Wednesday, March 31, 2010

Pamamaalam

Matagal tagal ko naring itong pinag isipan at mahirap mag give up ng bagay na gustong gusto mo talagang gawin na kung saan naka-kilala ka ng mabubuting friends na kasing pogi ko na kung saan nakakahiligan din ang pag susulat. Dahil sa kagagawan ko ay nag sara ang isa sa naging pinaka malapit kong kaibigan sa mundong ito. Kaya isasabay ko narin ang pag sara ng aking kuta na kahit papaano ay nakapag bigay ng konting saya sa inyong mga puso.

Maraming maraming salamat sa lahat ng tumangkilik ng Pluma ni Jepoy. I guess tama ang kasabihan na ang lahat ng bagay ay may katapusan. Tulad ng isang pag kakaibigan na nag tatapos din. Parang dahong tuyot na kusang nalalaglag sa pag ihip ng hangin. Tubig na lumalagaslas sa batis patungong kawalan.

Oo mahirap paniwalaan na darating pala ang araw na makakapag decide akong isarado ang aking munting tahanan. Maraming salamat sa lahat ng walang puknat na pag basa ang pakikikulit sa comment box at cbox ko. Maraming salamat dahil na tats nyo ang puso ko. Maraming salamat sa lahat ng naka EB ko at natikman nyo ang alindog ng katawan ko. Maraming salamat sa tawa. sa lunkot. at sa friendship. Hindi naman dito nag tatapos yuun di'ba. Meron parin namang facebook at twitter.

Hindi ko na maiisa isa ang mga naging malapit na blogs sa puso ni Jepoy. You know who you are. Isang way narin ito para mag hilom ang aking pusong sugat. Pusong ni yurakan. Pusong hindi pinahalagahan. Mag papakalayo muna ako sa mundo ng blogosperyo dun nalang muna me sa twitter.

Hanggang sa muling pag kikita kaibigan. I love you all.

Sa lahat ng mga manunulat na nakita ko ng mata sa mata at naka kuskusang siko ko hayaan nyo mag iwan ako ng pahuling mensahe sa aking bahay.

Powkie- Maraming salamat sa panlilibre mo sa facebook nalang tayo mag kulitan. Muahchupa!

Andy- Sana ay tumangkad ka pa! Maraming salamat sa pag punta mo sa MOA para makisabay mag lunch saakin. Kita tayo sa facebook

Kikilabotz- Alam kong muka kang artista at matangkad at kutis labanos pero mas pogi ako sayo sa paningin ng nanay ko. yun lang kitakits sa facebook.

Pusang Gala- Sayang at ngayon lang tayo naing magka blog roll. More power sa blog mo.

YJ- Mag inuman nalang tayo wag na tayo dito sa blog mag laitan dahil wala na akong blog after nito

Chinggoy- Maraming salamat sa iyong comments parati at sa pakikiyosi sa akin kahit hindi ka naman nag yoyosi

Nyl- At nag hiatus ka narin sayang naman ang kagalingan mo sa pag susulat dibale magaling karin naman mag public speach so dun ka narin kumarir

Glentot- Sana ay mapatawad mo me. Ingat ka parati at sana wag ka nang mag tanim ng puot sa iyong dibdib

Drake- Paalam sayo isa ka sa dahilan ng pag close ng blog ko thank you sa keychain. Ingat ka dyan sa Bhagdad ha.

Hangang sa muli mga kaibgan! Paalam!!!!

Tuesday, March 30, 2010

Charm

Masyado akong busy kakachat sa taong nag padugo ng puso ko't esophagus kahapon, yes I still have the nerve na makipag chat kahit every exchanges of words made me wanna throw up.

"So kamusta ka na?"

"Humihinga pa naman..."

"May ganun?!"

"May ganun talaga!"

"I hope okay ka lang *Hugs*"

"Baket may hugs?! Ikakasal ka na diba? Wag ka ngang ganyan kinikilig ako"

":-x I just wanted to let you know na nandito lang ako parati for you"

"Change topic please..."

Napa-segwey ako sa Orasan na nakasabit sa wall naming madumi...

bwakanang-pekpek-ng-cow!!!! ma-lalate nanaman me, hindi ito maari!!!! baka ma memohan ang model employee. Dali dali akong humatak ng boxers yung favorite ko yung kulay black para feeling sexy tapos takbo sa CR para maligo.


Pag bukas ko ng tubig. oh my effin god of water poseidon!!!! Baket walang fucking water??????!!!! Nag tapis me lumabas at chineck ang tubig sa lababo, fuck wala rin water. This is not happening. Nangyari na ito dati no'ng jumejebs me. Napadaan ako sa tapat ng fridge may note na nakalagay dun'

"Jepoy pakibayaran muna ang tubig sa office sa third floor baka maputulan tayo ng water today pag hindi nabayaran-Lubos na gumagalang Pinsan"

Nag freeze ako na parang na stupify lang ni Harry Potter, at nag isip. Fine, yung natitirang tubig nalang ang gagamitin ko isang timba, walang shampoo shampoo at walang sabon-sabon.

Natapos akong mag tikol maligo. Dali dali akong nag bihis nag toothbrush nag putol ng balbas ng konti. Nag lagay ng facial cream. Nag lagay ng foot lotion. Nag lagay ng body lotion. Nag lagay ng hand lotion. (Ang dami?!) at nag madaling sumakay ng try at nag fly sa MRT.

Ginamit ko ang aking katawan para dambahin ang mga tao kebs kahit matanda, bata, duling, or not. Pag dating ko sa MRT umaalingasaw ang aking halimuyak. Ang mga chick ay nakatingin sakin. Syempre naman nag smile back ako ng beri slight lang, baka sabihin nila easy to get ako. Alam ko namang katawan ko lang ang habol nila. Duhr!!!

Nag text ako sa office mate ko tinanong ko kung nando'n na ang aking Manager, good thing wala pa sya. Salamat kay Papa Jesas. Habang nag lalakad mula shaw hanggang One San Miguel ay nag titinginan sakin ang mga tao. I don't freakin' care kung Kras nila ako. Basta ako kelangan ko mag badge in on time!!!

Pag dating ko sa baba ng building, aba may five minutes pa me. So yosi muna at bili ng candy. Si manag yosi vendor naka tingin din sakin. I mean ganon na ba ko ka pogi for them to look that way, i mean gosh! ahahaha

So after mag yosi Fly sa elevetor papuntang 36th floor. Badge in login sa PC. Check ng email. Check ng blogsite kung may bagong comment. Check ng facebook kung may may nag message. Check ng cellfon kung may nag txt. Check ng offline message sa YM baka may nag I love you. Tapos nag decide ako na mag cr bago mag work mode.

Sa CR.

Umuhi muna me. Pagpag. Hugas kamay. Tingin sa Salamin.

Powtangenaaaaaaaaaaaaaa!!!!! Baligtad pala ang polo shirt ko. What the hell!!!!! Kaya pala nag titinginan ang mga tao sakin. Hindi pala iyon bunga ng charm ko. Bunga pala ito ng pag ka baliktad ng Shirt ko. I hate it!

'yun lang.

Bow!

Monday, March 29, 2010

Makapag Update lang...

Mahilig akong manood ng mga documentaries pag naka steady lang ako sa bahay mag pa hanggang sa ngayon, nag simula ang facination ko sa mga documentary shows sa palabas na, "5 and up" na nakaere sa ABC 5 tsaka sa GMA 7 noong 90's. Para itong counter part ng "Probe Team" pero this time pang kids ito.

Sa kanayunan namin hindi uso ang cable at ang aming telebisyon ay de-pihit pa ang pag lipat ng channel, walang remote remote at Oo 14 inches ang TV namin na bigay pa sa tatay ko ng isang US Army na nadestino sa'min. Tandang tanda ko pa na kapag sabado ng umaaga ginagawa ko na ang lahat ng tasks ko para makapanood lang ng "5 and up". Gigising ako ng 6:00 AM para mag walis sa labas, mag babalat ako ng kamote at hihiwain ito para gawing kamote que sa hapon ng sabado. Mga bandang 8:30 AM ready na akong ma-nood ng TV. Kaso nga lang since mag kaiba ang frequency ng channel 7 tsaka Channel 5 kinakailangan ko pang umakyat ng bubung para pihitin ang aming antenna para makuha ang Channel 5, sabay din nito ang pag dadasal ko kay Papa Jesus na wag umulan sapagkat kung bubuhos ang pukang amang ulan wala ng signal na mahihigop ang putang Antena namin, which only means end of Saturaday telebabad for Jepoy.

Nakakita ako ng isang episode sa youtube ng "5 and up" at naaliw talaga ako, naalala ko ang mga panahon na marami akong napupulot sa documentary show na ito at talaga namang tumatak sila sa aking murang brain cells.

Bali farewell episode ito ni Atom tsaka ni Chynna sa show. Itong mga kids na makikita nyo sila yung mga favorite reporters ko, I wonder kung nasaan na kaya sila ngayon? kilalang personality lang kasi dyan ay si Atom at Chynna kasi na papanood pa natin, syempre si Maxene Magalona nandyan din as in Nene pa sya dyan. Uhhhhm, nandyan din si Jolly tsaka yung isang kasama nya. Kung fan kayo ng "Battle of the Brains" na show sa channel 9 noon sila yung nag champion sa Elementary level. Alam nyo ba na dapat mag audition ako dito sa palabas na ito noon bata pa ko, meron nga akong video copy na ipinadala ng tita ko sa Probe Production noong nag pa audition sila. Pero syempre hindi ko ilagagay dito kahit na saksakin nyo pa ko, masyadong kahihiyan na iyon.






Pag dating naman ng afternoon, 'di ko na matandaan kung Saturaday or Sunday palabas naman ang Battle of the brains. Kunyari nag tatalitalinuhan kame ng kapitbahay namin at sa tuwing ma ririnig na namin ang signature music ng show na sya ring hudyat na simula na ang patalinuhan, meron pa kameng dalang notebook at sumasali sa pag sagot sa mga tanong kung sinong pinaka maraming tamang sagot sa amin eh sya ang bibiling ng Samalamig kay aling Pekta. Nangarap kaming makasali sa Show na ito noon kaso wala lang kameng pamasahe paluwas ng Maynila. Panoorin nyo ito nakaka tuwa lang maalala.




Sunday, March 28, 2010

Public Apology

I have so many things to deal and digest sa buhay ko lately at ayokong madagdagan ang aking kalungkutan dahil sa isang pag kakamali kaya ang title ng post ko ay Public Apology.

Okay dahil close na kayo sa'kin mga online peeps lemme share a little bit of me, konti lang naman 'ito. Sa limang taong sumusubaybay at nag babasa ng blog ko I'm sure ma iintindihan nyo ang aking i share today.

Alright, Saturday has been a blast hindi dahil ang kasing papalicious kong si kuya Justine Timberlake ay nag concert sa MOA kundi dahil lamang ito sa activity ko ng buong Saburdey.

Okay wala pang sweldo at wala na me pera kaya nitatamad sana akong lumabas, pero ayoko namang mag paka emo sa bahay mag isa baka bigla kong mainom ang clorox dahil sa sobrang sakit ng puso ko lately, sorry naman nag shift mode nanaman sa emo 'di lang mapigilan.

Okay excited me dahil mga blogger friends nanaman ang aking makakasama. Kung noon eh puro si Glentot lang ang kasama ko ngayon dumarami na kame at naka tutuwa talaga iyon, pero hindi 'yan ang kwento so continue na muna tayo.

Nag kita kame ni Kuya Andy para mag lunch, kwentu-kwentuhan ganyan ganyan. Nag pigout kame kasi pareho kameng hindi pa nag breakfast at lunch at around 3 na noong time na iyon. At sa kabilang lupalop naman, sa may Shangrila Ortigas ay may kaganapan din doon with Glentot and Kikilabotz , Kuya Chingoy and Anton EB, dapat kasama din ako doon pero dahil umattitude ako sabi ko kay Glentot ayoko sa Ortigas kahit alam kong ang mga ka EB eh galing pa sa malayo, sorry naman may pagka selfish lang minsan talaga. Eh si Andy naman mabilis lang utuin na sa MOA nalang kame mag kita kaya fly naman sya kagad sa MOA.

Fast forward.

Na-convince ni Glentot na pumunta ng MOA habang si kuya Chingoy ay inindian sila (Attitude din) so 'yun nga nag fly sila sa MOA kahit traffic. Okay so na meet ko si Anton tsaka si Kikilabots (Isang tunay na tunay na Artistahin sa personal) Shake hands Shake hands ganyan ganyan hanggang sa na suggest ni Glentot na mag punta kame ng Tagaytay at umagree naman ang lahat. Si kikilabotz nag paalam na na hindi sya papasok sa work, kaya all set na.

Kahit in doubt me pumayag akong mag maneho papuntang tagaytay kahit hindi pa ako nakakapag maneho papunta doon ever, nahiya kasi ako dahil nga pumunta pa sila sa MOA all the way from Ortigas.

Okay so punta kame parking check ng tubig, break fluids ganyan ganyan tapos fly na kame sa Tagaytay with Andy as my navigator na walang kwenta. Mga around 5PM kame umalis no'n so as expected dahil nga 20 miles/hr lang ang takbo ko papunta doon eh gabi na kame dumating, putangena! At pinag pawisan ang betlog ko sa pag papark, nyeta talaga!

Pero pag labas namin nag kotse ang sarap ang lamig lamig ay zo lavet! Syempre picture picture muna kame kahit muka kameng tanga kasi nga gabi na wala ng makikitang nature sa likod namin buti nalang dala ni Glentot ang mamahalin nyang Camera. So ang totoong kwento ko dito na nag simula, syempre ano pa nga bang pag kwekwentuhan ng bloggers pag nag meet edi blogs din.

Kwento kwento at na punta na ang issue sakin at tinatanong nila ako about sa fiction na sinulat ko at sa last post ko entitled tumbling, syempre dahil pinaka close ko sa lahat ay si Glentot alam nya kung sino ung isang tinutukoy ko. Tapos tinatnong nila kung sino daw ung tinutukoy ko dun sa isa, syempre ako naman ayokong mag name drop ang sinabi ko si Glentot at dito nag simula ang lahat. Please read this. Natapos na ang gabi at nag decide kame na umuwi na dahil naawa naman kame kay Glentot wala pa syang tulog. Nagkayayaan mag inuman sa may CCP Complex banda (feeling ko may pera pa ko nun wala na pala) pero si Glentot ayaw na nya dahil uuwi sya. Skip ko na 'yung inuman part namin nila Kikilabotz and Andy and YJ ha. Diretso na ko sa reason ng entry na to.

Pag gising ko ngayon lang morning at nag check ng facebook at blog ni Glentot. Nagulat ako ng bongga muntik na kong mahulog sa upuan ko. Siniryoso ng froglet ang aking sinabi 'nung nasa tagaytay kame, Oh My Gas! Pag check ko ng facebook aba deleted na rin ako sa kanyang friends list!!!! Panalo ang pag tatampo factor! Syempre ako nag txt kaagad at nag message sa cbox nya.

Deadma sa banga at nagalit kay Jepoy ang Glentot :-(

So Public Apology itong entry na ito para sa true friend kong si Glentot.

Dear Glentot,

Kung nasaan ka man ngayon sana ay nasa mabuti kang kalagayan. Sana ay wag ka nang mag tampo kay Jepoy and for the record hindi ka kaya user. Isipin mo nga sino ba ang hinahatak kong lumipad ng MOA para mag starvaks at manood ng Sine?! Diba ikaw?! So pano ka magiging user?! Seriously ang bait bait mo kaya (totoo yan walang halong toothpaste at sarcasm)

Isa ka kayang tunay na kaibigan. Kung ikaw ay nasaktan ng bongga dahil sainabi ko na ikaw yung taong "Kebs sa Banga" na tinutukoy ko sa last entry ko pwes sorry naman dahil hindi ikaw 'yun, framiz!

Sensitive ka palang froglet ka kahit ayaw mo ng cheezy books tsaka cheezy film. Pasensya na talga at hindi ikaw 'yung tinutukoy ko as in, feeling ko na saktan ng beri beri nice ang puso mo kaya dinelete mo narin ako sa fezbuk mo. Sana Wag kang mag tanim ng poot sa puso mo okay bad yun. Tandaan mo ang favorite quotation natin, "Only pure heart can break the Spell"

Ang Keso! Inom na tayo okay... Pero kung ayaw mo na talaga akong tropa at ka fezbuk eh sana atleast maniwala ka na hindi ikaw ang kahit na isang tao na tinutukoy ko sa previous kong entry, yun lang ang wish ko for Christmas. Okay!

Papa Jesas loves you :-D

Lubos na Gumagalang

Jepoy

Wednesday, March 24, 2010

What happened in YM chat...

Ikakasal na ko.

Ang matamis na pop up na nakuha ko sa YM. Para akong binuhusan ng malamig na tubig for like 2 minutes tapos pinilit ko ng mag move on, pero sa totoo lang para lang ngang gusto kong uminom ng clorox all of a sudden, Joke! Agad akong nag isip ng dahilan para wag ma apektuhan in the first place wala naman akong karapatan. Second place wala naman kameng relasyon. Third place wala naman syang pake'lam sakin so why bother.

Basta nalang naisip nyang ipop up ako at sabihing ikakasal na sya ng ganun ganun nalang. Putangena!

Honestly, it hurts you know! Para ngang gusto kong kumanta ng malakas na malakas na, "Rah-rah-ah-ah-ah! Roma-Roma-ma-ah! Ga-ga-ooh-la-la!Want your bad romance" sa sobrang sakit. Tao rin lang naman kasi si Jepoy at hindi baboy. Nasasaktan din ng beri beri nice.

Agad akong nag counter defense sa kanya.

Sabi ko, "Congratulations! I'm so happy for you. Finally you'll get what you have been wishing for ever since..."

Tapos isang malaking NR (No Response) na ang susunod na kaganapan at bigla na akong naglogout sa YM (Bitter na bitter)

Yes. Bitter na kung bitter like I care!

So ngayon habang sinusulat ko 'to nag pa-palpitate ako at dumudugo ang ilong at puso ko sa sobrang hurtfulness. Well sabi nga ng lola ko bago sya namatay destined daw ako para mag endure ng pain all through out my existence. Siguro nga tama sya.

Hindi naman ako umasa kahit kelan kasi yan 'yung dinidikta ko sa isip ko kaya wala akong ginagawang paraan para dito. No efforts pero baket ganun effected ako pero genuine naman yung pag sabi ko ng happy ako para sa kanila. Oh well ayokong i super impose ang state na ito sapagkat walang point.

So what's the best way to get out from crappy things like this. I made my own list for myself pwede nyo rin gamitin if you want.

1. Wag manood ng One More Chance ng paulit-ulit

2. Patayin ang Radyo pag nakarinig ng emo songs

3. Mag stock ng Maraming Maraming San Mig Lights sa fridge samahan ng roasted corn at chucherya at isang Rim ng Marlboro lights.

4. Dapat surrounded ka ng support system (good friends) na mag cheer sayo at hindi ka sa-sabihan ng, "tatanga tanga ka kasi eh"

5. Dapat mag blog ka ng anonymous para pwede kang mag mura at umemo fuck.

6. Bear the pain. Since emotion naman ay fleeting lilipas din yan. Damhin ang sakit hanggang betlogs.

7.Mag hanap ng madaming madaming chick na flirt at makipag landian ng bongga

8. Idelete sa Facebook sa YM sa Friendster at sunugin ang lahat ng bagay na mag papaalala at mag bibigay ng sakit.

9. Pumunta sa Tarlac meron restaurant dun ng Anger management. Pwede ka mag basag ng Baso, plato, platito, banga, bote, sandok, kaldero at computer.

10. Mag overdose ng Valium

"Loving someone that doesn't love you is like reaching for a star - You know you'll never reach it but you just got to keep trying."

Bow!

Ito po ay fiction lang!


Tuesday, March 23, 2010

Break A leg!!!! Lenten Special Entry

I speak little about my faith here. I guess this would be the right time to share a bit about it.

I never denied the fact that I am not perfect. I haven't been a good example to others. I don't have pleasing life and life style to brag about. I once been a part of group of youth who testifies in front of many students to give hope, to let Christ be the master of their existence. I once been a part of a student org who does share the good news during the start of the semester, a room-to-room bible study. I have had my own little bible study group were we meet once a week to encourage one another to continue with the faith and to excel in our studies. Every time I get an opportunity to share Jesus I always grab it without hesitation.

Through the years I have gone astray to experience the other side of life like the Yin-Yang effect. It was tough ride full of ups and downs, full of realization about stuffs in life. But tell you what, I have come to realized how awesome God is. I may not be the best person like i used to be but God's everlasting love for me didn't change. It is never fleeting. I am still blessed, though I don't deserve it but who does anyways?

We all make mistakes. People make mistakes.

What is the point of this writing anyways? Well, I would just like to testify how Good God is no matter what situation you may be in. Remember that he gave his one and only Son Jesus as a living sacrifice so we don't have to experience eternal condemnation. This is not about religion. This is about your personal relationship with him. I may not be the best person to share this to you but please think about it. There is hope in Jesus! You may be broken right now, you may be confused, afraid, lonely this is the right time to come and talk to him and accept the sacrifice He did 200o years ago at the cross.

As for me I would like to be a witness in the silences when words are not enough. I would like to testify to Love until the day God decides to take my life. Naks!


Music: Testify to love
Artist: Avalon

Sunday, March 21, 2010

Saburday and My Hairstyle kwento

Saburday is a busy day! Alam ko namang kebs ka lang pero gusto ko lang mag share. Walang mangengelam blog ko to!

Sinimulan ko ang araw para sa project nothing second meeting namin. Good thing may nangyari naman sa first phase. Share ko rin sainyo ito pag malinaw na ang lahat pero as of this time let's just leave it that way.

Okay... Natapos ang meeting namin kasama ang dalawang ungas mga around 4:30 PM. At dahil feeling ko masasayang ang weekend ko kung tatapusin ko na sya. Kaya naman kahit muka akong pathetic ay dumertso ako sa MOA ang aking comfort Mall na kung saan pwedeng gawin ang lahat. Isang tambling lang dito ang Sea Side para sa sea food trip, isang cartwheel lang dito ang videokehan para sa singing career, isang back lift lang ang Sogo Motel para sa happy ending. So 'yun nga dun ako sa MOA nag punta at nag decide na mag papagupit na ko dahil I'm dead tired with my effin' hair style. Nag lakad lakad ako habang naninigarilyo sa gilid ng mga pagupitan namimili ng mura at masang pagupitan.

Dahil ang gupit na gusto ko ay Mohawk (click ito para malaman ang itsura) nag decide ako na wag mag pagupit sa mga parlor na malandi. Doon ako sa simpleng barbershop na kung saan halos mga lalake lang ang kanilang customers.

And so... Nag pa book ako ng gupit, parang flight lang. Naupo ako sa malambot na chair at nilagyan na 'ko ni Kuya ng kapote para hindi makati pag gupitan na shinampoo ako at voila! ready na sa finals- Gupitan blues

"Pogi anong gupit ang gusto mo"

"Koya gawan mo ko ng mohawk tapos linyahan mo ang mag kabilang side ng ulo ko ng tatlong guhit"

"Okay"

"Teka alam mo ba yung mohawk?"

"Syempre naman pogi!!!" , with confidence

"Sige kuya kaw na bahala at maiidlip lang ako ng 5 minutes sumasakit ang ulo ko kasi'

"Sige Sir massage muna kita tapos gupitan"

"GOw!"

*Masahe here. Masahe there and everywhere*

Minulat ko ang aking tantalizing eyes kasi ramdam ko na ang razor nya ng bigla kong nakita ang pang mumurder nya sa aking mohaw.

"KoyAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!!!! Baket mo pinudpod ang likoran, naman kasi eh!!!"

"Baket Pogi?!", confused

"Sabi mo alam mo mohawk?! Baket mo tinasa ng bongga yung likoran ko?!"

"Eh Uhhhmm eh pasensya na Pogi"

Dahil na badtrip ako ng bongga pag ka stupid ni kuya. Nyeta.

"Fine!!!! Gawin mong semi kalbo, dos kahaba. GOw!"

"Pasensya na talaga Pogi, Pero okay naman ang semiKal dahil summer naman. Tsaka ang dami nyong balakubak nakakadiri"

"May pandidiri talaga Kuya?! Baka nakakalimutang mong hindi pa ko na kaka move on sa pag katanga mo, at oo meron akong balaquebak at ginagamot ko sya kaya nga ko mag papamohawk para nasa istilo ng konti"

Nag ngingit-ngit akong lumabas ng barbershop. Potangenang thunder Cats na barbero nyeta sya! Oo hindi parin ako move on until now.

Kaya naman sa sobrang bwisit ko bumili ako ng ticket sa IMAX para manood mag isa ng How to Train the Dragons tapos kumain ako ng Chicken Grilled Burger at never ending strawberry lemonade. Eto picture


Tapos nanood ako ng 3d movie sa IMAX mag isa, so pathetic! I know right?! Doon ako pumwesto sa gitna sa pang limang level pataas. At nawala ang aking inis at nakalimutan si kuya barbero. Super astig ng mubi para sa akin.

HONGONDO-GONDO!!!!! Nabuhay ang child in me. Para sa'kin, mas maganda ito sa avatar. Ang ganda rin ng story, it's all about friendship. I know, cheesy pero that's not only what you have to see in the film. Alam nyo ba 'ung sa Avatar na lumilipad sila kasama ang unknown creature na parang ibon na dragon?!!! Mas astig ito compared doon para sakin. Again ang disclaimer sa mubi na ito is on my point of view ha. Napatulo ang laway ko dahil sobrang ganda ng animation, tapos may touching part na kung saan.ay ayako mag kwento para hindi spoiler.This is Must see mubi. Maniwala kayo! lalo na if you have child in your heart like Jepoy, ma eenjoy nyo talaga ito. IMAX ticket is 350 be sure na sa gitna kayo pumwesto ha.


Teka balik sa kwento ko. Pag katapos kong manood ng mubi hindi pa pala dito nag tatapos ang araw ko. Na himasmasan na ko sa pag kainis ko kay kuya at na tanggap ko na ang itsura ng hair style ko na I would have to bare for the next couple of months bago siguro sya bumalik sa dati.

May nag text!

Nag teks ang blogger friend na si Andy kasama nya si Glentot somwhere in Makati nag yaya ng isang kape-kape session at hindi nag tagal biglang dumating si Manila Bitch pok pok YJ at after sometime sumunod naman si Citybuoy galing sa trabaho.

Instant EB!

Hindi namin na gustuhan ang company ng isa't isa kaya naman 3AM na kame nag hiwa-hiwalay pero bago kame nag hiwa-hiwalay ay hindi maampat ang Englishan nila hindi tuloy me makarelate ang gagaling kasi. Tapos nag decide na kameng umuwi habang lasing si Glentot. Iniwan namin sya sa Kalsada habang natutulog. Sana buhay pa ang dwende.

'Yun lang ang aking Saburday! Today is Sunday at mag sisimula palang ulet. Sasabay lang ako sa agos ng buhay kung saan ako dadalhin (Gumaganown bigla?)

Heto nga pala ang aking new hair style. Sige laitin nyo. Mga pakyu!


Saturday, March 20, 2010

Blast from the Past

Madalas akong maimbitahang maging Emcee sa wedding. Hindi dahil sa matatas akong mag salita ng english matagal ko ng alam 'yun (salamat sa Accent Training sa Call Centa) kundi dahil daw ito sa pagiging spontaneous ko. Pero sa katotohanan kinakabahan parati ako sa tuwing magiging Emcee ako, kasi pag kinakabahan ako na wawala ang spontaneity ko.

Hindi lang limang beses akong naging EmCee, minsan naman wedding singer (Feeling singer???!!!). Ang sabi nila dahil funny daw nga kasi ako. What the hell?! Clown ba ko? Or dahil muka lang akong mascot? Well kahit ano pa ang totoong reason ng mga nag imbita sakin eh hindi ko ito tinatangihan dahil sa libreng chibog at tunay na masarap pag mukahing shungaler ang mga guests sa tuwing nag papalaro ako tulad ng pag lalagay ng garter at pag sasalo ng flower ek ek, nakaka enjoy kaya silang pag tripan. It's not that I just look forward to the food or to those stupid games. The real reason behind all these ay..Tunay na nakaka flattered at nakaka tats ang invitation, kasi hindi naman lahat eh na i-invite na mag emzi sa napakaimportanteng pangyayari sa buhay ng isang mag jowa, tunay na tanging mga talented lang na katulad ko and pwede rito. Minsan nga pag fiesta samin ay iniimbihan din akong mag Emcee sa plaza. it's so provincial I know pero masaya naman din itong gawin lalong lalo na sa question and answer portion sa mga ka cheapang beauty pageant sa probinsya *Panlalait mode turn-on*

Nag simula ang lahat sa Press Conference contest kung saan nadiscover ng school namin ang aking hosting career by accident.

Ang Press Conference ay isang Journalism contest para sa mga high school at elementary. Ang pampublikong school namin ay dumaraan sa cluster level tapos Division level (DSSPC) tapos Regional level (RSSPC) bago makarating sa National Level (NSSPC)

Si Mr Bacani ang aming coach. Ang napakagaling na English teacher ko noong high school. Sya ang nag de-decide kung saang category kame dapat lumaban. Sa bawat isang contestant pwede silang mag participate sa tatlong category, pero max na ang tatlong category. Dahil konti lang kameng magagaling sa Journalism noong high school (Ehem Ehem) eh, dapat naming pag hati-hatian ang mga natitirang category para naman hindi sayang ang pinamasahe ng school namin na galing pa sa school canteen ang budget. May baon pa kameng zesto at egg sandwich pag lumalaban kame sa ibang school habang ang ibang school ay naka jalibi, fuck it! muka kaming aliping namamahay.

Ako ay napunta sa Feature Filipino at Copy Reading and Headline writing English category.

Sa school palang todo practice na kame. Araw araw akong nag papabili ng Manila Bulletin. Nagagalit na nga si Mama kasi pag inuutusan nya 'kong bumili ng mantika kila aleng Pekta pag balik ko ay dyaryo na ang dala-dala ko. Kaya panay sapok ang abot ko kay Mudrax.

Dumating ang unang level na pag dadaanan ng school namin. Kalaban namin ang kung ano anong chipanggang school at mangilan-ngilan na private school sa distrito namin. Mag hapon ang contest. Pinag dadala kame ni Sir Bacani ng water jag para may inumin kame pag nauhaw parang sports contest lang.

Ako ang unang sumabak. Ang sabi ni Sir kilala daw nya ang Judge, dapat daw ay strong ang lead ko at dapat daw gandahan ko daw ang hand writing ko para hindi mabasura ang papel ko kasi daw sa first scan daw ng article eh napaka importante ng lead at readable na hand writing. Kaya naman todo effort ako nung mismong contest na.

Pukang ama! kabadong kabado ako noon. Yung betlogs ko ang lagkit-lagkit na ng pawis parang cream silk lang! wtf!!!!

Umupo ako sa pinaka likod. Shit ang daming contestant putangenang shyet! Nanlalamig ang aking mga kamay. Nag salita na ang proktor.

"Welcome Contestants and Gudluck to everyone.." Sabay sulat ng theme sa pisara. Meron kameng tag iisang yellow paper at monggol number 2 na bagong tasa. Sa taas ng yellow paper na kung saan namin isusulat ang aming official entry ay meron naka stapler na 1/8 cut na cocomban sa taas, nakalagay doon ang entry number, school organ name, tsaka name ng contestant

"Ano yung school organ" may tangang nag tanong sakin kulay dilaw ang uniform nila

"Ah yun yung pangalan ng publication nyo"

"Okay, salamat ha"

"Walang anuman.."

matapos ang isa't kalahating oras ng pag susulat ay na tapos na ang category ko. Mamyang hapon pa i aanounce ang winner kaya steady na muna ako at nag pre-prepare para sa susunod na category ko. Sumunod na ang mga iba ko pang kasamahan sa kanilang category at natapos din ito. Bali sa isang category meron limang mananalo para ilaban sa Regional kaya hoping ang Jepoy.

Nag lunch na muna kame. Meron akong baon na kulubot na hotdog na nilagay ni Mudrax sa Tupperware, Nakapatong ang hotdog sa kanin lamig na baon ko. Sumalubong sakin ang na mamawis-mawis pa ang takip ng Tupperware ang kuluntoy na hotdog take note hindi iyon tender juicy kasi maputla, nakakahiya tuloy ilabas nung nasilip ko na kepsi ang baon ng kasmahan ko.

Matapos ang lunch. Nag panggap lang akong busog. Ang press release ko sa kanila nag breakfast ako sa jalibi kahit hindi naman.

Nag proceed na kame sa convention center na kung saan andun lahat ng delagate at dito gaganapin ang broadcasting part kung saan lahat ay audience. Wala kameng contestant ng broadcasting kasi bago lang ito 'nung time na iyon. Bali ito yung contest na kung saan magbabasa ka ng News na para kang News Caster ng CNN sa TV.

Hulaan nyo sino ang pinain na contestant ng team namin? Yeah tama ka, ako ang experimental contestant ng school namin. Pukang AMA!!!!

Unang Tinawag ang St. Scholastica (San Fernando)

Inabot sa babaeng maliit na maputi ang news slide at tinapat ang mic at nag simula na syang mag salita

"This is Jessica Rodriguez live reporting blah blah blah" Putangena!!!! Para syang isang totoong reporter ang galing galing, buong buo ang boses parang maliit na Mel Changko lang. Naloko na! Parang na tatae na ako sa sobrang ka kabahan. Nakikiusap ako sa Coach namin na wag na akong sumali, next year nalang kasi hindi ako prepared.

Tumunog ang masigabong palakpakan ng mga tao pag tapos ni Ate mag deliver ng shocking talent nya. FUck! Sumunnod na tinawag ang contestant ng Don Bosco. Putanganena!!! Ang angas din ni kuya. FUck talaga!

"Mula sa bulwagang pambalitaan ng Pampanga Science High School narito James Vitug nag uulat...", Pang huling salita nya.

Nakatulala ako at at nag drop jaw sabay tulo laway dahil sa sobrang galing. Mukang na paghadaan nila ito ng maiggi.

Hindi ko na maintindihan kung natatae ako. Naiiihi. Naluluha o na tatawa dahil halo-halo na ang pakiramdam ko. Hindi lang butterfly ang nasa stomach ko! Isa na itong malanding mariposang paru paru. Potangena! Tinawag na ang pangalan ng school namen bilang pang limang contestant at ako na ang isasalang.

"Uhmmm ahhh This is Jepoy live Reporting (Nanginginig ang boses na choppy na parang may kausap ka lang sa Sun ang Sobrang hina, kung gaano ako kalaki ganoon naman kahina ang boeses ko noon)... Secretary of National defense denied the alligation blah blah blah..." ,Patuloy ako sa pagbasa on a monotone voice na mahinang mahina. Parang tutubing karayom lang ang sound. Naririnig kong nag hahagiggikan ang audience. Butil Butil ang pawis ko hanggang matapos. Syempre hindi man lang ako nasama sa finalist. Potangena nakakahiyaaaaaaaaaa!

Bandang alas tres ng hapon nilikom ang lahat ng delegate para i announce ang nanalao sa ibang category. Yes First place ang inyong lingkod sa feature filipino! Ang kaisa-isang trophy ko na nasa kwarto ko parin hanggang ngayon.

Pero ang tumatak sa mga school mates ko ay hindi ang pag ka panalo ko. Kundi ang broadcasting category na kung saan ay nag kalat ako ng bongga. Ipinangako ko sa sarili ko na kailan man ay hindi na 'ko mag boboses tutubi at mangangatal ang boses sa tuwing meron speach related contest. Kaya naman nag simula ako sa pagiging Emcee ng linggo ng wika at nasundan at nasundan pa ng kung ano anong hosting career ko. At sa tuwing merong retreat ako ang tagapaunang salita. Fuck! Level up talaga.

Kaya naman ang first job ko ay... Dyarannnnnnnnnnnnnnnnnnnnn!!!! Call Centa :-D

ano ang moral ng story?

Lahat ng bagay na tutunan. Pati nga yung hindi mo mahal na tututunang mahalin eh (Gumaganown???!!)

Happy Weekend Mga Kups!

Thursday, March 18, 2010

Singer na Ko part 2

Walang mangengealam sa singing career ko!

Nag pra-praktis ako kanina sa kubeta ng matamis na awiting pinamagatang Star Spangled Banner. Naisip ko lang na baka sakaling isang araw eh ma-invite akong kumanta sa NFL, sa boxing o kaya sa NBA so dapat prepared parati sa mga ganoong klaseng oportunidad.

Kaya naman pagkagising na pagkagising ko kanina ay nag record ako sa kubeta habang jumejerbaks. Kung gusto nyong ma bwisit ay i-buffer ang maliit na video clip. Again walang basagan ng trip!

Kung ma-itatanong nyo baket hindi bayang magaliw ang kinanta ko? Eh, kasi baka maireklamo ako sa kinauukulan dahil sa bersyon ng pag awit ko, mahirap na baka ma demanda pa me tulad ni Arnel Pineda. Wala akong pambayad ng lawyer.


video

Dahil hindi ko makita ang cam ng laptop ko pati ang best friend kong gitara hindi tuloy ako na kagawa ng music video ko sa youtube. Sayang naman!

Again...

Walang basagan ng trip! Wala akong ma ipost tinatamad akong mag kwento ng mga kung ano anong shit na pangyayari lately. Kaya bukas nalang ang kapanapanabik na kwento.

Bow!

Tuesday, March 16, 2010

Walang Kwenta. Wag basahin para hindi Mainis!

Minsan na akong na ngarap na magkaroon ng scholarship bago ako tumungtung ng kolehiyo. Dahil mahirap lang kame hindi lingid sa akin na isang malaking sakripisyo sa mga magulang ko ang ipadala ako sa Maynila upang tuparin ang aking mumunting pangarap na maging millionaire

Syempre, hindi maaaring wala akong gawin at panoorin nalamang na gumastos ang aking magulang sa pag papaaral sa akin. Kaya naman noong pumunta ang DOST Rep sa aming school para bigyan ang top five students ng form (Ehem Ehem) para sa isang pag susulit para sa scholarship eh talagang hindi ko na ito pinalampas pa. Nag fill out ako ng form.

Tinignan ko ang mga technology courses na inoofer ng DOST. Ang mga nakita kong courses ay refrigeration technician. Automechanic.Food Technology. Aircon technology. Matapos kong basahin ang mga pukang amang courses. Tinanong ko ang Teacher kong baliktad ang ilong kung bagay ba sakin ang Refrigiration mechanic. Sabi nya bagay daw sakin kasi muka daw akong fridge. Puta sya! Pero syempre joke lang nya 'yun. Gusto ba nyang dumanak ang dugo sa loob ng campus?

"Anong course ang pipiliin mo sa checklist Jepoy" Tanong ng Salutatorian namin

"Refrigiration Technician, 3 years lang to. Para pag graduate ko mag iimbento ako ng fridge na hindi mapapanis ang ulam mo tapos pag labas nito mainit na at madadagdagan ng linam-nam"

"Ano yan microwave, tanga ka! Tignan mo kaya sa likod ng form andun ang BS courses"

*Nag drop Jaw*

"Onga noh! Churi"

So namili ako ng course at syempre ang pinili ko ay ang.. Drum Rolls please...Nuclear Engineering! kasi ang sarap sa Tenga parang antalino ko.

Araw ng Examination.

Feeling ko mag lalaro lang kame 'nun. Sa Pampanga Science High School ang testing center ng buong pampanga kaya naman madaling araw palang gising na ako. Hindi ko sinasabi kay Mudrax na mag eexam ako ng DOST Skalarship.

"Ma' penge pera may project kame"

"Project?! Eh nag bayad ka na nga ng graduation fee kahapon. Kukupitan mo pa ko, besides wala na nga tayong pera!"

"Sige na Ma' please!"

"Puro ka pera, ayusin mo nalang ang Ched SCholarship mo para makatipad naman tayo sa June"

"Fine" *Sabay walkout ng nakasimangot ng konti*

Hindi ako lumusot kay Mudrax. Kaya na ngupit nalang ako ng 100 pesos sa Tindahan nya (kala nya maiisahan nya ko). Mga Bandang alas siete ng umaga ay bumyahe na kame papuntang San Fernando Pampanga. na punong puno ng pag asa. Dahil DOST ang exam dala-dala ko ang encyclopedia ng kapit bahay namin at binabasa ko ito habang nasa Jeep kame, feeling ko lang may use 'yun. Maalikabok ang daan at naka school uniform kame kahit sabado iyon. Pag dating naman sa location. Chineck namin ang testing area. Aba! ang dami ng tao at kame lang lima ang naka uniform, potangena! Di mahulugang karayom ng mga madudumi at mahihirap ng students all over pamapanga. LOL

Syempre para looking smart sinoot ko ang reading glasses ko (para may effect ng konti). Maya maya pa ay nag tawag na ang proktor at pinapasok na kame sa designated room. kamuka ni Miss Tapia ang aming proktor mukang hindi nya papahintulutan ang kopyahan. Fuck sya!

Sinimulan nyang i-explain ang mechanics. Unang part ng exam ay Math. Pag sinuswerte ka nga naman!

Ang sabi nya 2 hours daw ang allotted time para sa math. Pinindut nya ang kanyang stopwatch na kasing laki ng wall clock nakalagay sa Belt nya para tuloy syang Glorified wonder woman. Nakakairita ang sound. Binuksan ko ang booklet and hiniwalay ang questionnaire. Nyeta question number 1 palang parang na duduling na ko

"Myra is twice as age as Edgar how old is Nimfa? blah blah blah" PUtangina!!!! Parang gusto ko ng umalis nalang at kumain ng chicharon sa kanto. Hihintayin ko nalang ang mga kasama ko. Nag nosebleed ako ng buo-buo sa Math. Nyeta talaga.

Sinundan pa ng English at Science.

Habang tinatapos ko ang exam. Nag iisip na ko ng palusot kung sakaling hindi ako papasa sa test. Isang malaking kahihiyan sa school namin. Biniliang ko ang sure answer ko para makasigurado. Ampotangena! Hindi pa lumampas ng 20. Fuck talaga! Kahihiyan ito.

Ending.

Bagsak! End of Nuclear Engineering dream.


Moral lesson?

Ang buhay ay parang gulong minsan black minsan blue (Ay ang corny na) Seriously! dapat pag umiibig ka wala ka dapat pagpipigil burst it all out, damet! (Parang lalabasan lang) and you will do everything para ipafeel sa taong minamahal mo na importante sya sa buhay mo by giving what they least expect from you (ANONG KUNEKSYON JEPOY???!! ANO??!!! MAGPALIWANAG KA *Shouting*)

Bow!

Saturday, March 13, 2010

Faces of A blogger

Anonymity.

Isang salitang indemand ngayon sa blogosperyo. May mangilan-ngilan akong kaibigan na lumelevel-up ang pag ka anonymous sa blog pati narin sa social networking site, which I don't personally get pero syempre respeto naman sa kanilang kalandian. Baka may tinataguan or ayaw lang pakita dahil either chakaness or feeling artistahin at ayaw pahabol. Balik tayo dito mamya.

Kanina habang nag lalaba ako ng brip kinakausap ko ang sabon kasi wala akong makausap sa bahay, umaasang sasagot ito. Wala kasi akong kasama pag umaga, nasa office ang mga house mates ko. Naisipan kong mag laba nalang kasi sumusuka na ang laundry basket ko sa sobrang daming labahin. Kung nakapag sasalita lamang ito alam na alam kong isang malutong na pakyu ang aabutin ko.

Ayokong mag palaundry kasi dito sa Maynila kasi nga una sa lahat, hindi sila hand wash at ayokong washing machine lang ang laba sa aking mahalimuyak na underwears. Pangalawa sayang naman ang pa sweldo ni Mudrax kay Pinky (ang aming napakabait na lavander) at Pangatlo wala akong perang pampa-laundry.

Pero kanina dahil sobrang dami na. Kelangan ko ng mag choose ng ipapalaba ko talaga pero hindi ko ipapalaba lahat kasi mahal. Okay, so nag start akong mag segregate ng mga brips, hiniwalay ko ang mga walang skid marks sa may skid marks at mancha. Tapos na mili' ako ng damit at jeans na medyo malinis pa para 'yun ang papa-laundry ko para incase na hindi maayos ang laba nila hindi masyado ka dirdir kasi malinis-linis pa sila. nilagay ko sa laundry bag ang mga papalabahan ko tapos ibinabad ko naman sa tubig na may Ariel Powder ang mga brips na may skid marks at mancha. Nakakahiya naman sa Ateng taga bilang dun sa palabahan pag nakita nya yung skid marks ng brips ko. Baka kainin ako ng lupa sa kahihiyan habang masamang masama ang tingin nya sakin. Kasi 'yung kuya na naka pila sa harap ko dati pinahiya ni ate. Sabi ni ate, "Sir hindi po kame nag lalaba ng brip na may tae sir" sumagot pa si Kuya nun, "Hindi tae yan, dumi lang yan". Nagalit si Ate talaga, "Eh baket ang baho?" Kinuha nalang ni kuya at umalis sa pila habang kame lahat naka tingin sa kanya.

Habang nagkukusot ako ng underwear kanina I was like thinking what ba maganda topic for my next entry, I mean so hirap naman mag think ng next topic. Tapos so hirap din mag isip what do I need to buy later sa Mall I mean so hard right?!.

Fuck! baket naging conyo bigla.

Yun nga kasi guys, na isip ko lang mag sulat ng two cents ko about anonymity ng blogger. Napag kwentuhan kasi namin ito ng isa kong kaibigan last time.

Kasi naisip ko lang kung ano kaya at mag paka anonymous rin ako? What the hell! eh, naka bulalas ang mga macho kong pektyurs sa aking blog at profile pix. Eh, kung idelete ko kaya facebook ko? Bad idea din, ayoko rin, kasi facebook lang libangan ko sa office ala nga namang matulog lang ako pag idle ang trabaho baka mamya nyan sabihin petiks pa ko. Paano na ang quiz shits na tinitake ko pag sobrang bored ako?! Paano na ang mga long lost friends ko? Hindi ko na ma "like" ang status message nila? Hindi na 'ko makakapag comment sa bagong upload nilang pictures? Gawd the thought of it scares me (landi!)

Tutal blog ko naman 'to isa lang ang masasabi ko sa mga pa anonymous blogger.

Ang lalandi nyo!

Pero I kinda like it din sometimes. Mysterious ang drama ng konti. Tipong ang pogi pogi mo pag nag susulat ka, kras ka na ng lahat tapos one day ayaw mo ng mag paka anonymous at inunleash mo na ang pictures mo (drum rolls) boom coco crunch ang panget mo pala. (LOL) Eh pano naman kung nag papangap ka lang na panget pero ang totoo artishin ka pala? Yung tipong sinasabi mo na ang hirap hirap mo tapos ang itim itim mo tapos hindi naman pala. And then one day nag unleash ka ng picture mo na pinagwapo pa lalo ng photoshop (drum rolls) boom coco crunch kras ng bayan ka na.

Oh Well, meron kasing advantage ang pagiging anonymous blogger. No holds bar ka sa pag susulat. Wala kang kinatatakutan or iniisip na may makakakilala sa'yo, pwede mong gawin ang lahat ng gustuhin mo na walang second thought na baka may makakilala sayo. Tsaka pwede kang mag create ng ibang dimensyon sa mga readers mo. Isang Identity na hindi naman talaga ikaw, gawa-gawa mo lang. Fake? Oo fake nga. And you don't even care. Masama ba ito? Hindi naman siguro, steady lang kasi nga hindi ka naman gumawa ng blog para makipag kaibigan diba?! Kasi kung gumawa ka ng blog para makipag kaibigan eh, na-violate mo na ang rule number one sa friendship which is ang pagiging totoo. ako kasi nakikipag kaibigan ako eh, hindi lang basta nag susulat kaya ganun.

Ngayon kung nag susulat ka dahil gusto mo lang mag sulat to share what's on your mind and you want to become anonymous, Go! Kung anonymous karin sa facebook eh potah 'di ko na alam ang sasabihin kasi I don't really get it. Why join social networking sites na anonymous ka? Are you effin' kidding me?! ano yun stalker ka lang? well Iwan nalang natin ang mga ganyang ka shitan. Respeto nalang. Kahit hindi deserve na mag earn ng respect eh, bigay narin natin para world peace. Love one another sabi nga.

Okay, pag hindi ka naman anonymous oweno ngayon? wala lang din. Makikilala ka lang naman ng mga readers mo, so what's the big of a deal? Makakaapekto ba kung kilala ka nila? Sabi nila oo daw. Kung panget ka konti ang mag babasa kung maganda ka marami ang mag babasa kahit walang wenta sulat mo. Pero at the end of the day doon parin yun sa sinulat mo, right? Pero ako ok narin na hindi ako anonymous kasi madami akong naging kaibigan sa mundong ito. And I am greatful about it. Mas takot pa nga ako aktuli sa mga nagbabasa ng blog ko na nakapalibot lang sa paligid ko like office mates, manager, kabitbahay kesa sa hindi ko kilala na nag kalat sa mundo ng sapot.

So alin ang mas ok anonymous or hindi? Para sakin wala kasi hindi naman mahalaga yan talaga.

Eh, baket ko 'to sinulat? Wala lang din ahahhaa. Walang basagan ng trip! Gusto ko lang i present ang dalawang klase ng blogger isang anonymous tsaka isang hindi. Ako ay isang hindi anonymous blogger dahil sa picture ko sa buhanginan last time ahahhaa.

Happy Weekend sa inyong lahat! Sa lunes na ang kwentong masaya okay...

Enjoy your weekend People!

Thursday, March 11, 2010

2010 Summer trip 2-Bora Pics loaded

Isa sa pinaka effective way para makalimot sa mga bumabagabag sa inyong isipan ay ang mag pack ng bag at mag ready to go para sumakay ng Jet plane at mag pakalayo-layo (Parang kanta lang)

Naisip ko lang na magandang way din pala to find solitude and peace of mind ang pag tra-travel sa mga relaxing places, yung tipong malayo-layo sa lugar na kinaroroonan mo. 'Yung tipong tahimik, walang masyadong shit. 'Yung makaka pag relaks ka talaga ng todo. 'Yung tipong ang lahat ay all set na para sa'yo. Haist! I wish mura ang gantong paraan, kaso hindi. Ang hirap maging dukha. Ang hirap maging mahirap<-----Manny Villar ikaw ba yan?

Anyhow carabao, na padaan ako sa Boracay (parang quiapo lang ang dating) my second summer trip of the year.

Hindi ko naman talaga dinayo ang Boracay uli para mag soul searching lang, isa itong summer outing kasama ang aking kapatid at ilang malapit na kaibigan, matagal tagal din namin itong pinag ipunan kasi hindi naman kame mayayaman para gawin ito ng isang kurap lang. Parang double purpose narin tuloy para sa akin ang trip na ito. Para ma i-treat ang kapatid ko, at the same time para makapag emo moment narin sa beach habang umiinom ng san mig lights habang may nag fi-fire dance on my side.

Habang nag lalakad ako sa buhanginan sa gitna ng sinag ng araw na isip kong... masakit pala sa balat ang rays ng sun, nasunog ako ng todo, kaya tuloy malutong na ko today. Kahit na naka sunblock ako eh, hindi ito masyadong naging epektib dahil narin siguro sa sobrang inet pero ayos lang kasi masaya namang mag lakad lakad sa shore habang naka shades at naka swim wear dahil maraming naka two piece at top less european chikas pero syempre hindi ko sila tinitignan baka magalit si papa Jesus.

lulan kame ng cebupacifc tora-tora plane patungong Caticlan, Aklan Airport. Maliit ang plane. Meron pang pag tititimbang na kaganapan sa check-in counter at syempre ang ending eh, doon ako sa parteng buntot ng maliit na plane dahil may kabigatan ako what do I expect eh overweight nga. Scarry Shit! Medyo afraid talaga ako sa aeroplane, medyo napa-paranoid ako na mag cra-crash ito. Ewan ko ba! hindi ko lang mapigilan talaga. Lalo na itong plane na nagla-landing ng Caticlan kasi nga maliit lang ang Airport dito so dapat maliit lang ang aeroplane. Butil Butil ang pawis ko hanggang makalanding ang plane. Go!

Sa Caticlan port naman ang daming putanginang windows na babayaran bago maka punta ng Boracay. Meron Environmental fee, Transfer Fee and Tourist fee total of 125 pesos, wtf! Pag dating naman sa Boracay 100 pesos ang bayad para sa tryk papuntang Hotel.

Dumating kame sa hotel ng mga around 5 PM. Masayang masaya ang mga kasama ko. Ako steady lang naman basta masaya sila ok na ko 'dun. Hindi naman ako malungkot OA na 'yun, pero alam mo 'yung feeling na incomplete. Kung pwede lang talagang pigilan ang mga ganitong pakiramdam eh, matagal ko ng ginawa.

Pag tapos naming mag settle ng gamit at habang nag sasaya sila at nag pipicture-picture ng sunset eh, nag paalam ako na maiwan muna sa hotel para mag breathe-in and breathe-out malamang bunga lang ito ng Jet-lag (feeling US ang binyahe?!) okay hindi Jet-lag kasi 45 minutes lang byahe namin. Dahil siguro sa fact na naiisip ko nanaman ang putangenang panget na dumudurog ng puso ko. Fuck talaga! lagi nalang wrong timing. Kumuha ako ng notebook at sinulat ko ang 100 reasons baket kelangan syang mabura sa mundo kong makulay na parang rainbow. Nag simula ako sa number 1 at nag tuluy-tuloy hanggang 100. Syempre hindi ko na isusulat dito baka mamya maligaw dito 'yun.

Gumaan ang ang pakiramdam ko after writing it kaya namannag eat-all-you-can kame ng lamang-dagat na pagkain for dinner tulad ng lobster, alimango, sea weeds, ishda, shell foods tulad ng talaba at tahong at liempo. Hindi ko alam baket may Liempo. Tapos nun nag party party kame dance dance ng konti nag pakalasing ng konti, nakipag landian sa european chick tapos umuwi ng hotel at natulog ng mahabang mahaba.

Next day, breakfast fruits all you can. beach galore. Nag jogging. nag swim. Nag snorkel.Nag swim. Nag lunch. Nag swim. nag picture-picture. nag swim.Tumae ng basa ang baho. Nag emo sa sand. Lumuha ng konti. Nag lakad lakad. Nag party sa gabi. Nag dinner. Natulog. Nag snore ng bongga.

Kinabukasan. Nag Swim. Nag diving. Nag Swim. Kumain. Nag shopping. Nag emo sa sand. Lumuha ng konti. Nakipaglandian ng gabi. Nalasing. Natulog. Nag snore ng beri beri slight.

Next Day Nag swim. Nag shake. Nag swim. Nag shopping. Nag Jet-ski. Nag babanana boat, hindi naka sampa sa boat. nag para sailing. Nag party party. Uminom nag lasing. Nag emo. Lumuha ng slight. Nakatulog sa sand.

Kinabukasan gumising nag breakfast. Nag check ng wallet. Pukang Ama! Isang libo nalang laman! Nyeta. Bumyahe papuntang Kalibo Airport. Freakin' two hours sa masikip na Van. Ayoko ng masikip. Ayoko ng minit. Pumila sa Airport. Nag check-in, late check-in again. Nakiusap sa manong lumusot naman. Nakipagkilala kay Jenna isang cebupacific flight attendant kasi classmate nya yung sister ng room mate ko. Nakipag landian ng konti. Tapos fly na sa manila. May turbulence. Kinabahan me. Binigyan ako ni Jenna ng PepsiMax libre. Aylabet. Nag ipod. Nag emo ng konti. Tapos umuwi na sa Manila.

Tapos ang kwento. Gusto nyo ng picture? Wag na nahiya me.

Eto na Ate Powkie at Roanne ang picture request nyo: Sorry at kaunti lang nakakatamad mag upload eh:

Picture 1: Si Jepoy ay nakahawak sa maputing sand. Smile after ng emo.

Picture 2: Hindi lahat ng my DSLR ay photographer pero ang kuha ko pang photographer diba Glentot? Kamusta ang shots mo?

Picture 3: Rash Guard Shirt ko at ang henna na mabilis kumupas habang naka post ng bongga

Picture 4: Hilaw na lobster at Manggang hilaw

Picture 4: Ako at si Utol nag shopping ng pearls

Picture 5: Mansion ni Manny Pacquiao (ginagawa parin)

Picture 6: Shangrila hotel and Spa hindi kame dyan tumira

Picture 7: Snorkel at ang tinapay

Picture 7: Nahihilo na ko sa lakas ng current. Nyeta!

Picture 8: Emo sa tapat ng hotel

Picture 9: Kararating lang sa Aklan Caticlan Air port

Picture 10: Parang tanga lang me sa Airport

Tuesday, March 9, 2010

Blogger of The Month--March 2010

Sino kaya ang ang napili ng mapanuring mata ni Jepoy na maging blogger of the month ngayon? (like you care right?)

Short post lang ito promise.

Na miss ko ang blogosperyo, para na palang tubig sa akin ang mundong ito. It quenches my thirst (Parang Gatorade lang) Medyo hindi kumpleto ang linggo ko 'pag hindi ako nakaka- ikot para mag basa sa mga bahay bahay na favorite kong blogs, nakakapag bigay kasi sila ng ligaya sa puso kong nag durogo, Jowk! Well, ang gusto ko lang naman talagang sabihin ay nakaka appreciate ako ng blogs na nababasa ko kaya mag aaward na ako for the month of March! Yehey *Palakpakan*

Immana haf'ta introduce to y'all my blogger of the month

Sya ay isang babaeng may itlog na mas kilala sa tawag na XG or Xienna Girl sya ay walang iba kundi si Chiksilog. Isa ang blog nya sa mga nag tulak sa'kin para mag blog. Ang kontexto ng blog nya ay kung ano anong shit lang. Sa kanya actually nag originate ang sikat na sikat na whatever ten tags, medyo nilagyan lang ni badoodles ng tweak. Okay, hindi ako kilala ni XG ni hindi rin nga ako kasali sa blog roll nya, minsan narin syang naligaw dito noong may emo shit entry ako. Anyhow carabao, si Chiksilog ay isa sa mga blogs na kinaaliwan kong basahin ng walang pag aalinlangan kaya naman kahit bihira na syang mag sulat ay ginagawaran ko ang blog nya ng prestigious award na nag mumula sa kaibuturan ng betlogs ko este puso pala. Hindi ako nag paalam kay XG na ilalagay ko ang picture nya dito pero kumupit ako sa profile nya ng pic para sa inyo. Pag nagalit sya saka ko nalang aalisin, Papa Jesas sana po wag magalit si XG mas gusto ko po ang profile pix nya dati na kita ang pusod kaso po pinalitan na nya hihihihi.

Eto nga pala si XG, Aktuli di ko alam kung sya nga yan nilagay lang nya sa profile nya sa blog, hindi kasi kame mag ka fezbuk.

Congratulations sa iyo Xienna Girl! Raise the roof! Alam kong hindi ito kasing pula ng Oscar Awards at tatlo lang ang nag babasa ng blog ko pero ang award na ito ay para sa talent mo! I loveeet!





'Oyan mga kups tapos na ang entry ko. Kung gusto nyong mag pa pansin sa'kin para ma feature ko ang blog nyo eh simple lang naman. Dapat talented ka. Kelangan mong lumunok ng buhay na Ostritch at kumuha ng katas ng puso ng saging pag patak ng alas dose ng gabi.

See ang dali lang diba?!

Hanggang sa Muling Awarding ceremony. Who knows ikaw na ang susunod?

Pasensya na nga pala dahil hindi ako marunong mag php at html shit kaya walang badge badge. Kayo nalang gumawa ng sarili nyong badge basta ang importante na aknowledge ko kayo. Shit ka!

Bye...

Thursday, March 4, 2010

2010 Summer Trip 1--Book 3: Kasiyahan sa Palawan

Okay last na part na 'to ng Palawan shit ko.

Tuloy ang kwento pero, iiklian ko nalang para 'di kayo ma bored,'yung mga highlights nalang ang ikwe-kwento ko. Salamat sa tatlong tao na nag abang nitong Chronicles of Narnia shit na 'to.

Ito na. Go!

Sinundo narin kame sa Airport ng kulay maroon na Van, malapit lang naman pala ang nyetang hotel namin from the airport sana nag tryk nalang kame. Natagalan at na bwisit pa tuloy ako ng bongga.

Sa Van..

Syempre hindi maampat ang pag so-sorry saamin ni manong driver at binuhat nya lahat ng gamit namin, in all fairness mabait parin si manong kahit umaatitude ako pag dating nya. Sa pangkalahatan masasabi kong mababait ang mga local dito. Baket ko nasabi iyon? dahil dito.

Pag dating sa Hotel.

Madilim na at nagugutom na kame. Syempre hindi kasama sa package namin ang dinner kinakailangan pa naming mag hanap ng kakainan sa isang lugar na hindi kame pamilyar. Sinalubong kame ng hotel manager wala syang masabi kung hindi sorry. Binagyan nya kame ng ice tea at pinaupo sa lobby akala naman nya makukuha kame ng pa-iced tea nya, nyeta sya. Nag tataako baket hindi pa binibigay ang susi ng kwarto namin only to find out na.

"Ay Sir nga pala, nag karoon po ng kaunting problem tayo"

"What problem nanaman?! Sabihin mo na kaagad ng magawan ng paraan"

"Wala na pong available na room. Sorry po talaga"

Medyo na bingi ako sa sinabi nya. Hindi pa nag si-sink in sa systema ko. Hindi pa umabot sa puso ko ang litanya ng potangena!

"What do you mean wala ng available na room, eh two months ago all set at bayad na ito 'diba?"

"Opo Sir nag ka problema lang po"

"Okay anong problema ito?" Lumelevel up na ang pag kainis ko ulet

"Sir meron po kasing malaking group na check-in kanina kulang po ang room nila"

"What the hell!!!!! So dahil malaki ang group nila binigay nyo ang room namin? Ano 'to palakihan ng group? More entries more chances of winning? Not acceptable reason, so lame.."

"Sir Sorry po talaga, ililipat po namin kayo ng hotel at hindi po kame ma papahiya dun sa lilipatan nyo, for one night lang naman po"

Gusto kong mag basag ng baso at figurines noon at ganun din ang dalawang kasama ko. Pero nag pigilan kame ng gutom namin at kapaguran. So sa madaling salita nalipat kame at naka move on na sa pag kainis. Gusto nalang namin wag masira ang trip na ito dahil minsan lang kame makalayas ng Maynila para mag enjoy. Eto nga pala ang pekyur ng hotel na nilipatan namin, nag stay kame dito ng one night.





So nag pahinga muna kame ng konti. Tapos tumae me. Tapos nag shower kame ng sabay sabay,Joke! After namin maligo humilata muna ng konti sa bed at nag ayos ng gamit. Tapos nag decide na kameng mag dinner. 'yung isang kasama kong girlet meron syang listahan ng dapat naming kainan dito sa Puerto Princesa kaya hindi kame na hirapan mag decide kung saan, tsaka accessible ang location ng hotel namin sa mga restau dito. Kumain kame ng bongga, nakakatuwa dahil mura ang pag kain dito kaya kumaboom ako ng bongga. Walang diet diet shit. Eto pektyur oh







Nabondat ako ng bongga sa kinain namin at nawala ang pag kainis dahil na kakarelaks ang place. Itong kalui na ito ay gawa sa kahoy, native na native talaga. Naka-paa nga lang kame papasok sa loob kasi tabla ang sahig. Masarap kumain at mag kwentuhan dito. Hindi ko na maalala kung ano ano inorder namin pero hindi sya mahal tamang tama lang. After namin kumain. Sumakay kame ng tryk pabalik sa hotel at natulog na. Yes natulog na wala ng iba pang kung ano anong shit kameng ginawa. Ay teka nag wifi muna pala kame. Galeng diba meron pang Wifi parang hindi province noh?!

Kinabukasan ay ang pinaka masayang part ng stay namin. Nag day trip kame papuntang Dos Palmas. Ito yung lugar kung saan na matay si Rico yan tsaka kung saan nang kidnap ang Abu Sayaf noong na ligaw sila sa Palawan. Super ganda at relaxing ng place pang mayaman. Hindi kame nag overnight dito kasi hindi namin afford. Mahihirap lang sorry naman. Pero may Catch bago kame makarating ng Palawan. Yes may catch nanaman. Sumakay kame ng Boat around 7:30 AM. Syempre excited Picture picture ang mga cam whore. Eto sample oh.


maya maya nang nasa kalagitnaan na kame ng byahe habang nag eexplain si Manong Tour Guide at nag crak ng corny joke nya ay may tumunog sa makinarya ng bangka. At hindi maganda ang tunog nito dahil pamilyar saakin ang tunog. Ito yung tunog noong nag overheat ang kotse ko. Fuck it! Yes nasira ang motor ng bangka Putaneska pasta talaga!!!! Merong may balat talaga, ayaw umamin! Nyeta! Eto ang proweba, nag karoon ng komosyon ang mga manong tour guide tignan ang picture nasa gitna sila nag kukulkul ng makinarya.

Hindi na namin makuhang mainis. Natatawa nalang kame sa sinapit namin. Pero gaya ng ginawa namin last night, instead na mabwisit eh, nag enjoy nalang kame sa paligid ng island at nag picture picture habang nag hihintay ng recue boat

Okay makalipas ang 20 minutes ay dumating ang aming rescue boat. At sawakas dumating din kame sa Dos Palmas. Ang ganda parang paraiso. Napakanta nga ko ng. "And if I could sing a single song what joy..." tapos kumain ng bonggang bongga. Eto pictures para hindi na ko masyadong sumasat-sat pa dito. Let the picture say the words that I wan't to share to you all (Meganown?!)

me nag papacute sa daan papasok ng Dos Palmas. merong local band sa harap dyan nag bibigay ng juice pag dating ng mga turista. Aylabet!

Picture picture lang...

Feeling photographer kahit hindi naman marunong...

kita nyo ba yung panty nung kasama ko? Aktuli swimsuit pala hindi panty hihihihi

Spa. So relaxing...


Complete gear ang Jepoy para sa pag tingin sa mga fishy fishy

Ang daming fishy fihsy nakakatakot pala pag sobra na nilang dami.lol

favorite part ko. Kainan na!



Ang signature pinyacollada nila

Katakawan...


Sobrang saya at sobrang nakaka busog kaya tuspok kame paguwi. Gumising kame para mag dinner lang kumain kame ng crocodile. Kinabukasan nag city tour kame at nag punta ng undergroud river at nag punta ng crocodile farm at nag fly na sa manila. Super bilis bitin ang trip at kahit nag ka aberya masaya naman ako at gusto kong bumalik sa palawan ulet! Aylovet.. Share ko ang last set ng pictures from the underground river, city tour and Palawan airport.

Ticket pauwi. Nahiya ang hotel samin kaya sila ang nag check-in samin pauwi kasi humarabas pa kame ng lakad before going home. Flight going to manila is 7:00 PM

Nakatanga sa Airport may iniisip...


Nag hahanap ng towel...
Merong bagay na hindi ko kayang hawakan. Sila ang mga cold blooded animals. I hatechit.
\
Sa boat pa puntang underground river...

Sa harap ng undergroud river kasama ang mga chikas...


At dito na po nag tatapos ang Chronicles of Palawan. Maraming salamat sa pag aabang at pakiki basa.

Bow!

Wednesday, March 3, 2010

2010 Summer Trip 1--Book 2: Hagard

Nagngingit-ngit kameng lumapit sa rebooking station ng cebupac para mag hanap ng next available flight at kung magkano ang babayaran namin.

"Sir pasensya na pero wala na pong next available flight, kung gusto nyo po bukas nalang ng umaga"

"Okay sige anong oras bukas ang earliest flight at magkano ito" nag ngingit-ngit kong tanong kay ate

"Sir bukas po ng 8:00 AM and that flight is 7K po"

"Oh my freakin' Gawd, are you fucking kidding me?! Ang ticket namin back and forth ay halagang 2,300 lang! WTF!!!!"

"Sir Pasensya na po.." medyo takot na si ate

"Okay *Sigh*, ano ang pinaka murang flight tomorrow at how much ito at kung pwede nyong ibawas ang ang flight namin at kung pwede nyong i atras ang flight namin pabalik. Magkano ang rebooking fee?"

"Meron pong 5:00PM flight bukas worth 4K po. Ang rebooking fee po ay 600 pero ibabawas lang po ang amount ng isang way nyo sa amount ng flight pabalik"

"This is not happening! My Gawd! Hindi ba pwede ilibre nyo nalang kame ng papunta?!"

"Sir hindi po talaga pwede, pasensya na"

"Fine! Reserve 3 seats of that flight tomorrow 5:00 PM" sabay abot ng credit card ko (Potangena talaga!)

Bumaba ang energy level nami dahil sa 4K payment namin ng ganon ganon nalang! Futaneska Fetuccini talaga!!!!

Bumalik kame ng lumong-lumo ang katawan at naupo sa upuan sa gilid para mag relaks ng konti. Iniisip namin kung sino ang may balat sa pwet baket ganito ang nangyayaring kamalasan sa amin.


Kaya naman naisipan nalang naming sama-samang magluksa habang nanonood ng "I miss you Like Crazy" tapos nag dinner at umuwi na getting ready sa flight namin bukas.

Kinabukasan...

Hindi na nila kame maiisahan this time, dahil kahit 5PM pa ang flight namin eh, alas dose palang nang tanghali ay nasa Airport na kame suot ang bagong summer dress code para mag hintay sa fucking check-in time ng cebupac shit. Maaga kameng naka check-in at nag hintay sa waiting area habang hinihintay na ma delay ang flight para makatikim ang cebupac sa'min ng matinding freak-out-moment at makita nila kung paano mag irate-irate-tan si Jepoy. Ito ang ilang pekture sa waiting area. Kakatapos ko lang mag yosi sa pang mahirap na smoking area ng Terminal 3. Gosh buti pa states like there's an a/c in their smoking room. hihihihi




Okay hindi na late ang flight ng Cebupac at lumipad naman kame ng nasa oras. Akala ko tapos na ang kamalasan namin after namin maiwan kahapon and all meron pa palang kamalasan. Ang pwesto namin ay nasa 12 ABC nasa tapat namin ay si Lolo at dalawang french foreigner. Hindi pa man nakaka limang minuto matapos humimpapawid ang plane nag pasabog ng bongga ang isa sa taong nasa harap namin. Nahilo talaga kame ng bongga. Not once not twice not trice but more more utot sina Kuya na tila bagang hindi na pwedeng umutot next week. Putangena nila!!! Nahilo kame! Naubos yata ang off lotion ko kakasinghot. My Gawd!!! Pwede naman umutot sa restroom. Shit talaga!

Dahil hilong hilo na kame nakatulog kame sa plane ng bongga. Tumulo pa nga ang laway ko, nahiya me sa magandang flight attendant. Around 6:15 nasa Airport na kame ng Puerto Princess at nalanghap ko ang fresh air. Medyo naalis ang stress ko at tuluyang na excite. Halata ba sa pekture? syempre makikita nyo na dala ko pa ang plastic ng pang Snorkel ko hindi naman ako masyadong excited sumisid. Hindi yung sisid na iniisip mo ha! yung sa dagat i hatechu!

Namangha me sa pag ka-simple ng airport nila. Simple and sweet and cute (parang candy lang?) Tsaka super linis talaga ng paligid. Lalong umigting ang excitement ko pati nang dalawang girlets na kasama ko. Eto pektyur ng airport

But wait there's more! Lumabas kame ng airport na punong puno ang puso namin ng hopes. mga 6:30 nasa labas na kame at hinahanap ang Skylight-hotel-Service-car namin (pangalan ng hotel) ang daming local peeps sa labas sinasalubong ang mga bagong dating. Sinusundo ang turistang katulad namin (Felt na felt ko ang pag ka turista talaga). Pero parang may mali, sapagkat wala ang service namin. So more more wait muna at more more patience baka na traffic sa bangga ang potangenang service.

Lumipas ang 45 minutes!

Aba'y potangenang yan wala kameng sundo. Ang dilim dilim na sa airport at wala na halos tao dahil last flight na nga yata kame, eh wala pa ang potangenang service namin. Nag sumiklab talaga ng bongga ang damdamin ni Jepoy. Tinawagan ko ng chick na kasama ko ang hotel ayaw nyang ako ang kumausap dahil baka daw ma stroke ang helpdesk.

So usap usap sila nag bubulungan.

Makalipas ang another 30 minutes sa awa ni Buddha wala parin ang potangenang service!!!! Hindi na ko na katiis ako na ang kumausap sa helpdesk

"Hello Skylight hotel can I help you?"

"Excuse me! This is Jepoy one of your guest who is impatiently waiting at the airport. Nasaan ang service?! 1 hour na kameng nag hihintay dito."

"Eh Sir pasensya na po nakalimutan po ng driver na sunduin kayo"

"WHAAAAAAAAAT????!!! NAKALIMUTANNNNNNNNNN???! That is not acceptable reason!!!!"

"Eh Sir wag na po kayong sumigaw, papadala na po kame ng another service"

"Pakibilisan lang please..."

Kung merong pang BP noong time na 'yun, tatalsik ang mercury 'nun hanggang manila. Na kaka hagard talaga, Nyeta!!!

itutuloy ulet...