Thursday, December 26, 2013

Merry ang Pasko!

Oh hi dur everyone!

Pumipintig pa naman ang dapat pumintig sa akin gaya ng puso at pulso mey. Kamusta na kayong lahat? Kahit hindi nyo ko na miss, na miss ko mag sulat. Like super! Mga anim.

Hindi ko alam pa'no mag simula mag sulat. Ang hirap palang ma-tengga sa mundong nakasanayan mong gawin. I feel like a foreigner now. I guess, it's not my comfort zone anymore. I'm lost without your love. Charot lang.

Masyado akong nag enjoy sa pakikipag socialization sa labas ng mundo ng sapot, nakaka miss din pala ang side kong tahimik, mayumi at finesse sa mundo ng internet.

Wala namang masyadong nag bago sa akin. Mataba parin at pangit. Fail ang road to fitness ko! Yeah, slap me 20 times. Next year na lang ulet mag aattempt.

eggzoited ako kasi uuwi ako ng Lupang Hinirang. Yay! Ngayon ko lang na realize na isang taon pala akong hindi naka uwi ng Pinas. Medyo nag tipid kasi nakakabawi-bawi palang sa gastusin sa sakahan at koprahan.

Ang dami ko naring mga misadventures na hindi na isulat dito sa diary na ito. Maraming mga heartaches na rin ang nag daan. Madaming pait at saya ang hindi na ilathala sa mumunti kong tahanan. Kayo kamusta na kayo? Masaya ba ang Pasko nyo? Sana marami kayong na share-ran ng Christmas bonus nyo.  Wag masyadong mag damot nakaka liit ng betlog yan.

As for me, first time kong nag celebrate ng Christmas dito sa Singapore. Hindi sya kasing saya ng Pinas pero hindi naman malungkot. Saktong emo shit lang ganyan.  Sa katunayan ang proof ng emo shit ko ay... Kumapit kayo.


Emong-emo eh, no?!

Wag nyo nalang pansinin ang Badminton bag at slippers sa likod ko. Bilang trip-trip lang, nag bihis kame ng kunyari malamig at nag handa ng mga masasarap na pag kain 'nung Pasko para naman sumaya din ang pasko namin at mag karoon ng konting twist. Ang contribution ko ay ang Puto at Kuntsinta na pinagawa ko sa kaibigan ko, pero ang press release ko ako gumawa. Syempre, hindi na niwala ang mga hitad feeling naman nila hindi ako marunong gumawa ng Chicken Cordon Bleu. Hmp!

Tumawag ako kila Mudrax at Pundrax para bumati ng Merry Christmas. Baka sakaling maibsan ang lukot nila kasi miss na miss na nila ako. Pag tawag ko, aba hindi sumasagot ng cell phone. Inisip ko baka busy lang. After Noche Buena tumawag ako ulit. Busy daw mag ihaw ng Ribs, madami daw bisitang mga kapitbahay, bukas na daw ako tumawag.

Tats na tats naman ako kay Mudrax! Classic. Gusto ko bigla bawiin ang pinadala kong perang pamasko at sabahayn ng tantrums sa kalsada.

Excited na kong umuwi ng Pinas. Excited na kong makita ang MOA. Excited na ko mag lakad sa greenbelt. Basta excited na ko. Sana madami akong makitang mga kaibigan kahit medyo late na ang uwi ko. Kung hindi, hindi na ko uuwi kahit kelan, sa Europe nalang ako uuwi bilang duon naman ang home town ko. Charowt!

Kayo sana naging meaningful ang Pasko nyo. Sana nakasama nyo ang mahal nyo. Sana hindi kayo nag emo masyado. Sana madami kayo nakuhang gifts. Higit sa lahat sana marami kayong napasayang tao!

World peace!

Merry Christmas sa lahat ng naliligaw sa maagiw na blogsite na ito.

Ingats!