Sunday.
Wala lang. Gusto ko lang mag update ng blog. Kung inaasahan mong may ma hihita ka dito, malas mo kasi wala kang mahihita. Chupi!
Late ako nagising kanina dahil medyo naparami ang inom noong sabado, naginom ako magisa habang na nood ng debede.
Matapos kong pag trabahuhin ang dvd ko sa matagal nyang pag kakahimlay, buti naman gumagana pa sya ng matiwasay. Tinapos ko na ang Avatar: The last Airbender na cartoons, ang ganda ganda pala ng cartoons na ito lalo na yung mga fight scenes, kaya pala ang haba ng pila 'nung movie dahil kung tinapos mo ang cartoons mag eexpect ka talaga ng magandang adaptation.
So yun nga, late ako nagising ng Sunday morning.
Syempre una sa lahat nag simba muna si Jepoy ng Sunday, you know, to start the week right. Praise and Worship, tapos pray, tapos nakinig kay Pastor ng message at nag take down notes. Oo, nag take down notes ako, potashet ka ayaw mo maniwala?! 1 John 2:11 pa nga ang txt eh, don't make me scan and put my notes here. Joke! 'Yun nga, since postponed ang lakad ko ng Sunday dahil nakalimutan kong mag send ng confirmation txt dahil sa amats eh, hindi natuloy ang lakad.
Kaya naman after ng Church nag punta ako ng...Saan pa nga ba?! eh 'di sa MOA. Sorry naman, yan lang ang kilala kong Mall kasi ayoko ng lumayo pa. Lunch time ang tapos ng Church Service namin kaya medyo ang paningin ko sa mga nakakasalubong ko ay chicken wings na.
kahit na tomguts na'ko tiniis ko muna ito dahil gusto kong mag pagupit kasi bad hair day na. Lumago na ang dating semi kalbo kong bunbunan. Namili ako ng pinaka cheap na pagupitan tapos na sales talk ako ni kuya kaya nag pa shave narin ng bigote dahil itchy na at malago na masyado parang forest lang. Pota kala ko free may charge pala, Nyeta!. Pero ayos naman ang services ni Manong. Kaya binigyan ko sya ng tip na 50 pesos pang lunch nya.
Matapos ang 30 minutes lalo na akong pumogi, fresh na fresh ang haircut (blog ko 'to ako lang pogi sa blog ko walang kokontra, lol)
Kahit puro tae na ang ginigiling ng small and large intestines ko, inuna ko pa ang pamamasyal sa Power books dahil gusto kong pumayat na now na. JOke! Dahil mahilig ako sa books.
Habang umiikot ako sa mga book shelves, sakto naman nilapitan ako ni ate. Kilala ko sya. Sya yung parating nag sales talk sakin at nakaka kwentuhan ko sa 'twing pumupunta ako doon. Ngayon ko lang na pag tanto. Oo assuming ako. Feeling ko kras nya ko. JOKE!
Dahil likas naman akong friendly at magaling naman ako sa small talks at higit sa lahat ang pogi-pogi ko lalo dahil bago akong gupit, para lang akong si Jose Rizal na pinataba. Oo, Joese Rizal hair style ako ngayon, in na in Puta! ' Tumingin si Ate sa akin ng malagkit at nilapitan nya ako ahahaha, ikukubli ko nalang sya sa pangalang...ay lets call her Ate nalang pala, nag bago na isip ko.
"Hi Sir, ano pong book hinahanap nila, ito sir try nyo"
"Ah, wala naman. Nag titingin tingin lang, wala kasi akong pambili"
"Sir Sale naman eh, tsaka parati kitang nakikita dito Sir" *nag smile sya*
"Binabantayan mo ko? May Kras ka sakin noh"
"Ahahha Sir naman, ito po meron na pong paper back copy ang Book 6 ng Ranger's Apprentice, ito yung binili mo last time diba?"
"Wag mong ibahin ang topic, at baket mo alam na Ranger's Apprentice ang binili ko last time, tagal na 'nun ah? Stalker much? JOKKKKE!!"
"Sir talaga..."
Oo ganun lang ang usapan namen assuming lang ako. Ahahaha. Tinatamad na kong mag kwento. Kaya tatapusin ko na 'tong walang ka kwenta kwentang post ko. Natatae na kasi ako.
Nakaramdam ako ng gutum kaya naisip kong kumain muna dahil hindi nga rin pala ako nag breakfast kaya kelangan ng kumain, hulaan nyo kung ano inoorder ko? Eto picture

Oo na plastic kung plastic. Masama bang mag paka health buff???! Habang kinakain ko yan. Nalungkot ako ng mga 10%, kaya dinagdagan ko ang lunch ko neto.
Gudlak!!! Mini burgers lang naman eh. pwede na rin siguro. Ahahaha!
Sa lahat ng nakaabot hanggang dito. Congratulations dahil ang tyaga nyo. Pasensya at wala talaga akong sustansya mag sulat, Oo parang gulay lang merong sustansya.
Dito na nag tatapos ang entry na 'to.
Finish!
Hindi masama ang mag camwhore.
Sa katunayan, masarap mag camwhore at gawin itong primary pics mo sa mga social networking accounts tulad ng sa twitter at facebook. Syempre, kelangan mong ipakita kung gaano ka ka pogi at kaganda sa mga ka batch mo noong elementary, lalo na kung ikaw ang pinaka panget noong elementary or commonly called ugly duckling.
Nagunit...
Sana naman kung mag ca-camwhore ka sa banyo nyo, siguraduhin mong walang tae ang inodoro dahil nakakasulasok pag nahagip ng camera ito. Yuck!Tignan mo si Ate. Hindi mo aakalaing galing sa tumbong nya ang waste na nasa inodoro at nakuha pang gawing primary pix sa facebook. Ewwwww! Infairness sa boobies at flat tummy, takpan nalang ng dyaryo ang muka pwede narin siguro pag high kakasinghot ng katol...
Kesa naman dito...

Putangina! kahit na hindi ako marunung mag dota, mag dodota na ako mag hapon...Go!
Wala ng paligoy ligoy pa mag bibigay na ako ng parangal para sa napili kong blogger of the month ngayon buwan ng Agosto, busy ako sa kapapanood ng Last Air bender na Cartoons kaya mabilisan lang to. Medyo nahirapan akong mamili ng champion ngayon, ang dami kasing pwedeng i-feature.
Ang hirap mag stalk ng mga facts about our possible blogger of the month, hirap din mag hanap ng totoong pictures nila, hindi umubra ang best stalker of the season ko. Gusto ko sana kasi bawat blogger of the month meron short portfolio shit at kung ano anong words of bulshit ang pwede kong ibigay sa tatlong nagbabasa ng blog ko para mapromote ang site nila, para madagdagan ang nuffnang nila. Kaso nga medyo mahirap at nakakatamad mag stalk, anonymous shit kasi 'yung iba. Napagod me mag google all the way tapos wala naman akong ma-dig in na info like, kung taga saan sila, kung student ba or graduate na, kung saan nag aral, anong tinapos, anung industry ang work (kung meron man), kung nasaang lupalop ng mother earth, mga ganung ka shitan. Haist!
Anywey, ang blogger of the month natin ngayon ay kababayan kong kapampangan, tulad ko pogi din sya (woot woot). 'Yun lang wala na kong masabi kasi wala na nga akong na stalk na facts, LOL.
Malamang hindi na bago ang ating bida ngayon dahil na feature na sya kay Master-my-Ultimate-Idol Badoodles noong July ata. At ngayon naman, na feature din sya kay kaibigang Paps. Bigtime na ang promotion!
So ngayon naman sya din ang napili kong Champion. Pasensya na bias ako ng konti, humor blogs kasi ang nakahiligan kong basahin not much sa emo emo kaya medyo puro humor blogs ang na fea-feature ko,besides, 'yun lang kasi ang kaya ng kokote ko 'yung hindi na masyadong mag iisip pa. Gusto ko tatawa nalang ako mag isa sa harap ng computer ko. Kebs sa mga nag tataka baket ako tumatawa mag isa. Sus!
And now Ebribade, Children of all Ages... I am Pleased to proclaim (parang presidente lang?!) the Pluma ni Jepoy blogger of the Month [insert umaatikabong drum roll here]
Mr. Paul Robert Pacheco ng Kwentong Balentong. Palakpakan!!!
Baket sya ang champion this month?
Simple lang.
Makulit. Manyak.Bastos.Walang kwenta. At higit sa lahat nakaka entertain ang kanyang panulat. Ika nga ni Master-Ultimate-Idol Badoodles "the next big thing" sya sa mundo ng blogging. Oo bayad nya to. JOkeeee!!!
Eto picture nya oh, saktong position nya habang na ninilip ng kulay ng panty ng katabing table nya sa opisina.
Para mabigyan kayo ng sample ng kakulitan nya eto ang Profile description nya sa blog nya. Go!
- isang tamik na makulit na nilalang, nagiging halimaw kung minsan.
- rakista, punkista. pero kahinaan ko ang mga old opm songs...pucha!
- ayoko ng bading, na manyakis.
- naninigas ang opols ko kapag malamig, normal lang to di ba?
- marami akong kaibigan. isip nila mag isa lang ako.
- sa sobrang dami ng kaibigan ko, minsan di na ako tumatanggap ng kaibigan.
- nagbabawas din ako ng kaibigan. pumapatay ako ng kaaway. inuumpog ko ang siko
- naniniwala ako na may kinakasal na tikbalang kapag umuulan at may sikat ng araw.
- humiga na sa ataol, presko naman.
- natutuong magbike nung 18.
- nawalang ng pagkabirhen nuong 17.
- malakas ang putok ng kanang kili kili ko kesa sa kaliwa.
- may kabitbahay akong manunuli, batakan tawag namin. isang supot ng malboro, aalisin nya ang pagiging supot mo.
- umaasa na madagdagan ng two inches ang haba, pinoy lang tayo, kasalanan ba? nangangarap lang.
- narape ako ng tatlong babae. joke.
- pangarap kong maging astronot at sayantis nuong bata ako.
- pinangarap mag abugado, naging gago.
- nangarap maging pari. nakatikim ng luto ng hari. gusto ng magkalat ng lahi.
- abnoy.
- dalawang balot. solb!
- ala una ng hapon tumatae.
- marunong mag tipid ng tubig. tumatae sa opisina.
- naging bisyo ko ang umibig ng umibig.
- tatlo lang buhok ko sa kilikili.
- may patay na hinlalaking kuko sa kanang paa.
- dog style. ginagaya ko ang alulong ng asong ulol.
- radikal.
- taho.chico.papaya.pakwan.sisig.balat ng manok.lechon kawali.crispy pata.
- SAP.ABAP.C/C++.
- kapampangan.
- nag aahit para magmukhang mahaba at malaki.
- kinukulob ang utot sa kamay at ipinapaamoy sa iba. minsan inaamoy ko, personal brand of cigar!
- galit ako sa durara.
- natutuwa ako sa babaeng sexy. dodo.
- right handed ako, pero nagsasaltik din ako gamit ang left hand.
- lab ko si jesas.
- gusto ko lang maglakbay, mag isa.
- gusto ko ng tahimik na lugar.
- sinusumpa ko ang mga tsismosa.
- gusto ko rin mag alaga ng baboy, ung pink ung cute ung kulot ang buntot at may ribbon sa leeg.
- wala akong pera. di ako magaling, gwapo lang ako. kapag bagong sweldo, sabi ng nanay ko.
- hindi marunong mangumpisal.
- natatae lagi sa byahe.
- mahilig akong ngumatngat ng tubo. the best tooth brush!
- mala chiken feet ang legs ko, madalang din ang balbon sa binti.
- gusto kong magpakalbo pero ayokong gayahin si kokey.
- mamasitas toyo't kalamansi.
- inihaw na tenga ng baboy.
- xerex.
- softdrinks.
masarap ang maging mababaw, masaya. pero di sa lahat ng pagkakataon. p'wede ka rin mag mukhang tanga.
Contratulations Parekoy! Paki deposit nalang sa bank account ko ang small token na ibibigay mo! Ikaw naaaa! Finish!