Monday, January 20, 2014

Life of a Planta Boi

Mag iisang taon na rin pala ang lumipas mula nung nagkaroon ng matinding dagok sa buhay ko, noong nawalan ako ng kabuhayan showcase sa foreign land ng Singapore, kung saan ako namumuhay ng taimtim at banayad.  Hindi ko na pala namamalayan ang pag lipas ng panahon.

Actually, nagbasa-basa ako ng mga blogs na madalas kong basahin noon and  I just realized para palang na disconnect ako ng slightly bonnga. Nakaka miss nga rin pala talaga ang makipag kulitan sa internet kasama narin syempers ang pag susulat at pag babasa sa blogs. 

But I just don't have the time now. Arti?! Syempre meron pero tinatamad lang. Kaya medyo nakapag concentrate ako sa social life. Bilang timi at tahimik at mayumi sa tunay na buhay kelangan ko rin ng social life para matuto akong maki salamuha sa tao, hindi 'yung panay internet ang pinag gagagawa mey.

Nakalipat na pala ako ng bahay. Hindi narin pala ako naka Solo room ngayon, medyo nag adjust pero mas okay na 'to, para mura-mura tsaka, may nakakausap din sa tuwing na home sek mey. Pag mag isa kasi sa kwarto ang dami pwede mangyari. Scary! Wag madumi ang isip, pwede kang mamatay sa bangungut ganyan.

Isa na pala akong Planta Boi ngayon. Nag lilinis ako ng mga Makinarya sa Factory ng Langis at Gasolinahan. Lagi akong naka "Cover all", ito yung parang pan-janitor na required na damit pag papasok ng Planta. Naka Helmet at earplugs, gwantes, safety shoes at safety googles din parati. 'Nung una feel na feel ko, di naman kasi ako nag susuut ng ganoon 'nung nasa Call Cenner pa 'ko. Malay ko ba?! Pag tumatagal pala eh hindi na sya nakakatuwa, napakainit. Pinapawisaan ako hanggang sa kasuluksulakan ng betlogs ko. Sticky ganyan.

Day to day task ko ang icheck ang functionalities ng mga Process Instruments. Dapat lahat nasa working conditions. Lahat dapat ng mga Instruments na ito at naka automate pag meron nawala sa loop ng process bubuhasan ako ng kumukulong langis.

Marami akong katrabahong Bangladeshi. Sila ang mga ka bonding ko. Mga technicians. Sila 'yung gumagawa ng mga hard labors tulad ng pag akyat sa Oil Rig at mag tiktik ng kalawang ng makina. 

Aaminin ko hindi ko sila gusto dati pero pag naririnig ko ang mga istorya ng buhay nila. Nag dudugo ang puso mey. Nakakaawa sila, sa sobrang awa 'ko binibigay ko na pati pantaxi ko tsaka sandwhich ko. Minsan nag hahati sila sa isang Chicken Rice. Tapos pag umiinom ako ng Coke pwede daw bang maki sipsip. Syempre, pag naki sipsip sila ayoko na. LOL Madalas, lagi sila sa lower class jobs, yung mga dirty works pero na appreciate 'ko talaga sila wag lang sila kumain ng Curry ng nakakamay sa harap ko dahil na susuka talaga ako. Minsan sabay-sabay kame nag lunch pag kita ko nag kamay sila at salo-salo sila nasuka ako, lumabas 'yung tinik ng bangus at tatlong butil ng kanin sa ilong mey.

Pag umuulan nahihinto ang trabaho sa site. Delikado kasi. Meron din alarm sa Gas leakage, H2 gas. 'Yung gas na 'to odorless at color less sya kaya pag na singhot mo bigla ka nalang mangingisay at ma dedeadlaks pag kagising mo makikita mo na si San Pedro tinitignan kung nandun ka sa check-list.

Meron kameng suot na detector pag gumagawa kame sa site. One time, nag alaram yung sakin. Kumaripas ako ng takbo. Naiwan yung isang piraso ng safety shoes ko sa daan. Only to find out, hindi ko pala na set yung alarm. Nahiya me ng 83%.

Medyo nahirapan ako noong una kasi, mas sanay akong imanage ang irate customers sa phone kasi mag kutkut ng wires sa control room. Nawawala rin ang Call Cennner accent ko. Hindi rin ako maka suot ng long sleeves at slacks hindi me maka porma ng wagas. Pero mag ka gayun pa man, mas gusto ko ang trabaho ko ngayon.

Mas masaya ang buhay planta! Messy pero I liked it. Merong adrenaline rush pag naririnig mong nag tutunugan yung mga malalaking motor.

O sya, hanggang dito nalang muna ang update. Inaantok na mey. Salamat sa walang sawang nagbabasa ng blog na 'to. Sana makapag update ako often.

Ingats!