Meron kaisa isang fierce creature na hindi ko kinakaya, as in 100% ito ang Kryptonite ko. Makita ko palang na malapit sa akin parang nanghihina na ang mga tuhod ko. Bawat galaw nya eh napapa lukso din ako.
Feeling ko baka makakapatay ako ng tao pag may nag lapit nito sa akin! Hindi ko talaga kaya.
Ito ay ang Echuserang Frog. Lalong lalo na ang bullfrog na may kulukulubot sa likod. Like Eiwwwwww!
Meron akong close encounter sa mga creature na ito and let me share these scenarios. Ito ang sumira ng career ko noong highschool.
Scene 1:
First year high school. PE Class first period. 7:00 AM. nag kakasiyahan ang lahat dahil sa labas ang klase namin. Filipino games ang aming aaralin tulad ng sepak takraw, patintero, sungka at Uno Stacko. Ay hindi pala kasali ang Uno Stacko. Meron akong kras na kras noon. Maputi sya at napakaamo ng muka, maganda talaga sya. Syempre pag first year high school fresh from elementary kaya asal bata pa ng konti. Sa may plant box merong isang echuserang frog na kasing laki ng nutri-bun na tinabay. Malusog sya at kulubot ang balat. Nag kakagulo ang ibang mga classmates ko kasi tumalon talon ang puntanginang creature.
Syempre hindi ko pinahalata na ito ang kryptonite ko. Deadma sa banga. Kunyari busy ako sa sungka. Maya maya yung kras ko dinampot nya yung putang frog on her bare hands. WTF!!!!! Tapos dinala nya sa harap ko. Putangina nya! Syempre hindi ko pinahalata na nanginginig na ang tuhold ko.
"Jepoy tignan mo oh ang taba taba ng palaka", sabi nya.
Putangina hindi ko na kaya at napaatras ako at naibagsag ko ang sungka, nag tapunan ang mga sigay. Nag lapitan ang mga letcheng kaklase ko para kutchain ako dahil na discover na nila na takot ako sa palaka na malusog. Putangina!!!!
Nag tatawanan sila pero parang hindi ko naririnig at parang bumagal ang kilos ng mga tao. Oo slomo ito. Hinabol ako ng kras ko para ipahawak sakin ang letcheng palaka. Putakels! At ang sumunod na nangyari at nagising ako sa clinic na pinapasinghot ng white flower at basa ang aking pantalon. Naihi pala me.
Scene 2:
One morning maliligo na ako to prepare to go to school. Pag pasok ko ng banyo may gumagalaw galaw sa gilid. May palaka na nakapasok sa aming banyo. Puntangina!!! Dahan dahan akong naligo kada talon nito ay sya rin namang talon ko at hindi ko ma i alis ang tingin ko dahil baka lumapit sya sa akin. Hanggang sa hindi ko na natiis. Lumabas ako ng banyo.
"Papa may palaka sa banyo alisin mo nga"
"Palaka lang edi alisin mo, kunin mo 'yung dustpan at walis tapos tapon mo salabas"
"Ayoko po!!!"
*Mayamaya pa ay may lumipad na tsinelas sa harap ko at nasapul ako sa braso*
"Ang laki laki mong tao palaka lang hindi mo maalis. Jepoy ang aga aga pinaiinit mo ulo ko. Alisin mo 'yun ngayon na"
"Opo"
15 minutes kong pinaplano ang strategy ko kung paano ko madadakot ang palakang potakels na nasa gilid ng tiles at pumipitikpitik. Eiw! And suddenly I had this bright idea! Tinawag ko ang katulong namin at sabi ko sakanya bibigay ko ang baon ko sa kanya at hindi ko sya isusumbong kay Papi 'nung pinahawak nya sakin ang susu nya basta alisin nya ang palaka at itapon sa Creek.
Scene 3.
Biology class. Kailangan mag dissect ng palaka at kukunin ang bones nito para gawing project. As usual yung kras ko eh group mate ko rin dahil pareho kameng letter B nag sisimula ang last name. Yes, you are correct, sya ang kumuha ng palaka namin na gagamitin sa biology. At kelangan daw ako ang mag di-dissect ng putanginang frog.
No choice. Pumayag akong mag di-dissect ng frog subalit kelangan nilang itali ito and make sure na hindi sya makakawala.
So dumating na ang araw ng pag di-dissect ng putang frog. Hawak ko na ang ten blade at nakatapat na sa napakaling tyan ng Bull Frog na kulubot ang likod na hindi ko maintindihan kung baket kailangan bullfrog ang palaka namin while the rest was palakang bukid lang. Putangina! Trip mode?!
Diniin ko ang tenblade sa tyan ng putang frong and guess what?! Nakawala ito at nag lulundag! naihagis ko ang ten blade at tumungtung sa chair at sumigaw ng beri beri mahina, sabi ko "waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa"
Hindi naman masyado nakakahiya kasi marami naman sumigaw at natakot 'yun ngalang ako lang ang lalaki na natakot and worst tumungtung sa chair. Putakels pahiya much!
Marami pang list pero ayoko na ishare yung iba masyado ng personal eh, nakakahiya kasi college na ko 'nun. naalala ko lang ito dahil pag pasok ko ng kwarto kanina may palakang dikit sa dingding! Putangina! Tumawag pa tuloy ako ng Janitor sa labas para damputin ito. imbis na may pang almusal ako eh binigay ko nalang sa janitor sa pag dampot nya ng palang dikit, kadireee! Promise darating ang araw hindi na ako mandidiri sa palaka at sa kahit anong cold blooded animals. Ayoko kasi ng cold blooded animals tignan ang mali sa larawan na makikita nyo

yes hawak ng dalawang chikas ang baby crocodile, ako anong itsura ko??? Scared much!
Tumawag ako sa bahay kanina.
"Hello! Ma', Sorry hindi ako naka uwi last week kasi naman wala pang sweldo at late na kayong nag sabi na ako pala mag babayad ng kuryete at pambayad kay pinky.."
"Nak Okay lang 'yun na iinitindihan namin ni Papa mo, hindi nga kame kumain ng one week para lang mabayaran ang kuryete. At si Pinky naman hindi muna namin pina sweldo kaya hindi namen sigurado kung kumain din sila ng pamilya nya ng one week.."
"Sobra naman 'yun, parang kasalanan ko pa"
" Joke lang Anak di' ka naman mabiro"
"Ma hindi 'yun magandang biro and it's not funny! nag papakahirap akong mag trabaho dito t'wing gabi, lagi akong puyat. Wala me makain gulay. Hirap na hirap na ko sa gantong buhay. Ang hirap maging dukhaa. Hindi ko na kaya"
"Nak ang OA mo!"
"Sorry naman joke lang po, Wait lang 'Ma Question, saan mo dinala ang sweldo mo at sweldo ni Papa baket nyo naubos 'yun?!"
"Eh kasi may nakita akong Nara table kay Petra kinuha ko para may bago tayong dining table ang ganda ng mga curving at may Glass pa ito na malinis"
"Maaaaaaaaaaaaaaaaaaaa! May table pa tayo ah?! Ano nanaman yan!!!!"
"Anak walang glass 'yun tsaka lumang luma na yun and besides mas madali itong linisin isang dash lang ng basahan malinis na"
"Ma may pa dash-dash ka pa, eh kung 'yung pinambili mo ng mesa binayad mo ng kuryente at pinansweldo kay Pinky may sukli ka pa at may pambangko ka pa. Pakausap nga ka Papi hindi kinakaya ng powers ko ang reasons mo Ma..."
"Oh anak si Papi mo 'to anong balita sa world cup?!"
"Pa wala akong kebs sa world cup! Kunyari ka pang di mo alam na malalaglag na ang team mong Italy may utang kasakin 500 ha! Baket hinyaan nyo nanaman si Mama bumili ng mesa, ano ba?!"
"Alam mo naman yan si Mama mo 'di mapigilan, hayaan mo matanda na kasi"
"Eh ikaw bata?!"
"Slight lang"
"Haist, Pa' diba sabi nyo mag save ako baket kayo hindi nag sa-save?! Paano kung bigla kayong natumba dyan edi wala na tayong pang hospital"
"Anak edi ibalot mo na kami sa banig at ilibing sa likod natin"
"Effort naman 'Pa ako pa mag huhukay?! Ayoko!"
"Tamad mo talaga Anak! kaya ang taba mo eh, anyways, May natira naman konti at nag sa-save naman kame, nag lalambing lang si Mama mo sa'yo matagal mo na daw kasi syang hindi pinag gro-grocery"
"Pa kung meron naman eh pwede kaso bokya much ang wallet. Tsaka si Mama pag nag grocery kasi parang wala ng next month napapa tumbling ako sa bayarin."
"Sabagay my punto ka anak. Sakin mo nalang bigay 'yung pera at ako na mag grocery"
"Pa' asa! Ipangsasabong mo lang 'yun"
"Sobra ka naman!"
"Sus Pa' alam na alam ko na 'yang style mo! Hindi ako ulet uuwi next week may lakad ako"
"San' lakad mo?!"
"Basta.."
"Gagawa ka na ba ng apo namin? aba eh bilis bilisan mo.."
"Papi!!!!"
"Joke lang. Sige Anak mag iingat ka, sabi nga pala ni Mama mo nakuha na nya ang passport namin kelan tayo mag hong kong?"
"Sinabi ko bang mag hohongkong tayo?!"
"Oo"
"Pwes binabawi ko na Papi wala me budget next year nalang"
"Pwes ikaw na ang mag kuskus ng boxers mo"
"baket ganun Papi?!"
"Joke lang, sige sige basta ingat ka Anak I love you"
"Love you papi bye na rin kay Mama labas tayo pag uwi ko kain tayo sa Jabi"
"Ayaw namin ng Jabi"
"Choosy?!"
"Slight"
"Okay bye na po! Ingat kayo parati sabihin nyo Kay Mama wag masyadong mag papagod ha. Bye!"
Sa office...
kung hindi ako nag twi-twitter eh nag blo-blog ako pero multitasking naman ito dahil habang ako'y nag iisip ng aking iblo-blog busy naman ang aking tweetdeck sa kaka tweets ng kung ano-anong shit at sabay naman 'nun ang pag intindi ko sa mga planta ng aming cliente na wag sumabog bunga ng failing Turbines at kung ano ano pang makinarya ng planta na mine-maintain ang kalusugan gamit ang aming equipments at software. In english machinery health management.
One day ang isang kaoffice mate ko ay nakuhanan ako sa akto habang nagtratrabaho. Nahiya me much.
Teka share ko ang picture.

Bwahihihi. Naka idlip lang naman ng konti kasi na stress me. Kakatapos ko lang atang makipag sagutan sa email noong panahon na 'yun kaya napagod me much. take note, hindi ako nakipag sagutan sa cliente ko kundi sa bossing ko ako nakipag sagutan. Attitude much?!
Ayokong mag bigay ng mga reklamo tungkol sa work basta thankful ako kay Papa Jesas dahil may pambayad ako ng bills tuwing mag daratingan ang mga putanginang umuubos ng kayamanan ko. So it's just fair to not talk bad things about my work.
sabi nga ng aking kaibigan sa fezbuk
Yes, isa ako sa nag like sa status nya and I so agree. Aanhin ko ang mataas na sweldo kung hanggang bahay at vacation ko ay nag tra-trabaho ako at mawawalan ako ng time uminom kasama ang friends. Or 'di naman kaya eh, nasa kalagitnaan ako ng party and some stuff that I should not write here tapos biglang may tatawag sakin about work stuf, WTF! Pero sometimes I would like to experience how does it feel to be working my ass hard just like that.
Anyway high way, segway muna ako ng konti nakita ko kanina 'yung dati kong office mate na lagi kong kainuman dati, kwentuhan lang konti then paalaman na. Suddenly I just realized it is indeed a reality that people come and go in our lives, they say hi for a while then boom coco crunch gone. Question is, did I make an impact to them that they would remember such significant act of goodness from me? Kindness perhaps, true friendship? act of happiness to cheer them up while their sad? encouragement? Or nothingness? 'yung tipong you just came across with them at one point tapos na kasama mo for a while then gone.
It has been my goal to give an act of kindness to the people I chose to be close with. In layman's term, friend. I offer what I have without hesitation without asking for anything in return, because I think somehow when they get to talk about Jepoy to anyone they would see kindness, friendliness and be able to do it to others as well that is how I define my influence. I believe that people matter (parang miss universe lang) and every person who has the opportunity to know us deeper than usual deserves an act of genuine kindness if you know what I'm talking about. to treat them right.
I guess what I am trying to say is cherish every moment that you are with these kind of people that you choose to be friend with, there will come a time that you will not be able to do the things you were doing right now. Because people come and people go. if you choose to be remembered badly then that's your choice that's probably who you really are and I respect that.
Gutum lang me kaya kung ano ano napag sususulat ko at dahil dyan nakapag practice ako malapit na ulet ang IELTS test ko kaya kelangan lang mag sulat ng konting english.
yown lang bow!