Friday, June 28, 2013

The Update: I am alive!

How's everyone doing?! Parang artista lang maka-kamusta. If you ask me, I'm totally feeling awesome. Arti lang.

Na miss ko na mag blog. Like, super! Kung susukatin mga around tatlong gatang ng bigas at isang guhit ng kamatis na. Sa totoo lang, kapag nakakakita ako ng blogsite na nginginig me tapos napapa tipa ako sa ere kahit nasa loob ng nagsi-siksikang mrt.Can you imagine that. Parang tanga lang.

Akala ko end of the world na last week, dahil sa Haze all over SG na mula sa mga nasusunog na mayabong at tuyot na kakahuyan sa Sumatra bunga ng mga walang pusong kaingeros ng Sumatra,Indonesia. Bali, hinangin ng chismosang wind ang makapal at maitim na Usok papuntang SG kaya more-more usok ang sang kalahatang Singapore. Akala ko katapusan na ng buhay me at ng entire human race. End of civilization lang ang peg. I tot imma die a virgin. hihihihi. Alam nyo ba 'yung eksenang mausok ang daan tapos madilim ang gabi, feeling mo any moment may lalabas na zombies, vampires, warewolves at dwende't tikbalang. Damn Scary! parang world-war-z-slash-end-of-human-race kinda thing.

But I was soooo wrong. Hindi pa pala me matitigok just yet, I'm not gonna die virgin after all. Bali nag iba lang pala ang ihip ng malanding wind papuntang west kaya Lumipat lang ang chuserang-Haze sa Malaysia truly asia with staggering all time pullutant rate of 700+ PSI. Napaka Hazardous na ng ganoong rate. Syempers, hindi ko na masyadong inaalam ang news after mapunta ng Malaysia ang Haze. Kebs ko sa Malaysia.

Anyways, back to my selfie topic, it has been 3 months since I started my new job. Okay naman so far. Choosy pa ba ko? eh, may trabho na nga kesa nganga at kamot betlog maghapon.

Unti-unti na nag babalik sa dati ang lahat. Nag babalik narin ako sa paghulma ng abs mey. parang palayok lang, hinuhulma talaga?! Nag balik narin ako sa pag jo-jogging pag may time at regular badminton game narin. Actually, sumasalit na me sa mga badminton tournament sa Singapore. I'm such a varsity already lah! LOL Nag babalik narin ako sa long overdue searching for my one true everlasting love. My happy ever after. The chosen one. Charot!

As of the moment, nag coconcentrate ako sa pag baba ng BMI ko. Dahil according sa malanding BMI Category, morbidly obese parin ako. Haist! Pagod na pagod na kong maging matabang cute.Slap me hard hanggang sa dumugo ang red lips me. Ang hirap magpapayat! Pero never say die. Para narin healthy life style. Kidding aside. Gusto ko ng healty life style. 'Yung matulog ng minimum 7 hours at mag exercise regularly at kumain ng konti. So far. Fail sya ahhaaha pero try and try sabi nga ng matandang kasabihan.

I monitor my blood pressure everyweek. Nasa normal range naman na sya. I still see my cardiologist regularly para masigurado na hindi ako ma stroke anytime soon. Masakit sa bulsa, pero if that is the right thing to do to extend my life para maranasang umibig muli at lumigaya ng wagas eh, I wouldn't mind spending. Arte lungs. Once in a while may trauma parin sa na experience ko. Everytime I see a doctor, nag pa-palpitate ako dahil feeling ko meron akong medical condition. 'Yan yung naging effect sakin nang napakagaling kong ex-employer.

New Work is good, very mabait and super considerate ang boss at lead ko. Gusto ko rin ang trabaho. Medyo ma aksyon sya ngayon. Nagpupunta kasi kame ng mga iba't ibang mga planta para mag site visit at mag lamierda at mag buko juice habang nag papa foot spa at morrocan bath. Charot lang. Nag pupunta kame ng mga planta para mag service, monitor at mag train ng plant operator ng product naming control system. So pag tapos ng buong araw, amoy grasa na me. Hot na hot ang amoy pang Romance, hard and harsh ang peg.  Just imagine this, me on a coverall sweating papasok sa kwarto. I know right! so hot. ahahahaa Nasuka ka ba? Pwes, wag ka mag basa mag basa ka ng Dictionary maghapon. ahahha

'yun lang naman, nag update lang ako para maramdaman ng mga may crush sakin na buhay pa ang blog me. Ramdam nyo ba yung angas factor. Jepoy 2.0 yabang version. Charot ulet. Na-miss ko lang mag sulat. Hopefully I can write as often as before. I love blogging. This is my life. This is where I can be free as a bird. This is where I can express everything. Arti lungs.

More kwento next time sa tatlong faithful readers ko!

Sorry for wasting your time!

Mwua!