Usong uso ngayon ang photography. Noon pama'y inaasam ko ng maging isang magaling na potograper bukod sa pagiging Engineer at Doctor. Pero naisip ko kung magiging isang hobby or pampalipas oras ko lamang ito e kamusta naman ang bulsa ko?. Nag tingin tingin ako ng mga ibat ibang uri ng DSLR camera sa internet merong Pula, itim,blue, green at na tuklasan kong hindi sya mura nakakapanlumo ang mga presyo nila, pwera pa ang lenses nito ha. Kaya sa tuwing napapadaan ako sa mga tindahan ng Camera sa Shoe Mart sa Pasay o mas kilala sa tawag MOA ay hanggang tingin na lamang ako, tila isang bata na tumitingin at nag nanais sa isang bar ng Toblerone pero Serge lang ang kayang bilihin.Sa isang mahirap na katulad ko siguro'y pangarap nalamang ang mag karoon ng isang DSLR D90X na camera ng Nikon or Cannon. Tama na siguro sakin ang mumurahin 'kong kamera na nilalagyan ng film. Take note wala itong screen na gaya ng mga digital cam ngayon kaya dapat matindi ang talent mo sa pag kokodak dahil kung hindi ay.... Kapag pinadevelop mo ito puro exposed or puro walang kwenta ang maiuuwi mo at mailalagay sa poto album mo kasi hindi mo naman ito maitratransfer sa laptop mo kasi nga walang USB connection ito wala ring Serial connection. Inshort wala talagang paraan para ma connect sa PC.Marami akong mga kaibigan na merong magagandang kamera. Hindi naman ako na iinggit sa kanila, slight lang pala...Sa totoo lang ang kuha sa profile picture ko ay kuha sa Nikon D40X sa isang Gubat sa Knoxville Tennessee, diba't ang ganda?! buhay na buhay ito ang ang pogi ko?ahhaaGusto mo bang makakita ng mga pictures na kuha sa DSLR Cam? Meron akong mga sample shots galing sa aking kaibigan na nag ngangalang Rommel (Ayan Rommel special mention ka). Nag paalam ako sa kanya na ilalagay ko ito sa blogsite ko para pag nabasa ng kamag anak ko sa ibang bansa ay baka padalhan nila ako ahahahalalagyan ko ng captions ang bawat isa nito.Ang unang shot na napili ko ay isang group jumpshot sa isang sinag ng araw na papalubog na. Hindi ko alam kung sa boracay ba kuha ito or kung saan beach. Pero ang galing ng kuha diba? Merong shadow effects pa pero makikita ang purple na kulay ng langit at na ngingitab na sand. Sya nga pala wala ako dyan sa shot na yan :-D
Pangalawa naman ay isang kuha sa Corregidor sa Bataan (Bataan nga ba yoong Corregidor?). Ang ganda ng sky shot at color blue pa at higit sa lahat merong watawat ng Pilipinas na pumapagaypay, nakaka tats talaga. Pag tinitignan ko ito ay na rerelaks ako. Anu bang meron sa corregidor? dati pa itong paaaralan? Sorry wala akong history class noong college.
Ang next naman na kuha ay ang paborito kong Eng bee Tin hopia tindahan. Napakaganda ng ilaw at may kulay orange pa na chinese characters sa taas. Alam nyo ba kung ano ang meaning ng nakasulat doon? Ang ibig sabihin noon ay "Wag bumili kasi nakakalason.." chos! di ko rin alam kung Eng Bee Tin nga ba ito at kung anu ang meaning nung Chinese characters sa taas. Basta parang ang sarap ng Tinda nya. Ewan baket walang Tindera. Siguro masarap din yoong tindera.
Ang Next naman ay isang patunay ng kagandahan ng kalikasan. Ang sarap kausapin si Papa Jesus pag nakakakita ako ng ganyang eksena sa environment, malambot kasi ang puso ko sa kagandahan ng kalikasan. Papa Jesus sana bigyan nyo po ako ng DSLR promise pipicturan ko po ang mga poor kids.
Ito naman next pekture ay ang matamis na peporit kong dessert ang tamis tamis at tunay na napaka linamnam. Minsan nga pag nakakakain ako nito ayaw ko ng pumasok sa work gusto ko nalang manood ng mubi at mag lakwatsa (wag kang mag hanap ng kuneksyon dahil walang kuneksyon ang pagkain nito sa pag lalakwatsa ko)
Ang last naman na pekture ay ang kumuha ng lahat ng shots na yan. Bilang pagpupugay ay nag lagay ako ng karesperespetong pekture nya para makakuha sya ng maraming clients/appreciation. Seriously, ako'y tunay na nag papasalamat sa pag papahintulot nya na gamitin ko ang mga ilan sa favorite shots ko para mailathala sa aking blogsite. Ito sya
Ang pinaka last naman ay ang pekture ng may pasimuno ng entry na ito isang anghel na nag katawang tao na merong cute na pak pak at tunay na pogi :-D
Ang sakit ng titi tyan ko wala naman akong kinaing ikasasama nito, siguro tomguts lang kaya masakit parang sumisigaw sya ng "Chicken Joyyyyyyyyy". pero keribels lang mag susulat parin ako habang pumepetiks nagtratrabaho. Habang sinusulat ko ito nag cre-create ako ng bagong case sa Oracle (yan ang database ng kumpanya namin) at tunay na nakakaburaot talaga ang pag gamit ng Oracle na ito, akalain mo ba namang every five minutes nalang e kelangan ko mag relog back in. Pak that shit talaga!. Imagine kelangan kong mag click ng limang options bago ako makabalik sa window na kelangan kong gamitin. So every time na mag eexpire ito mag lo-login nanaman ako at kelangan ng limang click pa ulet bago bumalik sa ginagawa ko before it expires at kelangan kong ulitin ang routine na'yon sa t'wing mag e-expire ito every friggin five minutes of idle time. pak! Ang dami dami naman kasing database management program na pwedeng mag migrate kung baket Oracle pa ang napili? sana SAP nalang, Hindi tuloy ako maka pag blog ng maayos makapag trabaho ng maayos.E baket nga ba nag papakapagod akong mag blog?! Anu ba ang makukuha ko dito 'inde naman ito competition or something that will lead me into fame dahil hinde naman ako magaling mag sulat. Hindi rin naman ito facebook na maraming games.Hindi rin naman ito twitter na pwede akon mag twit twit. Anu nga ba ang tunay na dahilan baket nag blo-blog si Jepoy pogi?Ang sagot!Wala lang.Nadah.Bokya.Zero.Ay meron pala. Gusto ko lang magsulat at sabihin kung ano ang trip ng utak ko na sabihin or ikwento. Tahimik kasi akong tao (promise!) I don't usually get to say what I haf ta' say. Suwerte namang sa mundo ng pag blog ay na realiaze kong pwedeng sabihin ang lahat lahat. Tsaka isa pa pag may nag co-comment sa mga entries ko tsaka sa tag bored telling me na naappreciate nila ang sulatin ko at gusto nila makipag exchange link ay nakaka pag bigay ng konting smile sa cute kong face, enough reason to blog more. Inshort dumadami ang nagiging tropa ko over the net tapos yoong iba ay nasa abroad pa, malay mo padalhan nila ako ng tsokoleyts at dollars ahahah. segway ako ng konti baket vetsin ang tawag sa ajinomoto MSG? dati na bang vetsin ang tawag doon? bigla kasing dumaan sa isip ko. Paano ka mag hugas ng pwet? paharap ba o patalikod? iba iba rin ang preference natin diba? baket ang kilikili ko ang itim dahil ba un sa maagang pag gamit ko ng rexona? buti nalang malago ang buhok ko sa kilikili 'inde masyadong ovious lol. Panu kaya liliit ang mga pores ng skin ko sa face para maging kutis artista ako? 'kaya kaya' ng powers ng eskinol yoon? Totoo bang nakaka puti ang papaya? bakit hindi nalang langka ang nakakaputi baket kelangan papaya pa. Ang dami kong question noh?Anu na nga bang topic dito?Medyo Nalilito nanaman ako. Ang poor ng stracture ng entry ko kasi. Siguro kelangan kong umattend ng training ahahaha. ah alam ko na gutom na kasi ako kanina pa, wala kasing pambiling lunch. Sige kain muna ko mga parekoy. Magiwan ka lang ng sagot sa comment field pag gusto mong may masabi ha or kung gusto mong sagutin yung mga questions ko sa taas. I Appreciate that mwah! hugs nalang pala para di masagwa or shake hands nalang para mas civil.Ingats (parang si John loyd lang)
Ikaw iha ang kulet mo ha!!!! Dahil dyan required ka mag comment. Sige na nga basa na!Alam kong marami ng nagbigay na kanikanilang review tungkol sa latest mubi na kinababaliwan ng Pinoy ngayon. Actually, sa Greenbelt at sa MOA puro ito ang running show sa lahat ng mubi house, sobrang haba ng pila pag papawisan talaga ang betlog mo sa pila grabe! isang halimbawa sa MOA mula sa entrance hanggang dun sa bayaran ng ticket ang pila, Buset! Buti nalang nakapag pareserve ng Seat si Jepoy. Anyway, hindi isang review ang entry ko ngayon kasi ang sagwa naman gumawa ng review sa gantong format ng panulat, parang 'inde ako sanay. Anyhow, si Megan Fox ay ang official na bagong collection Kras ko (Parang collectible toy cars lang ahaha). Mag pinsan kaya sila ni Angelina Jolie?! Pareho kasi sila ng lips, para bagang apple na ang sarap kagatin. Tila isang imbitasyon sa isang mahinang nilalang na tulad nating kalahi ni Adan na kagatin ang mapulang masanas sa nag iisang forbidden puno sa Hardin ng Eden. Pati ang mga mata nya ay parang umaawit ng "Come on Over... Come over baby 3X" at hindi lang yun, ang kulay nito ay tunay nga namang napakaganda parang stars na kumikinang kinang sa langit Hayyyyyyyyyz...Eto nga pala ang kaunaunahang shot nya sa Transfermores 2 nakasakay sya sa bike. Anu masasabi nyo boys?! lolSalamat nga pala sa Paramount Pictures sa pag papahiram nito sakin pati narin kay Uncle Steven Spielburg at kuya Michael Bay.