Monday, February 10, 2014

Story of an Endomorph Me

I have to admit, I gained weight last December, at hindi ko na naprioritize ang pag lose ng weight simply because napakasarap kumain. Lalong-lalo na pag nasa bakasyon ka. Para sa isang katulad kong mataba na fucked-up ang metabolism napakihirap talagang mag papayat. Madami-dami na akong attempt but this thing that I'm gonna share right at this moment, you'll gonna shit stones. LOLz

Few years back, I pushed my self to exercise. I ran constantly and control my food intake a little bit. But I didn't track my weight. Reason being is that, ayokong ma frustrate na hindi ako nag lose ng weight or walang nangyayari. Then I lost my job. Got a new one. And totally forgot that I should concentrate on losing weight, not until matapos ang bakasyon ko sa Pinas last year. I almost went back to my original weight prior flying to Sg to work.

My goal is for health reasons and I wanted to eliminate my belly-obese-fat. Ang hirap mag tucked-in. My get-up is still my college days porma, polo shirt tucked-in at naka jeans and some rubber shoes and nothing more. At dahil nga jubis I am having hard time to feel good. And so I decided to act on it and monitor my weight on a weekly basis.

I don't have problems on my exercise so my guess is, the issue here is my food intake. Masyadong ako mala T-REX kumain. Also, kelangan mag bago ang metabolism ko.

Marami akong friends na nag sasabing I  should try daw this amazing diet program, ang General Motors diet. And so I tried it. For details just click here para hindi na ko mag explain what it is and how it works.

I'm not comfortable sharing my weight yet, kasi mataas pa at nakakahiya, pang Elapante parin, but anyways, this was how GM worked for me. I tried it couple of weeks ago. Here's the before and after result. Right side was after my weight gain last holiday season. Left side is the current one.


It was not that significant I know, but it is a start. I lost 4.4 Kgs on my first week. Last week was my second week of diet, I didn't do GM na kasi baka hindi ko na kayanin, at mag init ang ulo ko. Baka sampalin ko lahat ng makita ko sa MRT.  I just maintained my regular exercise which is badminton and running/walking and no carbs and meat diet, well, may konting meat pag nalilingat but believe me I tried 100% to eliminate meat to my diet. Rice is totally out of the game na. ahahha.

Last week I lost another 1 Kgs. Not that much compared nung nag GM ako but it was still a weight loss. So not bad for me.


I planning to do GM next week. This week is no carbs, fruits and vegies lang as much as possible. Hindi naman sya super black and white but so far naka kurot ako ng longganisa hahahaha. GM diet killed my appetite and cravings. So hindi na masyadong mahirap yung mga sumunod ng linggo.

This is what I realized. It's not too late to start. If you fail. Start again. If you fail. Start again. Don't give up. I know malayo pa ko sa goal ko but hopefully I will get there. My faithgoal is to fit into medium size shirt before the end of the year. Isang malaking goodluck! LOLz

Besides masarap ang gulay at prutas. Kahit na kakauta na. It's all in the mind. ahaha No kidding, masasanay din kayo. Believe me! You will feel, lighter than the other week, if you choose this path.

So to my fellow over weight online friends who can relate to me. It's not too late to start. Move your butt up and start moving. No shortcuts. Diet and Exercise is the key. We'll get there soon. We can do it!


Monday, January 20, 2014

Life of a Planta Boi

Mag iisang taon na rin pala ang lumipas mula nung nagkaroon ng matinding dagok sa buhay ko, noong nawalan ako ng kabuhayan showcase sa foreign land ng Singapore, kung saan ako namumuhay ng taimtim at banayad.  Hindi ko na pala namamalayan ang pag lipas ng panahon.

Actually, nagbasa-basa ako ng mga blogs na madalas kong basahin noon and  I just realized para palang na disconnect ako ng slightly bonnga. Nakaka miss nga rin pala talaga ang makipag kulitan sa internet kasama narin syempers ang pag susulat at pag babasa sa blogs. 

But I just don't have the time now. Arti?! Syempre meron pero tinatamad lang. Kaya medyo nakapag concentrate ako sa social life. Bilang timi at tahimik at mayumi sa tunay na buhay kelangan ko rin ng social life para matuto akong maki salamuha sa tao, hindi 'yung panay internet ang pinag gagagawa mey.

Nakalipat na pala ako ng bahay. Hindi narin pala ako naka Solo room ngayon, medyo nag adjust pero mas okay na 'to, para mura-mura tsaka, may nakakausap din sa tuwing na home sek mey. Pag mag isa kasi sa kwarto ang dami pwede mangyari. Scary! Wag madumi ang isip, pwede kang mamatay sa bangungut ganyan.

Isa na pala akong Planta Boi ngayon. Nag lilinis ako ng mga Makinarya sa Factory ng Langis at Gasolinahan. Lagi akong naka "Cover all", ito yung parang pan-janitor na required na damit pag papasok ng Planta. Naka Helmet at earplugs, gwantes, safety shoes at safety googles din parati. 'Nung una feel na feel ko, di naman kasi ako nag susuut ng ganoon 'nung nasa Call Cenner pa 'ko. Malay ko ba?! Pag tumatagal pala eh hindi na sya nakakatuwa, napakainit. Pinapawisaan ako hanggang sa kasuluksulakan ng betlogs ko. Sticky ganyan.

Day to day task ko ang icheck ang functionalities ng mga Process Instruments. Dapat lahat nasa working conditions. Lahat dapat ng mga Instruments na ito at naka automate pag meron nawala sa loop ng process bubuhasan ako ng kumukulong langis.

Marami akong katrabahong Bangladeshi. Sila ang mga ka bonding ko. Mga technicians. Sila 'yung gumagawa ng mga hard labors tulad ng pag akyat sa Oil Rig at mag tiktik ng kalawang ng makina. 

Aaminin ko hindi ko sila gusto dati pero pag naririnig ko ang mga istorya ng buhay nila. Nag dudugo ang puso mey. Nakakaawa sila, sa sobrang awa 'ko binibigay ko na pati pantaxi ko tsaka sandwhich ko. Minsan nag hahati sila sa isang Chicken Rice. Tapos pag umiinom ako ng Coke pwede daw bang maki sipsip. Syempre, pag naki sipsip sila ayoko na. LOL Madalas, lagi sila sa lower class jobs, yung mga dirty works pero na appreciate 'ko talaga sila wag lang sila kumain ng Curry ng nakakamay sa harap ko dahil na susuka talaga ako. Minsan sabay-sabay kame nag lunch pag kita ko nag kamay sila at salo-salo sila nasuka ako, lumabas 'yung tinik ng bangus at tatlong butil ng kanin sa ilong mey.

Pag umuulan nahihinto ang trabaho sa site. Delikado kasi. Meron din alarm sa Gas leakage, H2 gas. 'Yung gas na 'to odorless at color less sya kaya pag na singhot mo bigla ka nalang mangingisay at ma dedeadlaks pag kagising mo makikita mo na si San Pedro tinitignan kung nandun ka sa check-list.

Meron kameng suot na detector pag gumagawa kame sa site. One time, nag alaram yung sakin. Kumaripas ako ng takbo. Naiwan yung isang piraso ng safety shoes ko sa daan. Only to find out, hindi ko pala na set yung alarm. Nahiya me ng 83%.

Medyo nahirapan ako noong una kasi, mas sanay akong imanage ang irate customers sa phone kasi mag kutkut ng wires sa control room. Nawawala rin ang Call Cennner accent ko. Hindi rin ako maka suot ng long sleeves at slacks hindi me maka porma ng wagas. Pero mag ka gayun pa man, mas gusto ko ang trabaho ko ngayon.

Mas masaya ang buhay planta! Messy pero I liked it. Merong adrenaline rush pag naririnig mong nag tutunugan yung mga malalaking motor.

O sya, hanggang dito nalang muna ang update. Inaantok na mey. Salamat sa walang sawang nagbabasa ng blog na 'to. Sana makapag update ako often.

Ingats!


Thursday, December 26, 2013

Merry ang Pasko!

Oh hi dur everyone!

Pumipintig pa naman ang dapat pumintig sa akin gaya ng puso at pulso mey. Kamusta na kayong lahat? Kahit hindi nyo ko na miss, na miss ko mag sulat. Like super! Mga anim.

Hindi ko alam pa'no mag simula mag sulat. Ang hirap palang ma-tengga sa mundong nakasanayan mong gawin. I feel like a foreigner now. I guess, it's not my comfort zone anymore. I'm lost without your love. Charot lang.

Masyado akong nag enjoy sa pakikipag socialization sa labas ng mundo ng sapot, nakaka miss din pala ang side kong tahimik, mayumi at finesse sa mundo ng internet.

Wala namang masyadong nag bago sa akin. Mataba parin at pangit. Fail ang road to fitness ko! Yeah, slap me 20 times. Next year na lang ulet mag aattempt.

eggzoited ako kasi uuwi ako ng Lupang Hinirang. Yay! Ngayon ko lang na realize na isang taon pala akong hindi naka uwi ng Pinas. Medyo nag tipid kasi nakakabawi-bawi palang sa gastusin sa sakahan at koprahan.

Ang dami ko naring mga misadventures na hindi na isulat dito sa diary na ito. Maraming mga heartaches na rin ang nag daan. Madaming pait at saya ang hindi na ilathala sa mumunti kong tahanan. Kayo kamusta na kayo? Masaya ba ang Pasko nyo? Sana marami kayong na share-ran ng Christmas bonus nyo.  Wag masyadong mag damot nakaka liit ng betlog yan.

As for me, first time kong nag celebrate ng Christmas dito sa Singapore. Hindi sya kasing saya ng Pinas pero hindi naman malungkot. Saktong emo shit lang ganyan.  Sa katunayan ang proof ng emo shit ko ay... Kumapit kayo.


Emong-emo eh, no?!

Wag nyo nalang pansinin ang Badminton bag at slippers sa likod ko. Bilang trip-trip lang, nag bihis kame ng kunyari malamig at nag handa ng mga masasarap na pag kain 'nung Pasko para naman sumaya din ang pasko namin at mag karoon ng konting twist. Ang contribution ko ay ang Puto at Kuntsinta na pinagawa ko sa kaibigan ko, pero ang press release ko ako gumawa. Syempre, hindi na niwala ang mga hitad feeling naman nila hindi ako marunong gumawa ng Chicken Cordon Bleu. Hmp!

Tumawag ako kila Mudrax at Pundrax para bumati ng Merry Christmas. Baka sakaling maibsan ang lukot nila kasi miss na miss na nila ako. Pag tawag ko, aba hindi sumasagot ng cell phone. Inisip ko baka busy lang. After Noche Buena tumawag ako ulit. Busy daw mag ihaw ng Ribs, madami daw bisitang mga kapitbahay, bukas na daw ako tumawag.

Tats na tats naman ako kay Mudrax! Classic. Gusto ko bigla bawiin ang pinadala kong perang pamasko at sabahayn ng tantrums sa kalsada.

Excited na kong umuwi ng Pinas. Excited na kong makita ang MOA. Excited na ko mag lakad sa greenbelt. Basta excited na ko. Sana madami akong makitang mga kaibigan kahit medyo late na ang uwi ko. Kung hindi, hindi na ko uuwi kahit kelan, sa Europe nalang ako uuwi bilang duon naman ang home town ko. Charowt!

Kayo sana naging meaningful ang Pasko nyo. Sana nakasama nyo ang mahal nyo. Sana hindi kayo nag emo masyado. Sana madami kayo nakuhang gifts. Higit sa lahat sana marami kayong napasayang tao!

World peace!

Merry Christmas sa lahat ng naliligaw sa maagiw na blogsite na ito.

Ingats!