong mag practice ng tinapos ko sa Kolehiyo, edi Pushhhhh! Shut up and drive sabi nga ng kanta (makunek lang)
Napakadami palang Pinoy dito, nagulat mey. Lahat ng sulok may mga Pinoy. Pati yung cab driver nag ta-tagalog sakay na daw ako mura lang. Kaso natakot ako kasi baka ma rape mey. Bagong ahit kasi ako. May nabasa kasi ako na nang ra-rape daw sila ng mestiso. Maputi??!! lol
Bali nakatira ako sa accomodation namin sa loob ng Site. Isa syang camp site. Alam nyo yung mga trailer truck na may kwarto? Something like that ang mga rooms namin. Ayos naman ang accomodation pati ang food libre, buffet sya, kaya goodluck sa diet. Libre din ang laundry. Kaso nga lang natatakot ako baka ihalo sa mga workers na anaps yung mga damit at brip ko, don't get me wrong mas pawis lang kasi sila kesa sakin kaya ayoko sana mahalo. ahahha Nag explain?! Medyo hindi ko sya kayang sikmurain kasi. Kaya I decided na hindi nalang ako nmg lalaba ng brip. Side A at Side B nalang tutal 1 month lang naman ako dito. Ahahha
Dalawang lahi lang halos ang mga nag tra-trabaho dito, Anaps tsaka Pinoy lang. Pero sa'min majority parin ang mga anaps. Six days ang pasok dito. Minsan wala kameng off. Lahat ng pinetiks ko sa Singapore binawi dito sa Qatar.
Maaga kameng nagigising 5AM dapat gising na kasi aalis na ang bus ng 6AM. Super aga nun para sa akin. Ang dami kong na realize dito. Dapat talaga maging thankful ta'yo kung anong meron ta'yo. At hindi pala biro ang maging OFW dito sa Qatar. May mga drivers dito na kinukuha ang passports nila pag join nila ng company parang maids. Pag aalis ka kukunin mo pa sa employer mo. Ganun ata kalakaran, not sure though. Pero ako hindi ako kumpurtable na iba ang humahawak ng passport ko. Dahil anymoment pag na bwiset mey, fly na sa lupang hinirang ang gagawin mey. Tsaka wala masyadong magagawa dito feeling ko mamatay ako sa homesick pag nag tagal pa ko dito. 'Di ko keriboom.
Kaya sobrang hands off sa mga OFW dito. Saludo ang Pluma ni Jepoy Senyo! Yun lang. Try ko mag kwento ng mga experiences ko dito pag hindi na ko tinatamad.
Salamats sa pagbabasa na miss ko kayo. Mhuachups!